Chapter 15

27 9 1
                                    

Haeley's P.O.V.

Naghahanda na ako sa pagpasok sa school and today is the day na papasok na rin si Kuya Ivan sa G.R.A. Bumaba na ako para magbreakfast at nakita kong kumakain na si Kuya Ivan.

"Sweetie kumain ka na at male-late na tayo"
Yaya sakin ni Kuya habang sumusubo ng pagkain

"Kuya sorry nga pala yesterday sa nagawa kong kata--"
Naputol na ang sasabihin ko ng magsalita si kuya

"Ok na yun. Kumain ka na"

"Okay po"

Umupo na aki at nagmadaling kumain dahil patapos na si Kuya Ivan baka kase iwan nya ko.

~RING.....RING.....RING.....~

Nakita ko na nagri-ring ang cellphone ni papa pero pinatay nya lang ito.

"Oh hon, bakit hindi mo sagutin?"
Tanong ni Mama

"Ah hindi na, mamaya na lang pagkatapos nating kumain saka hindi naman toh masyadong importante si kumpare lang"

Sagot ni papa at pilit ngumiti. Alam kong may tinatago si papa samin but he always said "wala lang toh" kaya nagaalala na ako kay papa, gusto kong malaman ang sekreto nya kung meron man. Dapat pinapaalam niya samin dahil we're family. Right?

"Haeley are you ok?"
Tanong ni Mama, saka ko lang napansin na nakatulala pala ako.

"O-okay lang po ako, Don't worry"
Sagot ko naman at pilit ding ngumiti

"Sweetie tapos ka na bang kumain?"
Tanong naman ni kuya Ivan habang tinitingnan ang kanyang relo

"Yes kuya, let's go"
Sagot ko kahit di pa nga ubos ang kakarampot kong pagkain

"Darling teka lang, di pa nga ubos yang pagkain mo!"
Pagaalala sakin ni papa

"Ok lang po papa busog na po ako"

"Are you sure?"

"Opo we need to go, we're going to be late"

Isinakbat ko na ang bag ko at bumeso na ako kay mama at papa, saka pumunta sa garahe. Sumakay na ko sa aking kotse at ganon din si Kuya Ivan. Pinagbukasan na kami ng gate ng guard at dumeretso na sa school.

Pagdating namin sa school assual alam na kung anong ganap nagaabang na naman ang tropa.

"Good morning guys"
Bati ko sa kanila ng walang kagana gana

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo muka kang nalugi"
Pangaasar naman ni Micca

"By the way let me introduce my cousin, Ivan Salvador, but I always call him kuya Ivan"
Pagpapakilala ko kay Kuya Ivan sa mga kaibigan ko

"Haeley sya ba yung naghatid sayo nung isang araw at yung kasama mo nung basketball league?"
Bulong sakin ni Micca

"Oo transfer sya dito sa G.R.A."
Malamya ko paring sagot

Biglang tumunog ang school bell kaya pumasok na kami sa sari-sarili naming klase. Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong tumatakbo papunta sakin kaya nilingon ko, nakita ko si Ranze.

"Oh bakit ka naman tumatakbo?"
Masungit kong tanong sa kanya

"Bakit?, bawal ba?, saka nga pala, anong klase mo ngayon?"
Nairita agad ako sa sunod sunod nya tanong. Aga-aga puro tanong agad natatanggap ko

"At bakit mo naman natanong?"

"Malay mo parehas tayo.......mafall sa isa't isa"

"Huh?, anong sinasabi mo dyan?, pakiulit nga di ko narinig eh"
Pagtataka ko kasi di ko talaga narinig yung huling sinabi nya humina kase yung pagkakabigkas

"Sabi ko smile ka na ang panget mo kasi pagnakasimagot. Panget ka na nga, nakasimangot ka pa"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nyang word na "PANGET!" sa ganda kong toh?, tatawagin akong panget?"

"Science ang klase ko"
Pagmamataray ko kay Ranze at binilisan ang paglalakad pero kaya parin nya akong sabayan

"Uyy swerte, parehas tayo"

"Tss"
Papasok na kami sa room at ang sasama na naman ng tingin ng mga kaklase naming may maduduming pagiisip

"Mr. Aguilar and Ms. Salvador late kayo and thats why you two need to take the punishment!"

Pinapunta kami ni Mrs. Rosales sa likod saka pinatungan ang aming dalawang kamay ng tig-tatlong pinagpatong patong na makakapal na libro. Whole class kaming ganon dahil napaka strikto talaga ni Mrs. Rosales.

Bumalik na si Ma'am sa unahan para umpisahan ang klase. Di pa ko nakakalimang minuto ay nangangalay na agad ang braso ko.

"Kasalanan mo toh eh kung di mo ko dinaldal sa daan kanina di sana ako late!"
Paninisi ko kay Ranze

"Sorry naman. Kamalayan ko ba na male-late tayo"

" Ranze walang tayo, ok?"
Ganon na nga ang sitwasyon namin nagawa ko pang mamilosopo. Ngalay na ngalay na ang braso ko sh#t. Biglang pumunta si Ranze sa harapan ko.

"Anong-"

"I'm sorry"
Nabigla ako ng kuhain nya lahat ng libro na nakapatong sa kamay ko. Dinagdag nya iyon sa kanya.

"Bakit mo ba kinuha?!"
Inis kong tanong pero di sya sumasagot

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko habang tinitingnan si Ranze. Feeling ko napaka selfish ko.

"What's going on here?"
Tanong ni Mrs. Rosales

"Ahhmm...."
Anong isasagot ko?!

"Umupo na kayong dalawa at makinig sa lahat ng ituturo ko next meeting kayong dalawa ang magrereport ng next lesson"

What? Report? Kapartner si Ranze?! OH MY GHAD!

"Ok po"
Sagot naming dalawa

Tapos na ang science class ko at ako na lang ang naiwan sa loob ng classroom.

"Another stress..."
Bulong ko sa sarili ko at umubob sa desk

"Oh love problemado ka ata"
Napaangat ang tingin ko para tingnan kung sino ang nagsalita.

"Wag mo nga akong matawag tawag na love!"
Sigaw ko kay Rafael na nakaupo sa bintana ng classroom

"Relax, wag ka magpakastress sa pagaaral mo. Mawawalan ka ng time sakin nyan eh"
Sabi nya sabay pout

"Wag ka ngang asumero na magkakatime ako sayo!"
Inis na sabi ko sa kanya

"Eh anong tawag mo dito? Sa oras na toh na kausap mo ko?"
Tanong nya at napaisip isip ako

"Ah ito para sakin isa lang tong walang kwentang oras!"
Sigaw ko ulit sa kanya

"Wag mo naman akong sigawan di ako bingi!, ok?"
Ani Rafael

"Ano bang kailangan mo?"
Pilit kong ikinalma ang sarili ko

"Remember what I said yesterday?"
He asked

"Ano ba yun? Sabihin mo na at may pupuntahan pa ko"
Kahit wala naman

"Maybe next time ko na sasabihin sayo baka madepress ka na eh..saka matulog ka ng maaga masyadong halata kase yang eyebags mo"
Sabi nya habang tinuturo ang mga eyebags ko

"Ano bang pake mo sa eyebags ko? Magpuyat karin para magkaroon ka ng sayo!"
Inirapan ko sya at tumayo na para lumabas ng bwisit na classroom na yun.

Dumiretso ako sa CR at humarap sa salamin.

"Oo nga muka na kong sabog, kailangan ko na umuwi at magpahinga"
Sabi ko sa sarili ko dahil ako lang naman ang tao sa CR.

Save me Where stories live. Discover now