Chapter 27

25 7 3
                                    

Rafael's P.O.V.

×AFTER SCHOOL×

"Hay nako Rafael!, tumigil ka nga nyang kalokohan nyo. Kung whole week walang pasok eh ano na lang matututunan ng mga studyante sa paaralang ito?!"
Hayyy ..... sabi ko na nga ba at di ako papayagan pero pipilitin ko para kay Haeley.

"Eh Ma.. sigurado na magugustuhan din naman nila 'to eh, kaya pumayag ka na"
Pagmamakaawa ko pa rin. Kase nagkaroon kami ng kasunduan kaya dapat mapapayag ko si Mama.

"Kailangan nyo talaga lahat ng studyante dito sa G.R.A. di mo ba alam na sobrang dami ng pumapasok dito?, 6 000+ students tapos pati mga teachers pa. Sobrang dami naman kung lahat sila gagamitin nyo saka malapit na exam. Magreview kayo wag puro kung ano-ano inaatupag nyo."
Sabi pa ulit ni Mama. Hayysssttt ang hirap talagang kausap ni Mama. Minsan na nga lang ako humingin ng favor tapos ayaw nya pa kong pagbigyan.

"Edi magbibigay na lang kami ng rewards. Para mapasali namin sila"
Saad ko naman kay mama pero tinawanan nya lang ako at binatukan.

"Aray ko naman Ma!"
Reklamo ko habang hinihimas ang ulo ko. Ang sakit ng batok ni Mama di pa rin nagbabago.

"Sira ka, mapera na sila kakailanganin pa ba nila ng reward?, eh kung ang tuition nga nila eh mas mahal pa sa mahal. Yang utak mo ba, sa paa mo nailagay?,Ha?"
Parang di ko nanay. Grabe makasumbat.

"Get out to my office!, magreview ka para sa darating na exam. Pag ikaw bumagsak miski isang subject malilintikan ka sa papa mo!"
Di na ko sumagot at lumabas na lang.

Napabilis ang paglalakad ko nang makasalubong ko ang mga tropa ni Haeley. As usual masama ang tingin sakin ni Ranze porque naunahan ko lang.

Pumunta ako sa elementary para sunduin ang kapatid ko labasan na kasi sila ngayon. Magkakatabi lang ang campus ng elementary,  junior highschool kasama na ang senior highschool, at college.

Pagpasok ko sa gate ng elementary nakita ko ang kapatid ko na nakaupo at umiiyak.

"Oh Ruby bakit ka naman umiiyak?"
Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha nya.

"Kase po...kase po..."
Di nya matuloy ang sasabihin nya at mas lumakas pa ang iyak nya.

"Shhhh.... may umaway ba sayo?, Sino?, papagalitan ko, dali."
Sabi ko sa kanya at pilit syang pinapatahan.

"Wala po...."
Sagot naman nya at basang basa na naman ng luha ang mukha nya.

"Ano ba kasi nangyare?"
Tanong ko ulit sa kanya baka kase kung ano na nangyare dito, eh ako pa mapapahamak.

"Nawala po kase yung.....yung.....pang color ko"
Hayyy juskong bata ito kala ko naman kung ano!. Pinagaalala ako.

"Yaan mo na yun"
Sabi ko sa kanya saka tumayo at hinila ang bag nyang digulong.

"Eh mama will be mad at meeee...."
Akala ko nakasunod na sakin pero nakaupo pa rin pala at iyak ng iyak.

"Ok, then, we will buy a new one"
Sabi ko naman sa kanya and it seems na may effect. Dahil tumahan na si Ruby.

"Talaga po kuya?"
Tanong nya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Oo. Ngayon din pupunta tayo sa mall. Baka gusto mo ding maglaro."
Sabi ko sa kanya. Nakita kong umaliwalas na ang mukha nya at nakangiti na rin sya.

"Sige po tara na"
Aba excited!.

Pumunta muna kami sa campus ng JHS at SHS dahil nandon nakaparada ang kotse ko.
Pagpunta namin sa parking lot ay hinanap ko kaagad ang kotse ko. Ang dami kasing nakaparking natabunan na yung napakagandang kotse ko.

Save me Where stories live. Discover now