Chapter 7

1.8K 57 5
                                    

Jemimah Remington

"KUMUSTA naman ang trabaho mo kanina sa ibang team?" tanong ni Jemimah kay Mitchel na katulong sa pag-iihaw ng mga isdang kakainin nila sa hapunan. Naroroon sila ngayon sa isang island sa Cebu para sa kanilang vacation trip. Sina Paul at Lily lamang ang miyembro ng team nila ang hindi nakasama.

"Maayos naman," sagot ni Mitchel. "But it's not that easy to get a confession from a criminal, you know."

Umiling-iling si Jemimah. "Pero profiler ka kaya dapat expert ka na sa mga ganyan."

"Yeah." Nanlulumong tumango-tango si Mitchel. "Pero napapagod din naman ang profiler. Kung hindi lang talaga maganda ang suspect na 'yon, baka nakatulog na ako."

Napatawa na siya. "Hindi na ba talaga magagamot iyang pagiging babaero mo?"

Ngumisi si Mitchel. "Matitigil lang siguro ako kung makukuha ko na ang pinakamagandang babaeng nakita ko."

Sinundan ni Jemimah ng tingin ang tinitingnan ng lalaki at nakita si Theia na nakaupo sa buhanginan habang abala sa kakapindot sa laptop na hawak. Ibinalik niya ang tingin kay Mitchel. "Huwag na huwag mong isasama si Theia sa mga pinaglalaruan mong babae, ha? Ako ang una mong makakalaban," banta niya.

Humalukipkip si Mitchel na parang isang batang nagmumukmok. "Napakarami talagang kontrabida sa mundo," anito. "Anyway, alam mo ba na may gusto si Theia kay Ethan?"

Nagulat si Jemimah sa narinig pero agad din namang ngumiti. "I know she likes Ethan as an older brother. Minsan niya nang nasabi sa akin na nakikita niya kay Ethan ang namatay niyang kuya sa giyera." Hindi siya nakakaramdam ng pagseselos kay Theia.

Tumango-tango si Mitchel. "Sinasabi ko na nga ba." Kumislap na ang mga mata ng lalaki. "Malaki pa rin ang pag-asa ko sa babaeng 'yon."

Napailing na lang siya. "So babae ang kriminal na ininteroga mo kanina," pagbabalik ni Jemimah sa unang usapan. "Napapansin ko lang na unti-unti na ring dumarami female criminals sa mundo."

"Pantay-pantay na ang mga tao sa mundo, maging sa kawalan ng konsensiya," wika ni Mitchel. "Hindi naman ibig sabihin na babae ay hindi na makakagawa nang napakasamang bagay. Minsan ang gender pa nilang iyon ang ginagamit nilang pain para makapanloko, o kung anupaman. Nakakatakot na rin ang mga babae, 'no?" Tumawa pa ito ng mahina.

Nakatitig lamang si Jemimah sa iniihaw na isda. Sa loob ng ilang taong pagtatrabaho sa police force, iilan pa lang ang mga babaeng kriminal na nahuli niya. At madalas ay minor offenses lamang ang mga iyon, ang iba ay nakagawa ng krimen para depensahan ang sarili.

Women were fragile. They were supposed to be protected. Iyon ang mga definition ng babae noon. Pero nag-iba na ngayon sa paglipas ng panahon. Naipapakita na ng mga babae na magagawa rin nila ang ginagawa ng mga lalaki – kasama na ang pagprotekta sa ibang tao katulad ng ginagawa niya, at maging ang paggawa ng kasamaan.

"Sayang at hindi nakasama si Paul," mayamaya ay narinig niyang sabi ni Mitchel. "Tinawagan mo ba siya?"

Tumango si Jemimah.

"At ano'ng binigay niyang sagot? Marami siyang aasikasuhing trabaho?" sunod na tanong ng lalaki.

Muli siyang tumango.

Umismid si Mitchel. "Pare-pareho lang talaga ang mga tao kapag brokenhearted, nagpapakasubsob sa trabaho at pilit iniiwasan ang taong nakapanakit sa kanila."

"Mitchel," mahinang wika ni Jemimah, nakayuko na. "Hindi ako—"

"I am not wrong, Jem," putol sa kanya ng binata. "Paul likes you. Madalas kaming nagkakasama sa unang kaso na hinawakan natin, at halos ikaw lang ang bukam-bibig niya. Gusto ka raw niyang makilala pa ng husto. Hindi lang siya nagkaroon ng pagkakataon dahil may iba siyang trabaho bilang prosecutor."

"I... I like him, too," aniya. She likes every member of her team.

"Yeah," tumango-tango si Mitchel. "But not in a romantic way. Hindi katulad ng pagmamahal mo para kay Ethan."

Napatingin na si Jemimah sa lalaki. Gusto niyang sabihin na hindi pagmamahal ang nararadaman para kay Ethan pero tila tumututol ang puso. Nitong nakaraang mga linggo, patuloy lang na naglalaban ang kanyang isip at puso. Her mind kept on telling her that it wasn't love she was feeling for Ethan Maxwell, but her heart said otherwise.

"At isa pa, may silent war na nagaganap sa pagitan nina Ethan at Paul," dugtong ni Mitchel. "That's the reason why Paul couldn't just accept his defeat." Ilang sandaling huminto ang lalaki, biglang naging seryoso. "Napakadali para kay Paul ang makaramdam ng inggit, lalo na kapag gustong-gusto niya ang isang bagay. That is not a very good character but I can't blame him. Tatlo silang magkakapatid at siya ang nag-iisang lalaki, ang dapat na ipinagmamalaki ng kanyang ama pero hindi nangyari dahil kay Ethan."

"Ipinagmamalaki rin naman ni Director Morales si Paul," wika pa ni Jemimah.

"Pero hindi katulad ng pagmamalaki niya kay Ethan," ani Mitchel, bumuntong-hininga. "Siguro dahil nga si Ethan ang ideal son ni Director Morales. Isang katulad niya na nagsilbi rin sa militar. Most of the military men are like that. Gusto nilang sundan ng mga anak nilang lalaki ang yapak nila."

"But Paul chose to be a prosecutor." Si Jemimah na ang nagtuloy niyon. "Wala namang masama doon. Ang mahalaga ay matinong trabaho at nakakatulong pa siya sa ibang mga tao."

Nagkibit-balikat si Mitchel. "Well, hindi na naman dapat tayo nag-aalala sa problema ng pamilya nila." Ngumiti ito. "Ang dapat mong alalahanin ay kung paano matatanggap ni Paul na si Ethan ang gusto mo."

Iniyuko ni Jemimah ang ulo. "Ano'ng gagawin ko? Hindi ko naman inaasahan na magugustuhan ako ni Paul... kung... kung totoo nga iyang hinala mo."

Ipinatong ni Mitchel ang isang kamay sa ulo niya para marahang guluhin ang buhok. "Just talk to him. Itanong mo sa kanya kung ano ba ang problema, kung ano'ng nararamdaman niya para sa'yo. At kapag tinanong ka niya kung magkakaroon ng pag-asa ang nararamdaman niyang iyon, mamili ka lang sa sagot na 'oo' at 'hindi'."

Tumingin siya sa binata at nakita ang pagngiti nito. Indeed, Mitchel had a very warm smile, a friendly aura in him. Dahilan kung bakit napakadaling lumapit dito.

"Gusto naming mga lalaki ang deretsong sagot, wala nang paligoy-ligoy pa, para hindi kami magkaroon ng maling pag-asa," dagdag ng binata.

Humugot ng malalim na hininga si Jemimah bago tumango. She needed to do that to avoid hurting Paul more. Hindi niya gustong masira ang team nila dahil sa kanya.

Ibinalik niya ang tingin sa unahan at nakitang nakatingin na sa kinaroroonan nila si Theia. Hindi gaanong maaninag ni Jemimah ang mukha nito pero sigurado siyang kay Mitchel talaga nakatuon ang paningin ng dalaga.

Bahagya na siyang lumayo sa lalaki nang maisip na baka nagseselos si Theia. Lihim na napangiti si Jemimah. Gusto niyang mabawasan ang pagiging babaero ni Mitchel, at kung si Theia ang makakagawa noon, baka maisipan niya pang higit na paglapitin ang mga ito.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon