Chapter 30

24 7 1
                                    

Ranze P.O.V.

Nauna na ako sa BLACK BIRD. Hindi ako pumunta sa school kanina kasi itong binili kong aso napakalikot baka biglang mawala sa school di ko pa mahanap. Kaya nagsabi ako kay Ivan na kunwari ay wala ako. Di ko naman 'to mailagay sa cage kasi mukang ayaw nya. Naawa naman ako.

Kanina pa ko nakaorder kasi ang sabi ni Ivan malapit na daw sila. Si Ivan lang ang sinabihan ko nito kaya hindi din alam nang iba ko pang tropa.

Ilang sandali pa ay nandito na sila. Karga karga ko 'tong aso na regalo ko kay Haeley. Wala pa kasi syang name. Kaya di ko alam ang itatawag sa kanya.

"Nandito ka palang mokong ka di ka naman nagsabi"
Bungad agad naman ni Haeley sakin. At may kamasa lang hampas sa braso.

"Sorry na nga!"
Nawala tuloy ako sa mood. Pati 'tong aso gusto ko nang itapon. Tinaasan lang ako nang kilay ni Haeley.

"Okay sorry sa lahat. Nga pala regalo ko sayo"
Iniabot ko sa kanya yung aso na regalo ko naman talaga sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya nang mahawakan ang aso.

"Wala pa yang pangalan. Ikaw na bahala"
Sabi ko ulit sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla nya kong yakapin.

"THANK YOU SO MUCH RANZE!!!"
Sigaw pa nya with matching tili pa.

"Oo na welcome, wag ka na ngang tumili ang sakit sa tenga. Mabuti pa kumain na tayo"

Kumalas na si Haeley sa pagkakayakap at umupo na. Sabi ko pwede naman na pahawakan muna sa waiter yung aso para makakain sya pero ayaw nya. Saka marami pa daw gagawin yung waiter.

"So anong ipapangalan mo dyan?"
Tanong ko kay Haeley habang kumakain kami.

"Ranran"
Ang bilis nang sagot nya. Parang napaghandaan ang pangalan ah.

"Bat naman Ranran ha?, Haeley?"
Taas kilay na tanong ni Micca.

"Syempre, kinuha sa pangalan nang nagbigay"
Mukhang tama nga si Kurt!, Ranze, remove the ZE. RAN times 2= Ranran.

"Ohh bakit? Anong masama, Ang cute kaya"
Sabi naman ni Haeley. Naisip tuloy nang madumi kong utak na cute ako sabi ni Haeley. GRRRR.

"Kumain na lang kayo. Wag na kayong magasaran"
Singit naman ni Ivan.

"Pero kuya ang Galing mong kumanta kanina"
Pangaasar naman ni Haeley kay Ivan. Yan kinontra mo kasi. Maasar ka pa tuloy. Nakita ko na namula si Ivan. Sayang lang at di ko yon napanood.

"Ginawa ko lang naman yung dahil sayo at saka pinilit kaya nila ako"
Sabi ni Ivan saka nagcross arm.

"Pumayag ka naman. Yiiieeee"
Patuloy ni Haeley sa pang aasar kay Ivan.

"Tigilan mo na nga ako Sweetie kumain ka na lang dyan nang mabusog ka"
Suway naman nang kuya nya.

"At oo nga pala, may dapat nga pala kayong malaman."
Saad muli ni Ivan. Nagtaka naman kami kung tungkol san yun bat nagmukha syang seryoso.

"Nililigawan ko na si Liane."
Nagulat kami sa sinabi nya. Pati si Liane mukhang nabigla pero siguro alam na din nya yun.

"Ikaw kuya ha! Gusto mo pala si Liane. Pasimple ka pa"
Kanina pa si Haeley sa pangaasar sa Kuya nya. Siguro kung basagulero lang tong si Ivan matagal nang kulay violet ang katawan nitong si Haeley.

"Liligawan pa pwede namang sagutin na!"
Sigaw naman ni Micca. Napatingin sya kau Kurt at nagtakip ng bibig. Saka nag peace sign.

"Ahh ganon Ms. Micca Alferez?, bat di mo na lang ako sagutin ha?"
Natawa naman ako kay Kurt. Oo nga pala nililigawan na nga rin pala nya si Micca.

Save me Where stories live. Discover now