Chapter 45.2

1.4K 47 4
                                    

PINAKATITIGAN ni Jemimah si Heart na nakaupo sa tapat nila sa interrogation room. Puno pa rin ng kalamigan ang mukha nito. Siya, si Ethan at Mitchel ang naroroon. "Wala ka ba talagang balak na humiling ng attorney?" tanong niya.

Umismid si Heart. "Sa tingin mo ba may gustong tumulong kay Jasmine?" tanong nito. "Sa isang babaeng katulad niya?"

Humugot ng malalim na hininga si Jemimah. Inabot niya ang kamay ni Heart na nakaposas pero agad ding iwinaksi ng babae.

Malungkot niya itong tiningnan. "Alam namin na nagsimula ang paghihirap mo nang iwan ka ng ina mo," ani Jemimah. "Hindi ka nakaramdam ng pagmamahal simula pa noon. Walang nag-alaga sa'yo. Naghirap ka pa sa kamay ng mismong ama mo. But that doesn't have to define who you are or your future destiny. You can still change and have a better life."

"Sigurado akong hindi mo na masasabi 'yan kung ikaw ang nakaranas ng naranasan ko," malamig na wika ni Heart. "Huwag na kayong umasa na babalik si Jasmine. Hindi na mangyayari 'yon."

"Iniligtas mo si Jasmine," wika naman ni Ethan. "At hanggang ngayon inililigtas mo siya mula sa sakit ng nakaraan. You are still a part of her. Ginagawa mo ito para maprotektahan din si Jasmine."

"Hindi!" malakas na sigaw ni Heart. "Walang kuwenta ang babaeng iyon! Wala siyang karapatang mabuhay sa mundong ito! Papatayin ko siya! Papatayin ko silang lahat! Sisirain ko ang buhay ng ibang tao!"

Tumayo si Mitchel para pakalmahin si Heart. Pero agad ding natigil nang makarinig sila ng pagkatok sa pinto ng interrogation room.

Ganoon na lang ang pagkagulat nina Jemimah nang pumasok doon si Douglas, kasama si Paul. Mabilis siyang napatayo at nilapitan ang lalaki.

"Paul," banggit niya sa pangalan nito. "A-ano'ng ginagawa mo dito?" Kahapon lang ay nakatanggap sila ng tawag na nagkaroon na nga ng malay si Paul, pero mukhang hindi pa naibabalik ng lalaki ang lahat ng lakas. "Dapat nanatili ka pa sa ospital."

Ngumiti si Paul at hinaplos ang buhok niya. "I'm fine," anito. "Desisyon kong pumunta dito." Inilipat nito ang tingin sa kinauupuan ni Heart.

Makikita sa mukha ni Heart ang pagkagulat dahil sa presensiya ng lalaki. "Ano'ng ginagawa mo dito?" puno ng galit na tanong nito. "Hindi ka pa pala namamatay."

Ikinuyom ni Jemimah ang mga kamay para pigilan ang galit. Dumalaw sila ni Mitchel kagabi kay Paul. Nalaman nila na naging kaibigan pala ng lalaki si Jasmine Cruz noon. At sinabi ni Mitchel na kaya gusto itong patayin ni Heart ay para maalis ang mga magiging dahilan para magpumilit bumalik si Jasmine. The war between the two personalities had indeed begun.

Naupo si Paul sa katapat na silya ni Heart. "J-Jasmine..." banggit nito sa pangalan ng babae.

"Hindi ako si Jasmine," mariing wika ni Heart. "At wala kang karapatang humarap sa akin. Kahit sa kanya! Iniwanan mo siya, hindi ba? Nangako kang ililigtas siya pero umalis ka rin."

"I'm sorry," usal ni Paul, punong-puno ng kalungkutan ang tinig.

"Wala nang magagawa ang paghingi ng tawad. Hindi mo na siya maililigtas." Nanlilisik na ang mga mata ni Heart. "Wala ka nang pakialam kay Jasmine. Umaasa siya na babalik ka, na tutuparin mo ang pangako mo. Napakatanga talaga ng babaeng 'yon. Hinihintay ka niya, iniisip na magugustuhan mo ang isang tulad niya. May iba kang gusto, tama? Kaya hindi na 'yon mangyayari. Paulit-ulit kong sinasabi 'yon kay Jasmine pero hindi siya nakikinig!"

Nakatingin lang sina Jemimah sa dalawa. Galit na galit si Heart at hindi dapat nila hinahayaang makausap nito si Paul. Pero nasa itsura ni Paul na gusto nitong makausap ang babae, maipaliwanag ang sarili.

"I don't hate you," wika ni Paul. "Oo, nagulat ako nang malaman kong ikaw si Jasmine." Iniyuko nito ang ulo. "Bata pa lang kami nang una ko siyang makilala. She's so kind, so bright. Aaminin ko na nakaramdam ako ng disappointment nang malaman kong ikaw ang serial killer na hinahanap namin. Sinabi mo noon," umiling ito. "Sinabi noon ni Jasmine na magiging mabuting tao siya, na hindi siya matutulad sa mga masasamang tao sa mundong ito." Tiningnan ni Paul si Heart. "But she turned out into something she said she won't be."

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon