IMINULAT ni Jemimah ang mga mata at agad na nasilayan ang guwapong mukha ni Ethan. Kumunot ang noo niya nang mapansin na seryoso ang mukha nito. Sinubukan niyang gumalaw pero natigilan nang maramdamang tila nakaposas ang isang kamay.
Hindi nga siya nagkamali. Her right wrist was handcuffed with Ethan's left wrist! Napabangon si Jemimah at itinaas ang mga kamay nilang naka-posas. "W-what's this?" naguguluhang tanong niya.
Umayos ng upo si Ethan. "Nagising na lang ako na nakaposas na 'yan," anito. "At mukhang umalis na sila." Itinaas nito ang isang note na hawak.
Kinuha ni Jemimah ang note at binasa ang nakasulat doon.
Mauuna na kaming umalis. It will be nice kung mag-stay pa kayo ng isang araw dito nang hindi naghihiwalay. Regalo namin para sa inyo. Bukas pa ng umaga darating ang sunod na bangka paalis ng island na ito. Have a nice trip. Enjoy!
Naiinis na napabuntong-hininga si Jemimah. Sigurado siyang si Mitchel ang nagsulat niyon. Ito ang nagplano ng lahat ng ito. Malalagot sa kanya ang lalaking iyon kapag nagkita uli.
Ibinalik niya ang tingin sa mga kamay nila ni Ethan na nakaposas. "W-walang susi?" nag-aalangang tanong niya.
Umiling si Ethan. "Dinala nila."
Bumagsak ang mga balikat ni Jemimah. "Pasensiya ka na, ha? Hindi ko alam na gagawin nina Mitchel ito. Hindi na lang dapat ako nakitulog dito. Siguradong marami ka pang trabaho na kailangang—"
Napatigil siya sa pagsasalita nang maramdaman ang paghawak ng kaliwang kamay ni Ethan sa kanan niyang kamay.
"It's okay, Jemimah," seryosong wika ng binata. "Gusto ko pa rin namang makasama ka sa lugar na 'to."
Tiningnan ni Jemimah ang nobyo. Ilang sandaling nagtitigan lamang sila, pinakikinggan ang mabilis na tibok ng sariling puso. She entwined her fingers to his. Kahit nakaposas ang mga kamay nilang iyon, hindi niya gustong alisin ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki.
"Let's go outside," wika ni Ethan mayamaya. "Gusto mo bang mag-rent na ng cottage sa resort dito? Ilang araw na rin tayong natutulog sa tent lang dahil iyon ang gusto nila. Hindi ko gustong manakit ang katawan mo."
Ngumiti si Jemimah at tumango. Sumunod lang siya sa binata hanggang sa makalabas sila ng tent. Si Ethan na ang nagdala ng mga gamit nila. Hindi ganoon kadaling kumilos nang nakaposas ang kanilang mga kamay pero masaya pa rin siya. Sa ganitong paraan, hindi sila magkakalayo ng nobyo kahit sandali.
"Siguradong magtataka ang mga makakita sa atin," aniya.
"Wala naman gaanong tao sa island na 'to," ani Ethan.
Inilapit ni Jemimah ang katawan sa gilid ng nobyo at sumabay lang sa paglalakad nito. Pagkapasok nila sa loob ng hindi kalakihang cottage na ni-rentahan, agad na silang naupo sa single bed na naroroon. Ilang sandaling walang salitaang namagitan sa kanila.
Hindi alam ni Jemimah kung ano ang gagawin. Paano sila makakapag-shower, makakapagpalit ng damit nang nakaposas ang mga kamay?
Sinulyapan niya si Ethan na nasa tabi. He was wearing a khaki pull-over shirt and denim jeans. Napakaguwapo pa rin nitong tingnan kahit kagigising lamang at hindi pa nakakapagpalit ng damit.
Tumalon ang puso ni Jemimah nang salubungin ng binata ang tingin niya. "Is this awkward for you?" tanong ni Ethan.
Mabilis niyang ini-iling ang ulo. "H-hindi naman. I... I want to stay with you like this. P-pero... pero iniisip ko lang kung... kung paano tayo magpupunta sa banyo nang—" Hindi niya na itinuloy ang sinasabi. This was awkward, yes.
Napatingin si Jemimah sa malayang kamay ni Ethan nang hawakan niyon ang posas. In a little while, she heard a clicking sound. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nabuksan ng binata ang posas na iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang p...