Chapter 48

48 5 0
                                    

Haeley's P.O.V.

6 pm ang start ng party kaya 5 pm pa lang ay inaayusan na ako. 5:45 pm ako natapos ayusan at nagsisimula ng dumating ang mga bisita. Nakasuot ako ng kulay peach na gown at my tiara din. Mama really make me look like a princess. Hindi pa naman nagsisimula ang party kaya tiningnan ko muna ang listahan ng eighteens ko. Hindi ko kase nakita yon kanina, busy sa pagdedecorate e'. Agaw pansin ang eighteen roses ko, kulang ng isa.

"Ahmm.. kuya bakit kulang tong eighteen roses?"
Tanong ko kay kuya na katabi ko lang nagcecellphone.

"Ahh May special guest daw mamaya sabi ni tita"
Pinaningkitan ko si kuya ng mata at aba may paspecial special guest pang nalalaman sila mama ah.

"May kinalaman ka ba dito kuya?"
Tanong ko sa kanya.

"Aba kamalayan ko dyan, wag mo sakin itanong, kay tita"
Hinayaan ko ng lang ang kulang sa eighteen roses. Kinuha na din ng magiging host ang eighteens kasi magsisimula na daw kaya tumayo na din kami ni Kuya. Paglabas namin ni Kuya sobrang daming bisista. Pati mga kaklase ko last school year invited.

"Kuya andami nyo namang inimbitahan"
Bulong ko kay Kuya.

"Wag kang magaala pati si Rafael inimbitahan ko"
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Nakakahiyaaa...

Nakarating na kami ni kuya sa unahan. Inihatid nya lang ako at pumunta na sya sa table nila kasama ang buong tropa.

"Ok, let's get started because our birthday princess has arrived"
Saad naman ng host. Binigyan naman ako ng isang stuff ng microphone.

"First, we have a simple questions to our birthday celebrant."
Di naman ako nainform na Q&A pala to' kala ko birthday-han..

"Are you ready princess?"
Tanong sakin ng host. Naiirita ako sa tawag nila sakin pero dapat kalma lang.

"I'm always ready"
Tugon ko naman sa host. Plastikan ba to? o Kailangan kong maging honest?

"Question no. 1. Are you mama's girl or papa's girl?"
Nagtawanan naman ang aking mga bisita sa katanungan na ibinigay ng host. Mukhang excited din silang malaman kung anong isasagt ko.

"I love them both but I'm mama's girl"
Sagot ko naman at nakita ko na tinatarayan ni mama si papa na magkatabi lang.

"Your papa will be jealous for sure, ok then the next question is.... are you happy tonight?"
Ito ang tanong na di ko sure ang sagot. Hindi ko alam kung talagang Masaya ba ko o hindi.

"Yes of course..."
Sagot ko at ngumiti.

"Why?"

"I'm happy because all of my friends and family also my visitors are here and joining me in my 18th birthday party."
But I smiled bitterly. Hindi talaga ako 100% sure na Masaya ako.

"Anong pipiliin mo, mamatay para sa taong mahal mo o mamatay ang taong mahal mo para sayo?. Someone included it so you need to answer it."
Tanong ng host.

"What is tha stupid question?"
Bulong ko sa sarili ko. Required ba talagang ishare lahat ng experience mo sa buhay?. Kahit yung masasakit?.

"Mamatay para sa taong mahal ko... Dahil handa akong masaktan para sa taong mahal ko but..."
Sagot ko. Nagbabadya na naman ang mga luha ko at naging garalgal ang boses ko kaya napa ehem ako.

"But he died for me at wala akong nagawa para iligtas sya.."
Halatang nagulat ang mga bisita ko at nagbulungan sila. Kumawala naman ang mga luha ko kaya inalalayan ako ni kuya papunta sa kwarto ko.

"Sweetie tumahan ka na at yang make-up mo nasira na oh. Paparating na yung magreretouch sayo"
saad naman ni Kuya kaya pilit kong pinatigil ang luha ko kahit ang bigat bigat ng nararamdaman ko parang may nakadagan sa dibdib ko.

"Susunod na agad ang eighteen roses para mawala wala yang lungkot mo. Kaya smile ka na. Pang last pa dapat yon pero ipapauna ko na. Alam kong curious ka sa special guest e'."
Kilala na talaga ako ni Kuya. Lahat ng gusto ko alam nya kahit di ko sabihin.
Ilang sandali pa ay dumating na ang magaayos ulit sa make-up ko. Madali lang naman iyon kaya lumabas na ulit kami ni kuya. Si Papa ang first dance ko.

"Pa, Kahit po na hindi nyo ko tunay na anak maraming salamat po at nagabala pa po kayo para bigyan ako ng ganto kasayang party"
Sabi ko kay papa habang nagsasayaw kami. Naniniwala talaga ako na di lahat ng tao masama kagaya ni tita Reign. Pera lang naman ang nagpapasama sa tao. Siguro madami pang nagpapasama sa tao kagaya ng pag-ibig pero kadalasan ay dahil sa
pera, kayamanan na maaari din namang mawala sayo. Nasan kaya ang tunay kong mga magulang?.

"Ano ka ba. Anak ka namin kaya dapat lang na maranasan mo ang mga ganitong kasiyahan."
Saad naman ni Papa. Bago sya palitan ni Kuya.

"Hindi ka na ba makapag-antay?."
Tanong naman ni Kuya. Ang pogi talaga ng kuya ko kahit kailan.

"Kuya alam mo ewan ko kung bakit sinagot ka ni Liane e'."
Inis ko naman sa kanya. lagi nya na lang kase ako inaasar.

"Syempre sa gwapo kong to' kaya pa ko di sagutin ni Liane my loves"
Yuckk ang corny naman ng kuya ko. Hindi bagay sa kanya. Habang nagsasayaw ay nakatingin lang ako kay kuya na panay ang ngiti. Para bang may pinaplano sya na hindi ko alam.

"Kuya yang ngiti mo ah"
Saway ko naman sa kanya.
Ilang mga kaibigan at kakilala pa ang sinayaw ko bago maglast dance. Biglang namatay lahat ng Ilaw at sobrang dilim. May naramdaman ako na dalawang tao na humawak sakin.

"Wag ka magalala kami to' si Micca at Liane."
Akala ko makikidnap na naman ako. Tong dalawa lang pala. Napansin ko na paakyat kami sa Grand staircase. Kaya di ko na napigilang magtanong.

"Ano bang nangyayare?"
Tanong ko sa kanilang dalawa pero iniwan na nila ako sa taas at bigla namang nabuhay ang mga ilaw. Napansin ko din na may lalaki sa baba ng hagdanan na nakatalikod.

Wait parang familiar tong pangyayare na to' ah. Tama!, ito yung panaginip ko dati. Tumingin ako kay Micca na nasa baba. Senesenyasan nya ko na bumaba at lapitan ang misteryosong lalaki. Ano to?, parang sa Titanic?.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Sino ba ko? si Cinderella na makikipagsayaw sa price?. Malapit na ko sa misteryosong lalaki ng humarap sya sakin. Nagulat ako kung sino ang lalaki.

"Paanong..."
Hindi ako makapaniwala na buhay pa si Ranze at nakatayo sya ngayon sa harap ko.

"You're so gorgeous.."
Saad nya at agad ko naman syang niyakap ng napaka higpit. Akala ko wala na sya pero he's alive!. Napaiyak na lang ako and this time hindi dahil sa lungkot o sakit, umiiyak ako ngayon dahil sa saya na buhay pa ang mahal ko.

"So pano ba yan. Tayo na"
Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ko at tiningnan sya sa mga mata na akala ko di ko na masisilayan pa.

"Ikaw... Akala ko iniwan mo na ko.. Andaya daya mo."
Sabi ko naman sa kanya at pinunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. Agad kong kinuha ang kamay nya dahil may napansin akong peklat sa kamay nya. Katulad ito nung sa taxi driver at sa katabi ko sa byahe pauwi dito sa manila.

"Tama ka. Binabantayan kita at ako din yung nakasunod sayo sa tulay sa cebu. Ang galing mo palang kumanta."

All this time. Binabantayan pala ako ni Ranze. Tapos narinig pa nya yung kanta ko. Nagsayang pa ko ng oras sa pagpunta sa Cebu. Tapos malalaman ko buhay pala tong mokong na to'.

"Tinulungan ako nila kurt. Hinanap nila ko at nagkaroon kami ng kasunduan na wag ipaalam na buhay pa ang pinakapoging katulad ko."
Natawa naman kaming lahat sa sinabi nya.

"Guys alam nyo din ang planong to'?"
Tanong ko sa kanilang lahat at tumango lang silang LAHAT!. Napapikit ako at napaisip. Ako lang pala ang walang alam tungkol sa lalaking to.

"Sasayaw pa ba tayo?"
Inirapan ko si Ranze bago ko iabot ang kamay ko. Feeling ko tuloy hindi ako namatayan kundi naloko ako. Nagsayaw kami ni Ranze. At nang matapos ang tugtog ay hinalikan ko sya. At nagpatakan naman ang mga petals ng rose samin. Mukhang napagplanuhan nga.

He was my first kiss. He was my first boyfriend. He was my first and I hope he will be my last. We will love each other until our last breath. And we will be together, forever♡.

THE END

Save me Where stories live. Discover now