Chapter 18

1.6K 61 2
                                    


Heart

CHEATING LEADS TO DEATH. MEN BEWARE! Article by: Jayden Sullivan.

Napatawa si Heart nang mabasa ang article na iyon sa diyaryo. Nakasulat doon ang pagpatay niya sa tatlong lalaking may asawa na. Naroroon din ang detalye kung paano nakita ang mga bangkay.

Isang signature killer na nagngangalang Heart ang itinuturing ng mga awtoridad na mapanganib na serial killer sa bansa ngayon. She seduces married men just to kill them after a few days. Ginagawa niya ba ito bilang paghihiganti sa mga nagtataksil na asawa o isa lamang enjoyment para sa kanya?

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang mga awtoridad sa pag-usad ng kaso. Kaya binabalaan ang lahat ng mga lalaki, lalo na ang mga pamilyado, na pag-isipang mabuti kung ano nga ba ang naidudulot ng pagtataksil sa sariling asawa.

Basta niya na lang ibinagsak ang tabloid sa sahig bago humarap sa salamin para ayusin ang sarili. Katatapos niya lang makipag-date sa bagong bibiktimahing lalaki. Ilang araw na lang ang itatagal ng lalaking iyon sa mundo at mapapasama na sa kanyang koleksiyon.

Imposibleng makinig ang mga tao sa isang article lamang. Dinagdagan ni Heart ang pulang lipstick sa mga labi. It was very hard for humans to resist temptation - just like how Eve was easily tempted by the serpent to eat the forbidden fruit and how Adam was easily tempted by that woman to follow. At iyon ang dahilan kaya maraming mga walang kuwentang tao ang nahuhulog sa impyerno.

Napatigil siya sa pag-aayos ng sarili nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng apartment. Tumayo si Heart para pagbuksan ang kung sinomang bisita.

Malawak siyang napangiti pagkakita kay Samuel de Villa. Paminsan-minsan ay binibisita siya nito pero sandali lamang. Iyon ay para mangumusta, dalhan siya ng pagkain o makipag-kuwentuhan sandali. Mahilig magkuwento ang lalaki at magtanong ng kung anu-ano. Pero simula nang unang may mangyari sa kanila ay hindi na naulit iyon dahil na rin sa pagpipigil ng lalaki.

Mabilis niya itong hinila papasok sa loob at agad na hinagkan sa mga labi.

"W-w-wait," pigil sa kanya ni Samuel, natatawa. Isinara nito ang pinto. "Nagpunta ako rito para kumustahin ka. Ikaw pa rin ba si Heart?"

Tiningnan niya ng masama ang lalaki. "Hindi ba sinabi kong hindi na babalik ang babaeng 'yon? Siya pa rin ba ang gusto mo? Naipakita ko na sa'yo minsan na mas higit ako sa kanya, Samuel. Ako na ang piliin mo."

Itinaas ni Samuel ang isang kamay para marahang guluhin ang buhok niya. "Kailangan mo pa rin ng therapy, alam mo 'yon."

Humalukipkip si Heart. "Gagawin ko lang 'yon kung pagbibigyan mo akong patulugin ang mahinang babaeng iyon. No, make her die inside this mind... para hindi na siya makakabalik kahit kailan."

Hindi sumagot si Samuel, nakatingin lamang ito sa kanya.

Lumapit si Heart sa binata at inabot ang isang kamay nito para dalhin sa kaliwang dibdib. "Kaya mo namang gawin 'yon, 'di ba? Isa kang psychiatrist. At alam kong naka-focus ka sa disorder ng babaeng ito. Make her gone, Samuel," malambing na wika niya. "Para ako na lang ang laging nandito. Si Heart. At magiging sa'yo na lang ako habang-buhay."

Bumuntong-hininga si Samuel. Hinaplos nito ang isa niyang pisngi bago ngumiti. "Pag-iisipan ko, Heart," tugon nito. "Hindi rin ganoon kadaling gawin iyon."

Bahagyang nakaramdam ng inis si Heart sa puso. Gusto pa rin ng lalaking ito na bumalik ang orihinal na may-ari ng katawan niya. Bakit? Napakahina ng babaeng iyon. She was the stronger one, the better one. At ipapakita niya iyon sa lalaki.

Higit na lumapit si Heart kay Samuel. Her one hand went to his maleness that was still covered with pants. Napaungol ang lalaki nang simulan niyang paglandasin ang mga daliri doon.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon