Chapter 46.2

1.3K 46 2
                                    

HINDI naitago ni Jemimah ang pagkagulat nang makita kung sino ang tatayong lawyer ni Jasmine Cruz. Ngayon ang trial ng serial murder case na inimbestigahan nila. "Paul."

Tumingin sa kanya si Paul, ngumiti. "Jemimah," anito. "Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito sa trial ni Jasmine."

Hindi pa rin mapaniwalaan ni Jemimah na si Paul Morales, isa sa miyembro ng kanyang team, ang magtatanggol sa serial killer na si Heart. "Bakit, Paul?" tanong niya. "Sinaktan ka niya. Hindi siya si Jasmine ngayon. Siya si Heart, isang serial killer."

Sumeryoso na ang mukha ni Paul. "Pero siya pa rin si Jasmine. Nangako ako sa kanya noon na ililigtas ko siya pero hindi ko natupad. Ito na lang ang pagkakataon ko para matulungan siya." Lumapit sa kanya ang lalaki at marahang ginulo ang kanyang buhok. "Please understand, Jemimah. Hindi ko matatanggap ang nararamdaman para sa akin ni Jasmine dahil iba ang gusto ko. Kahit sa paraang ito lang, maipakita kong totoong gusto ko siyang magkaroon ng maayos na buhay."

Iniiwas ni Jemimah ang tingin. "Marami kang makakalaban sa kasong ito, Paul," aniya. "Halos lahat ng pamilya ng biktima ay nagsampa ng kaso."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Paul. "Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tatayo akong lawyer para sa isang tao. But I've been a prosecutor for a long time. Tukoy ko na kung paano nila ako babatuhin." Ilang saglit itong huminto. "I will save her no matter what. Si Jasmine man siya o si Heart. Sisiguraduhin ko na magkakaroon na siya ng maayos na buhay."

Hindi na naman napigilan ni Jemimah ang lalaki nang lumakad na ito palayo. Inilipat niya ang tingin sa kinatatayuan ng iba pang kasamahan sa team. Si Ethan lang ang wala doon.

Lumapit sa kanya si Mitchel. "It's Paul's decision, Jem. Huwag mo nang alalahanin ang sarili mo. Our job is to catch the killer and bring justice. Pero kung pakakaisipin natin, napakaraming mga naging biktima ng kasamaan ang hindi nabibigyan ng hustisya. Kailangan pang gumawa ng krimen ng mga biktimang iyon para mapansin. There are lots of demons in this world. Ang dapat nating gawin ay mahuli ang mga demonyong 'yon bago pa sila makabuo ng isang halimaw."

Ngumiti si Mitchel at inaya na sila ni Douglas na pumasok sa loob ng korte para manood ng trial ni Jasmine Cruz. Ilang oras din ang itinagal ng public trial na iyon. At habang nanonood, napatunayan lamang nila kung gaano kahusay si Paul pagdating sa pakikipagtalo sa korte.

At the end of the day, Jasmine Cruz won with insanity defense. Nakapaloob sa defense ni Paul na hindi alam ni Jasmine na mali ang ginagawa dahil na rin sa mental disorder nito.

But Jasmine would still be acquitted in a mental institution hanggang sa tuluyang gumaling. At kapag naging maayos na ang mental stabililty ng babae ay saka muli magkakaroon ng panibagong trial para sa magiging kaparusahan ng mga krimeng nagawa nito.

Pero sigurado si Jemimah na hindi magiging mabigat ang maipapataw na parusa kay Jasmine dahil si Paul ang magtatanggol dito.

Umugong ang mga iyakan sa loob ng korte, mula sa pamilya ng mga naging biktima ni Heart. Marami rin ang nagmumura kay Paul pero tila hindi naman iniinda ng lalaki. Sanay na marahil sa ganong eksena.

Sandaling pinagmasdan ni Jemimah ang mga taong naroroon. Gusto niyang mabigyan ng hustisya ang mga taong nangangailangan niyon. Pero minsan kailangan nilang tanggapin na hindi lahat ay nabibigyan ng hustisya sa mundong ito. Life was not fair and that was the truth.

Tumayo na siya at nilisan ang lugar na iyon. Naniniwala pa rin si Jemimah na may dahilan ang lahat ng pangyayari sa mundong ito. Ang bawat pagsubok ay ibinibigay para may matutunan ang bawat tao.

At may punto naman si Paul sa sinabi nito kanina. Kailangan din ni Jasmine... o ni Heart na makaranas ng isang maayos na buhay. Simula pa pagkabata ay inabuso na ito, pinagkaitaan ng kaligayahan, ng pagmamahal. Baka oras naman para mabigyan ito ng pagkakataong magbago at mapaghilom ang mga sugat ng nakaraan.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon