Chapter 37

33 7 1
                                    

Ranze's P.O.V.

Umayos kami ng upo at nagready na sa sasabihin ni Liane pero kasali din si Liane. Syempre ayokong madare kaya kailangan huwag magpapatalo.

"Letter A, Lugar!"
sigaw ni Liane. Kay Liane ang simula sunod kay Ivan, sumunod si Micca, sumunod si Kurt, sumunod si Haeley at panghuli ako.

"Africa!"

"Afghanistan!"

"Armenia!"

"America!"

"Angeles!"

"Australia!"

nakahinga ako ng malalim ng matapos kami sa A. Kinabahan ako dun buti may nasabi ako!

"nakaligtas tayong lahat sa A, eh pano naman kaya sa B?"
sabi namn ni Liane.

"Kayang kaya yan"
sagot naman naming lima.

"Letter B, Hayop"
natataranta na naman ako, ayoko ko ng laro na nakakapressure pero syempre ayoko naman maging KJ.

"Bottlenose dolphin!"

"Bichon Frise!"
sh#t nasabi na yung sasabihin ko dapat!. Meron kasing ganong alaga si mom eh.

"Bat!"

"Baboy!"
nagtawanan kaming lahat sa sagot ni Kurt mukhang wala ng maisip ang loko. At nagpatuloy na kami.

"Bear!"

"Bird!"
napatawa naman sila sa sagot ko. Aba at bakit may mali ba sa sagot ko?, wala naman diba?

nagtuloy tuloy ang laro naming yun at naging mas nakakapressure dahil pabilis ng pabili. ginawa na ni Liane na 3 seconds na lang, kaya mas nakakapressure baka maabutan ka. Nasa letter R na kami at pangalan yun ng tao.

"Renz!"
sagot naman ni Liane.

"SINONG RENZ?"
nagulat ako sa tanong ni Ivan. Anong sinong Renz?, eh naglalaro lang naman kami.

"Hay nako Kuya, napaka seloso mo naman naglalaro po ata tayo ngayon at pangalan ng tao ang given starts with letter R"
paliwanag naman ni Haeley sa Kuya nya at napaisip naman si Ivan.

"ohh ano?, natauhan ka na ba?"
tanong naman ni Liane kay Ivan. Minsan napakaslow talaga nito ni Ivan, Mamamatay na kami kakatawa sya loading pa rin. Habang nagtatawanan kami napatingin kami sa kuya ni Micca mukhang may kailangan yata.

"Micca let's go, magreretouch kapa and the 18th roses will start soon, kaya maganda ng magintay na lang kayo sa baba."
sabi nung kuya ni Micca. Sumama na si Micca sa Kuya nya habang si Kurt kasama namin. Sabi nga nya kanina, nakakahiya daw samin at meron kaming mga partner, aba kasalanan ba namin na kuya ni Micca partner nya ngayon?

Micca's P.O.V.

Ang matagal ko ng hinihintay ay ngayon mangyayare na. Excited na excited na ko dahil maisasayaw ko na ang mga lalaking mahalaga sakin. Si papa, si Kuya, si Ivan, si Ranze, at si Kurt.

Paggpasok ko sa ballroom at habang naglalakad ako papunta sa malaking upuan sa harap, may nakatutok sakin na Ilaw at pinapanood lang ng mga bisita.Wow para naman talaga akong kamahalan.

Nga pala, bago ko pa maachieve 'tong pang prinsesang lakad na 'to aba pinahirapan pa ko ni Kuya. Muntik na nga akong mabalian dahil dapat daw maging mahinhin ako, eh ano magagawa ko kung iba talaga ako sa babae kung maglakad?.

"And now, we will start the 18th Roses. Music please"
Sabi naman ng emcee pagkaupo ko.
Agad namang lumapit sakin si Papa. Si papa talaga ang gusto kong maging first dance, oo aaminin ko na para akong tomboy pero nung bata pa lang ako si papa na talaga ang first dance ko, yun yung mga panahon na nangangarap pa ko para sa 18th birthday ko.

Save me Where stories live. Discover now