Chapter 20

1.6K 62 4
                                    


Jemimah Remington

NAPATIGIL si Jemimah sa paghakbang nang makilala kung sino ang papasalubong sa kanya sa isang hallway ng National Bureau of Investigation Headquarters. Iyon ay si Paul.

Kumunot ang noo ni Paul nang magkalapit sila. "Jem, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Oh, may... may kinausap lang akong kakilala," aniya.

Sumulyap si Paul sa hawak niyang mga folders. "Ano ang mga 'yan?"

Hinigpitan ni Jemimah ang pagkakahawak sa mga folders na iyon. "Mga... ilang reports lang na pag-aaralan ko." Ang totoo, mga information iyon patungkol sa Destroyer. Humingi siya ng pabor sa isang kakilala sa NBI na makakuha ng kopya ng kung anumang impormasyon sa Destroyer na makikita pa sa archives ng ahensya.

Hindi iyon ganoon karami. Tanging ang mga simpleng initial reports lang ng mga police departments na nakakita sa mga bangkay ng biktima ng Destroyer at ilang crime scene photos. Pero ang mahalaga ay may mapapag-aralan siya kahit papaano.

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.

"May kinausap lang ako about sa isang case na ilalaban ko sa korte this week," sagot ni Paul. "Akala ko nasa penthouse ka ni Ethan, nandoon ang ibang kasamahan natin, 'di ba?"

Tumango si Jemimah. Dapat ay kanina pa nga siyang nagpunta doon pero dahil tumawag ang kakilala niya dito sa NBI ay sumaglit muna. "Papunta na nga ako doon."

Iniiwas ni Paul ang tingin, tila nag-aalangan. "A-ayos lang ba sa'yo na mag-lunch muna tayo sa restaurant na malapit dito bago magpunta doon?"

Napaisip si Jemimah. Wala namang masama kung pagbibigyan ang lalaki kaya pumayag na.

Habang kumakain sa isang kilalang restaurant, nakikinig lamang si Jemimah kay Paul na nagkukuwento ng tungkol sa mga kasong hinawakan nito.

"Kumusta nga pala kayo ni Ethan?" tanong ni Paul mayamaya.

Hindi inaasahan ni Jemimah ang tanong na iyon mula sa binata. Napangiti siya. "Maayos naman kami. Kayo? Kailan kayo magkaka-ayos na dalawa? Sinasabi ko kay Ethan na-"

"Hindi ko alam kung mangyayari 'yon," putol sa kanya ni Paul, seryoso.

Ilang sandaling pinakatitigan ni Jemimah ang binata, may mababanaag na kalungkutan sa mga mata nito.

"I... envy him," dugtong ng lalaki. "Lahat ng atensyon na hinihiling ko ay napunta sa kanya."

Itinigil na ni Jemimah ang pagkain, yumuko. "Paul... y-you're my friend. I... want you to be my friend." Hindi niya alam kung bakit sinabi ang mga salitang iyon. "Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Mitchel na napapansin niya tungkol sa'yo... na..." Ini-iling niya ang ulo. "Gusto ko lang sabihin na mabuting tao si Ethan. Kung makikilala mo lang siya ng husto ay-"

"I like you, yes," putol sa kanya ni Paul. "More than a friend. Hindi ko alam kung bakit, Jemimah. Gusto kong bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakitang mas higit ako sa kanya."

"Paul," puno ng kaseryusohang banggit ni Jemimah sa pangalan nito. Direkta niyang tinitigan sa mga mata si Paul. "Mahal ko si Ethan."

Bumahid ang pagkagulat sa mga mata ni Paul, na unti-unting napalitan ng sakit. Iniiwas nito ang tingin sa kanya. "Tapusin na natin ang pagkain," iyon lang at nagsimula na uli ito sa pagkain.

Hanggang sa makalabas sila ng restaurant ay wala nang usapang namagitan sa kanila. Pagkarating sa parking area kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan, nilingon ni Jemimah ang lalaki.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon