Ivan's P.O.V.
First day of school ko sa G.R.A. kaya pa akong masyadong kaclose kay medyo nahihiya pa ko pero di ko pinapahalata. Pagpasok ko sa classroom wala pa namang teacher kaya nagkakagulo ang lahat.
Habang naglalakad ako y agaw pansin ang isang babae sa sulo ng room na nakasuot ng earphones. May vaccant seat pa sa tabi nya kaya doon na ko naupo.
Pagupo ko di man lang niya ko nilingon na parang hangin lang akong dumaan. Biglang dumating ang teacher namin sa Filipino na si Mr. Vergara. Parang may dumaang anghel dahil biglang tumahimik ang lahat.
"Kunin nyo ang book at notebook nyo sa Filipino may papagawa ako sainyo. May meeting ang teachers sa faculty kaya hindi tayo makakapagklase. We will check that next meeting at huwag kayong maingay"
Sabi ni Mr. VergaraKinuha ko na ang notebook ko sa bag ko.
"Pink?!"
Bulong ko sa sarili ko nakita ko naman na napatawa si Liane.Si sweetie talaga!. Tiningnan ko ang iba pang notebook sa bag ko halos ang iba pambabae ang kulay. Yellow, pink, violet, sky blue pero yung iba naman pang lalaki.
"Who buy that? Haeley?"
Tanong ni Liane habang nagsisimula ng magsulat"Yeah"
Sagot ko na lang at nagsimula na ding magsulat"Yaan mo na notebook lang yan"
Sabi muli ni Liane na hindi man lang nagabalang tingnan ako. What am I thinking?!"Do you hava an extra pen?"
Tanong ni Liane na sa wakas ay tumingin din sakin."Ahhm yeah wait a minute"
Kumuha ako ng isang gel pen sa pouch ko at iniabot yun kay Liane."Thanks"
At nagpatuloy na sya sa pagsusulat.Tinuloy ko na din ang ginagawa ko.
Matapos ang isang oras ay lumabas na ko ng room."Ivan!"
Tawag sakin ng kung sino"Oh bakit?"
Tanong ko kay Liane"Babalik ko lang sana gel pen mo"
Sabi nya at inabot ang gel pen"No need, sayo na yan"
Sabi ko"Thanks."
"Recess nadin naman magsabay na tayo"
Di ko na hinintay pang sumagot sya kaya hinawakan ko na sya sa kamay papunta sa canteen"Sige dyan ka na lang ako na ang oorder. Don't worry treat ko"
Sabi ko kay Liane habang hawak ko pa din ang kamay nya"Ahhm..... Ivan pwede bang bitawan mo muna kamay ko?"
"Ayy sorry na carried the way lang"
Binitawan ko na ang kamay nya at nag peace sign"Wag na, ako na lang ang oorder ng pagkain ko. Saka sabi mo sabay lang tayo kakain, di mo ko lilibre"
Sabi nya at nag cross arm"Edi lilibre na kita"
Sabi ko ulit sa kanya at nginitian sya pero seryoso lang syang nakatingin sakin."Upo ka na lang dyan ako na bahala"
Umalis na ko para umorder habang si Liane nakatayo lang don at di umuupo.Ilang saglit pa ay nakaorder na ko at pabalik na sa table na sinabi ko kay Liane.
"Akala ko di ka uupo eh"
Biro ko sa kanya habang sya seryoso pa rin nakatingin sakin na para bang ibang tao ako para sa kanya."Baka gutom lang yan kumain ka na"
Sabi ko kay Liane at iniharap sa kanya ang pagkain na inorder ko sa kanya.Habang kumakain kami napakatahimik. Nabibingi ako kaya nagisip ako ng paraan para may masabi ako kay Liane. At nakaisip ako ng joke. Hihihi
"Liane may tanong ako sayo"
Pagbasag ko sa katahimikan"Ano naman yun?"
Tanong nya habang focus parin sa pagkain"Anong puno ang di kayang akyatin?"
Di pa sya nakakasagot ay natatawa na ko"Answer?"
Tanong ni Liane at uminom ng juice. Mukhang di nya alam ang sagot."Edi nakatumba"
Sagot ko naman na nagpipilit ng tawa.
Nakita ko na nasamid si Liane ng sabihin ko ang sagot."Anong klaseng joke yun ha?"
Tanong ni Liane na parang nainis, nawala naman ang pilit kong tawa"Hehehe sorry di ba nakakatawa?"
Tanong ko sa kanya pero nagpatuloy lang sya sa pagkain.Pinagpawisan ako don akala ko matatawa makainom nga muna ng juice. Habang nainom ako ng juice nakatingin lang si Liane sa pagkain nya. Nabilaukan naman ako ng makita syang ngumiti.
*cough*cough*
"Ayos ka lang?"
Tanong ni Liane at nagkaroon ng bakas ng pagaalala sa mukha nya na kanina lang ay nakangiti."Oo, ok lang ako"
Sagot ko naman at napangiti ulitSo...effective pala yung joke ko. I'll do my best to see that smile everyday.
Rafael's P.O.V.
Pagpasok ko sa library nakita ko agad si Haeley sa isang table malapit sa entrance ng library. Nakaubob sya at madaming katabing libro at isang laptop. Mukang dito nag-gagawa ng report ang babaeng toh.
Inugog ko sya pero di sya magising. Mukang puyat at pagod na sa kakaresearch ng irereport tong si Haeley. Nasan na ba ang magaling nitong partner?.
Umupo ako sa tabi nya at iniharap sakin ang laptop. Napagisipan ko na ako na lang ang gagawa nito, patapos na din naman. Tahimik lang ako habang ginagawa ang irereport nila Haeley para di sya maabala sa mahimbing nyang pagkakatulog.
(A few hours later)
"Sa wakas natapos ko na din"
Mahinang sabi ko sa sarili. Napabaling ako ng tingin kay Haeley na ngayon ay tulog na tulog pa din. Habang tinitingnan ko si Haeley naalala ko ang kailangn kong gawin kung bakit ako nagpunta sa library.Pumunta ako sa librarian at nanghiram ng libro na pinapahiram ng principal. Nako malilintikan na naman ako don.
Pagabot ng librarian ng hinihiram ko ay nagmadali na ko sa pagpunta sa principal's office.
Haeley's P.O.V.
Nagising na lang ako ng marinig ko ang inis na tinig mula sa isang babae kaya napabaligwas ako sa gulat ng makita ang librarian.
"Hindi ito tulugan!"
Inis na sabi ng librarian sakin"Sorry po"
Sagot ko habang pinupunasan ang pisnge ko at nagtatanggal ng muta."Ligpitin mo na yang gamit mo kung wala ka ng gagawin dito sa library"
Mataray na sabi ulit sakin ng librarian saka umalis.Habang nagliligpit ako ay naalala ko ang report na ginagawa ko.
"O.M.G. tulog pa rin ba ko?"
Sabi ko habang sinasampal ang sariling pisnge."Impossible na matapos ko toh. Eh nakatulog ako"
Bulong ko pa sa sarili ko habang tinitingnan ng mabuti ang laptop ko.Biglang pumasok sa isip ko na baka si Ranze ang nagtuloy kaya natapos. Yun na lang ang pinaniwalaan ko kesa sa magisip pa ng kung ano ano.
Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ko sa library at tumuloy na sa next class ko. Kailangan kong bumawi, di ako nakapasok sa ilang class ko dahil sa bwisit na toh. Saka di pa rin ako nakakakain, paguwi ko na lang siguro male-late na ko sa next class ko eh.
