Chapter 24

1.5K 57 8
                                    


Theia Mendoza

BINUKSAN ni Theia ang pinto ng kanyang apartment at agad na bumungad ang nakangiting mukha ni Mitchel. Ipinaikot niya ang mga mata. "Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong niya. "Marami pa akong trabaho."

Pumasok sa loob ng kanyang apartment si Mitchel kahit hindi iniimbitahan. Ipinatong nito sa mesita ang mga dalang pagkain. "Ipinadala 'to ni Mama," anito. "Busy ka pa rin ba sa pag-aaral ng mga CCTV footage?"

Bumalik si Theia sa silyang katapat ng mga computer equipment. "Ito na lang ang naitutulong ko mula nang magkaroon kayo ng bagong member."

Lumapit sa kanya si Mitchel, ipinatong ang mga kamay sa kanyang balikat. He started massaging her shoulders. "Magpahinga ka rin," wika nito.

Theia wanted to move away but his hands just felt good. At pagod na pagod na rin talaga siya nitong nakaraang mga araw sa pagbabaka-sakaling nahagip ng mga CCTV's sa vicinity ng mga crime scenes ang signature killer na si Heart.

"Bakit hindi ka na lang kasi pumayag na magtrabaho para sa SCIU?" narinig pa niyang tanong ni Mitchel. "Siguradong wala namang-"

Naiinis na napatayo si Theia. "Hinding-hindi ako magiging parte ng isang government agency," mariing wika niya. "Ginagawa ko lang ito para makatulong kay Ethan."

"Ethan," sambit ni Mitchel. Humakbang ito palapit sa kanya. "Siguradong hindi lang dahil kay Ethan kaya pinapagod mo ang sarili mo ng ganito. You want to help people too, Theia. Our team is still part of SCIU, a government agency. Alam kong galit ka sa gobyerno pero nakikita mo naman na hindi lahat kami na nagtatrabaho para doon ay kasing-sama ng mga iniisip mo."

Iniiwas ni Theia ang tingin. Hindi niya gusto tuwing sinasabi ni Mitchel ang mga nakikita nito sa kanya. Dahil alam niya sa sarili na totoo iyon. "Magpapahinga na ako, Mitchel. Puwede ka nang umalis," pagtataboy niya sa lalaki.

Mahabang sandaling nakatitig lamang sa kanya ang binata. Nagulat pa si Theia nang hapitin siya ni Mitchel palapit sa katawan nito para yakapin. Tinangka niyang kumawala nang marinig itong magsalita.

"My father... I hate him so much," bulong ni Mitchel. "Hindi ko papayagang makabalik pa siya sa pamilya namin. Hindi ko papayagang masaktan niya na naman si Mama."

Biglang nakaramdam ng pagkaawa si Theia para sa lalaki. Alam niya ang nangyari sa pamilya nito dahil minsan nang naikuwento ng ina ni Mitchel noong magpunta siya sa residence ng mga Ramos.

Itinaas ni Theia ang isang kamay para marahang tapikin ang likod nito. Hindi siya nagsalita dahil hindi naman alam kung ano ang puwedeng sabihin. Ilang saglit na nanatili lamang sila sa ganoong posisyon.

"I like you, Theia," narinig niyang bulong ni Mitchel. "Can I kiss you now?"

Mabilis na itinulak ni Theia palayo ang lalaki. "Manyak ka talaga!" naiinis na sigaw niya.

Malakas na napatawa si Mitchel, puno na ng enjoyment ang mukha. "Akala ko mapapagbigyan mo na ako," hirit pa nito.

Inirapan niya ang lalaki at naglakad patungo sa maliit na couch para maupo. Tiningnan ni Theia ang mga pagkaing dala ni Mitchel. "Noong makausap ko ang mama mo, parang... parang umaasa pa siyang maaayos muli ang pamilya niyo."

Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Mitchel. "Hindi na mangyayari 'yon. Sinabi ko kay mama na sapat na ang sakit na ibinigay ng lalaking iyon sa kanya, sa pamilya namin. Masaya na kami ngayon."

Ilang sandaling tiningnan ni Theia ang binata. Puno ng kaseryusohan ang mukha nito. Wala na naman siyang masasabi kaya nagkibit-balikat na lamang. Buhay iyon ni Mitchel.

Naupo sa tabi niya si Mitchel, pilit na isiniksik ang sarili sa couch. Iniakbay pa nito ang kamay sa balikat niya.

Tiningnan ni Theia ng masama ang lalaki pero hindi na sinubukang lumayo dito dahil siguradong hindi rin naman tatantanan ni Mitchel. "Wala ba kayong gagawin ngayon? Dumarami na ang biktima ng serial killer na hinahanap n'yo."

