Chapter 47

14 4 0
                                    

Haeley's P.O.V.

Pagkadating ko sa Cebu ay hindi na ko kumuha ng hotel na tutuluyan. Huling bisita ko na din siguro to' para tuluyan na din ako makamove on sa pagkawala ni Ranze. Malapit na ako sa tulay kung san naganap ang pangyayareng yun. Pinagawan na naming to' ng matibay na tulay. Napag-alaman kase namin na may mga manlalakbay din na dumadaan dito. Pumunta ako sa bandang gitna ng tulay. Napaka ganda ng view. Kitang kita ang linis ng lake.

"Ranze, huling dalaw ko na dito. Di nakita makakausap. Ang daya mo naman kase iniwan mo ko, kala ko hanggang sa huling hininga magkasama tayo. Hala, ikaw talaga lagi mo na lang ako pinapaiyak. Kakainis ka talaga kahit kelan"
Para kong baliw tuwing bibisita ako kay Ranze. Nagsasalita ako magisa. Kinakausap ko ang sarili ko.

"Bakit ba naman kase di mo pinilit umakyat yan tuloy nahulog ka, akala ko ba sakin ka lang mahuhulog?. Masayaka na ba dyan ha?, Para na kong baliw dito."
hindi ko pinigilan ang mga luha ko sa pagkakataong ito, wala naman nakakakita sa kadramahan ko e'. Habang nagdadrama ako may narinig akong kaluskos sa may damuhan.

"Sinong nariyan?"
Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan mula sa kinatatayuan ko kung may tao ba sa damuhan. Nagulat ako ng biglang may lumabas na pusa.

"May pusa pala sa lugar na to'."
Napatingin ako sa relo ko at malapit na mag sunset.

"Ang ganda talaga ng sunset.. sana napapanod mo din to'."
Bumagsak na naman ang mga luha ko dahil naalala ko yung panahon na nanonood kami ni Ranze ng sunset sa rooftop. Hindi ko mapigilan sisihin si Ranze dahil sa pagiwan nya sakin pero ako talaga ang may kasalanan kung bakit nangyare sa kanya yon. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagmusic.

"Kakanta ako kahit panget ang boses ko kaya magtakip ka na nga tenga mo dyan kung ayaw mong marinig"
I play the song 'The one that got away' I just accidentally saw it on youtube. Hinintay ko ang chorus.

"In another life, I would be your girl..."
Nagsisimula palang akong kumanta pero parang may bumabara na naman sa lalamunan ko at saka sumasakit ang ilong ko, nangiinit din ang gilid ng mata ko.

"we keep all our promises, be us against the world..."
My tears start to fall down to my chicks.

"In another life, I would make you stay."
Just wait for me there.

"So I don't have to say you were the one that got away..."
This was my first and last song for you Ranze pero hindi mo narinig.
Nagstay pa ko ng ilang minute bago pagpasyahan na umalis na at umuwi na ulit.

"So pano ba yan, gumagabi na uuwi na ko ha. Magiingat ka dyan sa langit palagi. Kung sa langit ka nga napunta, Just kidding."
Umalis na ko sa tulay at habang naglalakad ako paalis sa lugar, may nararamdaman ako na may sumusunod sakin kaya nagmadali akong malakad.

"Sh#t kakatakot"
Bulong ko sa sarili ko ng makarating na ko sa kalsada. Mukhang wala masyadong dumadaan na sasakyan. Mag-gagrab na nga lang ako. Maya maya pa ay dumating na ang sasakyan kaya agad din ako sumakay.

"Ma'am san po?"
Tanong ni Manong.

"Sa Airport po"
Tipid ko namang sagot.

Malapit na birthday ko pero wala akong gana. Siguro kailangan ko ng ibalik ang dating ako. Pero pano nga ba?. Lagi na lang kase akong malungkot pano ba naman kase nawala yung kasiyahan ko. Siguro kailangan ko ng i-let go to para makabalik ako sa dating ako. Si tita Reign naman nasa kulungan pa rin. Ayaw nila mama at papa na iurong ang kaso sa kanya kaya wala akong magagawa, tadhana na nya yun.

"Manong.. malayo pa po ba?"
Gusto ko na kaseng umuwi dahil hihingi ako ng tawad kanila mama at papa pati na sa mga kaibigan ko. Pagaalis sila hindi ako sumasama kase nagsasakit sakitan ako.

"Malapit na po ma'am"
Sagot naman ni Manong kaya mas naexcite ako. 30 mins lang naman ang byahe pabalik sa manila, not exactly 30 mins ha. Pagkadating ko sa airport agad akong kumuha ng ticket pabalik sa manila. Nang makasakay na ko sa eroplano nagtaka ako sa katabi ko dahil nakasumbrero sya at naka jacket na black. Kinabahan ako ng konti pero mas ppinili ko pa ring umupo sa tabi nya. Hindi naman sa pinagiisipan ko sya ng masama, diba ganon naman yung sa mga palabas?. Nako Haeley manood ka pa ng Kdrama ha. Nasabi ko na lang sa isip ko. Yun kase ang libangan ko nung nagkulong ako sa kwarto ko.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe, napatingin ako sa kamay nung katabi ko na nakapatong sa hita nya. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang peklat sa kamay nya na katulad na katulad dun sa driver nung taxi na sinakyan ko papunta sa airport sa manila. Stalker ko ba sya?

Palihim kong sinisilip ang itsura nya pero sa bintana lang sya nakatingin kaya hirap akong makita ang pagmumukha nya. Hinayaan ko ng lang sya at hindi na din ako nagbalak kausapin sya. Nakaramdam akong antok kaya pumikit muna ako.

Nagising na lang ako ng kulbitin ako ng katabi ko. Pagmulat ng aking mga mata ay kaming dalawa na lang ang nasa loob at ang iba ay nagsialisan na.

"Ay sorry po"
Tumayo na ko at nagmadaling bumaba ng eroplano. Napahinto ako sandali pagkababa ko sa eroplano.

"Teka parang nangyare na yun ah"
Napakunot ang noo ko dahil parang naulit lang yung nangyare. Ganon din ako nung magkacamping kami. Napakamot na lang ako sa ulo at tinawagan si Kuya para sunduin ako dito sa airport. Sabi ko kay mama bukas pa uwi ko pero umuwi din ako agad.

Ilang minute din ang inantay ko bago dumating si Kuya. Nginitian ko si kuya at nginitian nya din ako.

"Ang saya mo ata ah"
Saad ni kuya pagkasakay ko sa kotse.

"Ah di naman."
Matipid kong sagot at di pa rin naaalis ang ngiti sa aking mga labi.

"Sweetie bakit parang hindi mawala yang ngiti mo?"
Ghad Haeley nagiging timang ka na naman. Umayos ka ngaaa.

"May narealize lang po kase ako."
Napalingon naman sakin si Kuya.
"At ano naman yon?"

"Hindi ko na kailangan malungkot dahil alam kong nandyan naman kayong lahat para pasayahin ako"

"Wow. Ang tagal na naming yang sinasabi sayo pero ngayon mo lang narealize"
Asar naman sakin ni kuya.

"Kuya naman e'.... Hindi ka pa din nagsasawang asarin ako"
Sabi ko sa kanya at nagpout sa kanya.

"Alam mo. Matutuwa sila mama dahil ok ka na ulit"
Yun nman ang gusto ko, maging Masaya na ulit ang lahat.

Pagdating namin sa bahay ay masayang nagkukwentuhan sila mama at ang mga kaibigan namin ni Kuya. Pagpasok ko ay bumeso ako sa kanilang lahat. Nginitian ko na din sila.

"Oh my little princess ang tagal naming hindi nakita ang ngiti mong yan"
Maluha luhang saad naman ni mama at niyakap ako ng napakahigpit.

"Haeley ok ka na ba?"
Tanong naman ni Micca at Liane.

"Yup. ok na ok na ko"
Bigla naman silang tumayo at niyakap din ako ng sobrang higpit. Ghad namiss ko sila. Ngayon na lang ulit nila ako nayakap ng ganto kahigpit. I felt so important to them.

"So pano ba yan. Sasamahan mo kami bukas mamili ng gown na susuotin namin bukas para sa birthday party mo."
Masayang sabi naman ni Liane sakin.

"Sige ba. Tara kain na muna tayo, dito na din kayo mag dinner"
Sabi ko sa mga kaibigan ko at tuwang tuwa sila. namiss ko din kaseng kumain kasabay ang mga baliw kong tropa. At sure ako na magiging maingay tong gabing to'.

Para sakin sila ang hero ko, because they save me. Nung down na down ako palagi silang nandyan para sakin. Nung nagbalak ako tumalon niligtas ako ni Kurt. Kung wala sila siguro wala na din ako. Kailangan talaga nating labanan ang mga bagay na humahadlang satin sa pagmo-move forward natin. Kung patuloy ka pa ring tumitingin sa nakaraan mahihirapan kang maglakad papunta sa hinaharap maari ka ding madapa. Ayon nga kay Steve Maraboli.

The truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you
cannot move forward.



Save me Where stories live. Discover now