Micca's P.O.V.
Pagkatapos ni Mama ay si Liane naman ang sumunod. Sya ang 2nd sa 18th candle. Umakyat na sa stage si Liane.
"Oh ano naman kayang sasabihin mo sakin?"
Biro ko naman sa kanya.“Micca wish ko sayo is sana wag kang magbago sa kung anong ugali ang meron ka ngayon dahil alam mo naman na ikaw ang pinakamadaldal sa tropa. At sana maging masaya ka palagi sa kahit anong desisyon ang gawin mo sa buhay. Yun lang at Happy happy birthday sayo.”
Tumayo ako at niyakap si Liane. Blessed talaga ako sa mga kaibigan ko. Masayang masaya ako na nakilala ko silang lahat.
Matapos ang eighteens maliban sa 18th roses kase pang huli daw yun ang sabi ni Kuya, Puntahan ko daw muna sila papa.
Isinama ko na din si Kurt sa pagkausap kay mama at papa para maipakilala ko na sya sa kanila.Nakaupo kami ngayon sa magkaharapan na couch sa sala. Wala akong makita kahit na katiting na kaba kay Kurt. Pero ako, parang ako pa ang kinakabahan.
“Ma, Pa, Kuya si Kurt nga po pala, manliligaw ko”
panimula ko sa usapan. Tumayo naman si Kurt at nagmano kay mama at papa. Nakipagshake hands naman sya kay kuya.“Alam mo iho, pag sinagot ka na ni Micca wag mo syang sasaktan ha, ayoko na nasasaktan ang prinsesa ng pamilya namin”
sabi naman ni Papa kay Kurt, palagay na siguro ang loob ni Kurt kay papa kasi nagkita na sila. pero kay mama at kuya kaya?“Hinding hindi ko po yun magagawa kay Micca”
yan na naman sya pinapakilig na naman ang bato kong puso... Charr“marunong ka bang magluto iho?”
at bakit naman kaya natanong yun ni Mama para namang pagaasawahin na ko eh. Saka kaya ko naman magluto kung pagaaralan ko eh.“Opo marunong din po akong magluto, at handa po akong ipagluto si Micca ng kahit anong gusto nyang kainin.”
talaga lang ha… pag nalaman kong nagsisiungaling ka lang babatukan talaga kita.“Good. Napanood mo na ba yung movie na “until my last breath?”
kakaiba naman ‘tong tanong ni Kuya, yun talagang movie na yun na favorite na favorite nya?."Oo naman, nakakaiyak nga nung muntik nang mamatay yung bida buti na lang nasurvive nung doctor”
sh#t napanood na din pala nya yun. Ayos lang naman siguro kung malaman nyang napanood ko na din yun. Wala namang masama. Pero ano bang kinakatakot ko?“Oo nga eh buti na lang hindi namatay yung bida, kung namatay yun, I’ll kill the director of that movie.”
Potek ang O.A. ng dalawang ‘to parang mga bakla.Medyo matagal din ang naging usapan namin nila mama dahil nga miss na miss ko na sya pati ang dami din nilang kwento kay Kurt simula nung pagkabata ko. Hayysstt di ko nga kinukwento kahit kanino tapos kinuwento nila kay Kurt...
Pagkatapos ng mahaba habang usapan ay sinabihan ako ni Kuya na kausapin ang mga bisita.
Matapos kong kausapin ang mga bisita niyaya ko ang buong tropa sa roof deck para doon kami magusap kasi sobrang ingay sa baba. Nauna na sila don kasi kinuha ko pa ang cellphone ko sa kwarto naiwan ko kasi. Pagdating ko sa roof deck nagtatawana sila, ewan ko kung anong pinagtatawanan ng mga ‘to.
“saya nyo ah, anong meron?”
tanong ko at saka ako naupo sa tabi ni Kurt.“Oo nga pala ito pala regalo namin sayo birthday girl!”
sabi ni Ranze sabay turo naman sa mga regalong nasa table.“Sige mamaya ko na lang bubuksan yan”
sabi ko naman sa kanila. Gusto ko kase magisa ako pag magbubukas ng mga regalo, ayokong makita nila ang reaksyon ko pag nagbubukas ng regalo, baka mamaya sobrang ganda nung regalo tapos mapasigaw ako kaya mabuting ako na lang magisa.