"We've been very busy this past few weeks dahil sa kanya," anito. Isinandal nito ang ulo sa headrest ng couch. "Wala namang problema sa akin kung pumatay siya ng pumatay ng mga lalaking nagtataksil ng-"

Napatigil ito sa pagsasalita nang hampasin niya ang dibdib nito. "You're insane. Kahit galit ka sa ginawa ng papa mo, hindi mo dapat sinasabi 'yan." Umiling-iling si Theia. "At saka isa ka rin namang babaero, ang pinagkaiba lang ay wala ka pang asawa."

Natatawang tumingin sa kanya si Mitchel. "I'm just kidding." Humugot ito ng malalim na hininga. "Kahit ganoon naman ang ginawa ng ama ko, hindi ko pa rin hinihiling na matulad siya sa mga biktima ng Heart na 'yon."

Lumabi si Theia. Hindi na naman siya nagsalita. Alam niyang mabuting tao si Mitchel. Kahit maloko ito ay hindi nito hihilingin na mamatay ang isang taong kinamumuhian.

"Damn," narinig niyang anas ng binata. "I really want to kiss you, Theia."

Hindi napaghandaan ni Theia ang sinabing iyon ni Mitchel kaya hindi naitago ang pagkagulat. Mabilis niyang pinalitan ng pagkainis ang emosyon sa mukha.

"Tigilan mo na nga ako sa mga kamanyakan mo, Mitchel," pagpapagalit niya dito. "Hindi na ako natutuwa sa-"

"Bakit ba galit na galit ka sa akin, Theia?" putol sa kanya ni Mitchel sa seryosong tinig. "Simula pa noon, puro galit at inis na ang ipinakita mo sa akin."

Natigilan si Theia sa tanong na iyon. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa binata. "H-hindi naman ako galit sa'yo, Mitchel," sagot niya.

"Kung hindi ka galit sa akin, ano'ng nararamdaman mo para sa akin?" sunod na tanong ng lalaki.

Ibinalik ni Theia ang tingin sa binata. Ginantihan niya lamang ang pagtitig ni Mitchel sa halip na sagutin ang tanong nito. Hindi niya rin alam sa sarili kung ano ang nararamdaman para sa lalaki. Oo, naiinis siya dito. She never liked players, perverts. Subalit may mga katangian naman si Mitchel na hindi rin maiwasang hangaan ni Theia - katulad na lang ng pagmamahal at pagpapahalaga nito sa pamilya, kaibigan at maging sa trabaho. His smiling face was also one of the best part of him.

Itinaas ni Mitchel ang isang kamay, marahang hinaplos ang pula niyang buhok. "You are so beautiful," he whispered in a husky voice.

Hindi maialis ni Theia ang tingin sa itim na mga mata ng binata. His eyes had turned even darker. Napansin niya pa ang pagbaba ng tingin ni Mitchel sa kanyang mga labi.

Bumaba ang mukha ni Mitchel palapit sa mukha niya. She felt entranced of his nearness all of a sudden. Umawang ang mga labi ni Theia nang hindi namamalayan. His wonderful, manly scent filled her.

Theia felt Mitchel's lower lip slightly brushed her upper lip. Pero hanggang doon lang iyon nang makarinig sila ng pagkatok mula sa pinto. Mabilis na ibinalik ni Theia ang matinong kaisipan at itinulak palayo ang lalaki, kasabay ng pagtayo.

Hindi na hinayaan ni Theia na makapagsalita si Mitchel at lumakad na patungo sa pinto para pagbuksan ang mga bisitang nagligtas sa kanya. Agad na bumungad sa kanya ang mukha nina Ethan at Jemimah.

"Theia," bati sa kanya ni Jemimah. "Nandiyan ba si Mitchel?"

Napabuga ng hininga si Theia. "Dito ba nakatira ang lalaking iyon?" pagtataray niya. Ang totoo, naiinis siya sa sarili dahil nagpadala sa ginagawa ni Mitchel Ramos.

Napangiti si Jemimah. "Kanina kasi no'ng tinawagan namin siya, sinabi niyang papunta siya dito. Nakaalis na ba siya?"

Niluwangan ni Theia ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ang mga ito. "Nasa loob siya."

Pagkapasok ng mga ito sa loob ay agad nang nagsimula ng usapan tungkol sa iniimbestigahang serial killing. Nakikinig lang si Theia at iniiwasang mapadako ang tingin kay Mitchel. She would never fall for that man's trick again! Hindi siya isa sa mga babaeng mahuhulog sa pambobola nito.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon