Chapter 50.2

1.3K 48 0
                                    

MAINGAT na bumangon si Jemimah mula sa pagkakahiga sa kama ni Ethan sa loob ng penthouse nito nang gabing iyon. Tiningnan niya ang orasan sa bedside table. Pasado ala-una pa lang ng madaling araw. Wala na sa tabi niya si Ethan nang magising kaya nagtaka.

Agad niya namang nakita ang nobyo na nakatayo malapit sa glass wall, pinagmamasdan ang magagandang city lights. Tumayo si Jemimah at nilapitan si Ethan. Niyakap niya ito sa baywang mula sa likod.

"Ethan, what's wrong?" tanong ni Jemimah. "Hindi ka pa ba natutulog?"

Pumihit paharap sa kanya si Ethan. "Hindi ako makatulog."

Lumabi si Jemimah. "Bakit? Nagdadalawang-isip ka na bang pakasalan ako?" pagbibiro niya. Isang linggo na lang ay ikakasal na silang dalawa ni Ethan. Mahigit tatlong buwan na rin siyang naghihintay mula nang mag-propose ang binata.

Ngumiti si Ethan. "That will never happen."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang nito. "Kung gano'n, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

Pinakatitigan siya ng nobyo bago pinangko. Lumakad si Ethan patungo sa kama para muli siyang paupuin doon. "Iniisip ko kung bakit mo ako pakakasalan kahit marami ka pang hindi alam tungkol sa akin."

Hinila ni Jemimah si Ethan paupo sa tabi niya, inihilig ang ulo sa balikat nito. "Dahil mahal kita. Hindi pa ba sapat na rason 'yon?" Tiningnan niya ang nobyo, ngumiti. "Marami pa tayong oras para makilala ang isa't isa kapag mag-asawa na tayo."

Hinaplos ni Ethan ang pisngi niya. "Bago tayo ikasal, gusto kong malaman mo... kung ano'ng nangyari sa kanila. Sa pamilya ko."

Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Nakahanda na ang nobyo na sabihin sa kanya ang tungkol sa nakaraan nito? Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaligayahan.

Bumuntong-hininga si Ethan. His blue eyes were unsure for a while before sadness filled it. Gusto niyang yakapin ang binata ng mga sandaling iyon. Gusto niyang alisin ang sakit na nararamdaman nito kahit papaano.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon