Chapter 46

15 4 0
                                    

Haeley's P.O.V.

After ng mga masasamang nangyare samin ay sa wakas nakagraduate na din kami ng highschool. Naging valedictorian ako at masayang masaya sila mama dahil don. Nabigla din ako ng malaman ko na ampon nga lang ako, kaya pala wala akong kapatid kase may sakit si mama at hindi na sya pwedeng magkaanak but still mahal na mahal kopa rin sila. Di ako kagaya ng iba na magagalit pa kapag nalaman na ampon sila. Thankful nga ako kase sila ang kumupkop sakin. Hindi nagging pariwara ang buhay ko.

Si Kuya Ivan nagising na din a few months ago. Sila Micca at Kurt naman ok na ulit. Hindi na ulit nanggugulo si Mellanie dahil pinagbantaan ko ang buhay nya nung makabalik ako sa school kaya yun tumiggil na ang bruha. Ilang buwan ko din sinusubukang magmove on sa mga nangyare pero hindi ko pa din makalimutan. Sa tuwing naaalala ko si Ranze nagiging sariwa ang lahat sa akin.

"Ma'am pinapatawag po kayo ng mama nyo"
Natigil ang pagmumuni muni ko ng kumatok si Manang. Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama at pinuntahan si Mama. Pagbaba ko ay bihis na bihis sya. Mukhang kung saan na naman sya pupunta.

"oh, my little princess bakit hindi ka pa bihis?. I told you yesterday na may pupuntahan tayo ngayon, yung designer na sinasabi ko sayo"
Ghaadd nakalimutan ko.

"Ma, kayo na lang po pumunta don at kung hingin nya po sukat ko inilagay ko na po sa bag nyo yung lista. May pupuntahan po kase ako ngayon at bukas pa po ang uwi ko"
Sabi ko naman kay mama at naupo sa couch.

"OK ako na lang ang pupunta don, basta magiingat ka sa pupuntahan mo"
Paalala naman sakin ni Mama.

"Opo, Asan po pala si Kuya?"
Pahabol kong tanong bago umalis si Mama.

"Hayy nako magkakasama yang mga kaibigan mo pati ang kuya mo na mamigay ng invitation card. Sabi ko nga ay sa secretary nya na lang ipaubaya para hindi na sila mahirapan pero ang kulit ng kuya mo eh. Bye na my Little princess at malalate na ko sa meeting namin nung designer ng gown mo.'"

Hinalikan ako ni mama sa noo bago sya tuluyang umalis. Tumayo na ko at nagbabalak na bumalik na sa kwarto ko para magayos ng mapadaan ako sa saamin. Bumalik ako para tingnan ang sarili ko. Mukhang napapabayaan kona ang sarili ko. Ang laki laki na ng eyebags ko. At parang kawad na din ang buhok ko. Hindi ko na nga din namalayan na malapit na 18th birthday ko. Nagwaki ako sa salamin bago ako bumalik sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nagriring ang phone ko na iniwan ko sa higaan. Tiningnan ko yon at si Kuya tumatawag.

>Sweetie susunduin ka namin dyan sa loob ng 30 mins. kaya magayos ka na.

<Pero kuya may pupuntahan ako ngayon. San nyo ba ko dadalhin?.

>Basta. Mamaya ka na pumunta don. Alam ko naman kung san ka pupunta. Mamayang gabi kana pumunta don saka mo sya bisitahin.

<Pero Kuya--

Ang bastos. Binabaan ako. Wala na kong ibang magagawa kundi ang sumunod kaya naligo na ko at nagayos.

Simpleng itim na bistida lang ang suot ko. Hindi na din ako naglalagay ng make-up, para san pa?. Wala pang 30 mins. nang dumating sila kuya kasama ang buong tropa. Wala talaga ako sa mood gumala. Naglakad ako papalapit sa kanila na para bang zombie maglakad pero di naman nakataas yung kamay ko ha.

"Para kang zombie sweetie, sumakay ka na nga at magrerelax tayong lahat."
Walang gana akong sumakay sa kotse ni Kuya. Sa likod ako naupo kase nasa unahan na si Liane. Syempre magtataka pa ba ko?, sila na ni Kuya. At kapag naaalala ko yung panahon na umuwi si kuya, sigaw sya ng sigaw sa kwarto nya. Halatang hindi kinikilig e'.

"Haeley tulala ka na naman."
Puna sakin ni Liane pero hindi ko inalis ang tingin ko sa labas ng bintana. Parang nawalan na ko ng gana sa lahat. Nakaramdam ako ng antok kaya minabuti ko na matulog muna, malayo pa naman ata kami sa pupuntahan namin. Napapaidlip na ko ng biglang tumigil ang sasakyan.

"we're here"
What?, hindi pa nga ako nakakatulog tapos malalaman ko na nandito na.... another what? bakit sa SPA kami pumunta?

"Kuya masasayang lang ang oras ko dito mabuti pa magtataxi na lang ako pauwi."
Wala naman talaga akong gagawin don e'. Gagawin ba nila kong look out?

"No sweetie. Sasama ka samin sa loob at magrerelax tayong lahat. Tingnan mo nga yang itsura mo,napapabayaan mo na ang sarili mo kaya napagplanuhan namin na samahan ka sa SPA."
Pinagplanuhan nilang lahat?.

"Kaya tara na o baka gusto mo buhatin ka pa namin papasok sa loob?"
Pinangikitan ko ng mata si Kurt na katabi si Micca.

"Sabi ko nga mauuna na kami"

"Pero Kuya..."

"Puro ka 'pero kuya' tigilan mo nga yan. pasok sa loob!"
Hayysstt yan na naman mag-gagalit galitan na naman sya para mapapayag ako. Siguro madali lang naman to' kaya pumayag na din ako sa gusto nila.

Pagpasok sa loob ay napakasweet ng amoy. Namiss ko ang mga sweet na bagay kagaya nito.

"I want na bumalik ang dating ganda ng kapatid ko. Ganto sya dati pero tingnan nyo na ngayon. Kaya gawin nyo lahat para bumalik ang malaanghel kong kapatid."
Sabi naman ni Kuya sa isa sa mga staff na nandon. Nakita ko din yung picture na pinakita nya. Ang ayos ko pa nga don at ang saya ko pa don. Kung ikukumpara sa itsura ko

Kung ano anong pinaggagawa nila sakin sa SPA. Minasahe nila ako, facials and makeup application; spa manicures andpedicures; and hair services like cutting, styling and coloring.

《Few hours later》

Humarap ako sa salamin pagkatapos ko mag SPA. Aaminin ko na mukhang bumalik na ang dati kong itsura pero yung saya hindi pa din bumabalik.

"Sweetie, Smile ka na. Ang ganda ganda mo na e'"
Pilit akong ngumiti kay Kuya at sa mga kaibigan ko. Lumapit sakin si Micca at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Sh#t ito na naman naiiyak na naman ako.

"Wag ka ng malungkot Haeley... Malapit na din ang 18th Birthday mo kaya ingatan mo na yang beauty mo ha"
Sya dapat ang last dance ko pero wala na sya. Ngumiti na lang din ako kay Micca.

"Kuya uuna na ko baka malate pa ko sa flight ko"
Nagpaalam na ko sa kanilang lahat at kinuha ang bag ko.

"Ingat ka ha"
Sabi ni Liane at nagbeso sakin.

"Kayo din, Sige una na ko"

"Hatid ka na namin?"
Tanong naman ni Kuya.

"Hindi na, magtataxi na lang po ako. Bye"
Umalis na ko at pumara ng taxi sa labas. Agad din naman akong nakasakay.

"Manong sa Airport, pakibilis na lang ho ng konti."

"Sige Haeley."
Ano daw?, Kilala ba ko ni manong?

"Kilala nyo po ako?"
Nakakapagtaka naman. Hindi naman ako ganon ka sikat para may makakilala sakin ng ganon. Hindi na sumagot si manong. Parang may kakaiba akong naramdaman ng malaman ko na kilala nya ko. Baka siguro nagkataon lang o kaya friend ko sya sa Fb, Instagram or Twitter kaya kilala nya ko. Nakapagbayad na ko sa taxi driver at nagulat ako ng abutin nya ang bayad. May mga peklat sya sa kamay at wrist nya. Hindi ko na lang yun pinansin at pumasok na ko sa loob ng Airport. Konting oras na lang madadalaw ko na ulit si Ranze.

Kaya siguro hindi ako nakakamove on dahil palagi ko pa ring binabalikan ang nakaraan na dapat ng kalimutan. Hindi ko alam sa sarili ko. Hindi ko pa rin kaya na wala si Ranze sa tabi ko. Si Rafael, pinatigil ko na din sa panliligaw sakin. Wala na kong balak pang magmahal pa bukod kay Ranze.

Ang hirap lang isipin na hindi ko na sya makikita ulit. Miss na miss ko na sya. Yan na naman. umiiyak na naman ako in public place.

"Tumigil ka nga Haeley, walang magkocomfort sayo, wala dito ang mga kaibigan mo"
Bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang mga luha na kusang pumapatak. Kailangan kong ngumiti. Sabi ni Ranze gusto nyang maging masaya ako kahit wala sya kaya pipilitin kong maging Masaya kahit ang sakit sakit parin.

Maybe I need to close this chapter of my life and move on to new chapter.

Save me Where stories live. Discover now