Chapter 36.2

1.3K 56 3
                                    

"A-ANO'NG ginagawa niyo dito?" tanong ni Lily, nasa mukha ng babae ang pagtataka.

Pagkatapos makakuha ng warrant of arrest, dumeretso na ang grupo ni Jemimah sa bahay ng pamilya ni Lily Martinez sa Sta. Mesa. Hindi nila inaasahan na naroroon ang babae. Akala nila ay tama ang hinala ni Douglas na nagtatago na ito.

Napatingin sila sa likod ni Lily nang may lumapit doong isang babae. Nasa fifties na siguro nito ang babae.

"Lily, anak," wika ng ginang. "Mga kasamahan mo ba sila sa trabaho? Bakit hindi mo sila papasukin?"

Sandali lang sumulyap si Lily sa ina nito. "Hindi ko alam kung bakit sila nandito." Ibinalik nito ang tingin sa kanila. "May kailangan ba kayo?"

Tumikhim muna si Jemimah bago itinaas ang hawak na warrant of arrest. "Nandito kami para arestuhin ka, Ms. Martinez. You are suspected for killing married men, disguising yourself as Heart."

Bumahid na ang pagkagulat sa mukha ni Lily, ganoon din sa ina nito. "A-a-ano'ng... ano'ng pinagsasasabi niyo? Isa akong serial killer? Nababaliw na ba kayo?"

"May ebidensya kami na makakapagsabing kilala mo ang isa sa mga biktimang si Ly Madrigal," ani Ethan. "Kausap mo siya sa isang store sa Ayala Triangle isang linggo bago natagpuan malapit sa lugar na 'yon ang bangkay niya. At lahat ng mga ebidensyang ibinigay ng witness na si Floyd Gonzales, ikaw lang ang itinuturo, Ms. Martinez."

Akmang magsasalita pa sana si Lily nang maunahan na ito ni Mitchel.

"It will be better kung sasama ka na lang sa amin sa headquarters at doon na magpaliwanag," ani Mitchel. "You can also call your lawyer on the way."

Lumapit si Douglas kay Lily para posasan ito. Hindi naman na tumutol ang babae pero makikita pa rin sa mukha ang kaguluhan.

Hinawakan ng ina ni Lily ang anak. "H-hindi niyo puwedeng gawin 'to sa anak ko!" sigaw ng babae. "Hindi siya mamamatay-tao."

Hindi na nila sinagot ang ginang at pinasunod si Lily hanggang sa kinapaparadahan ng kanilang sasakyan. Patuloy pa rin sa pagmamakaawa ang ina ng babae.

Wala namang sinabi si Lily, nakasunod lang ito sa bawat utos nila. Tila ba hindi rin naririnig ang umiiyak na ina sa likuran.

Hanggang sa makarating sila sa SCIU Headquarters, nanatili pa ring tahimik si Lily. Nakaupo na ang babae sa loob ng interrogation room, sila naman ay nasa kabilang parte, nakatingin mula sa salamin.

"She's not requesting for a lawyer," sabi ni Jemimah. "Siguradong mayamaya lang ay aabot na sa Internal Affairs ang pag-aresto natin sa kanya."

"We should not make a mistake," ani Paul. "Isang agent ng Internal Affairs si Lily. Siguradong babantayan tayo ng mga nasa taas, hindi lang ng ahensyang ito, maging ang ibang matataas na government agencies dito sa Pilipinas."

Tiningnan ni Jemimah si Mitchel na nakatitig pa rin sa salamin. "Ikaw na ba ang makikipag-usap sa kanya, Mitchel?"

"Manonood na lang ako dito," sagot ng lalaki. "I need to study her very carefully."

Tumango si Jemimah. Sila na lamang ni Ethan ang nag-desisyong mag-interoga kay Lily Martinez.

Sandaling pinakatitigan ni Jemimah si Lily na nakaupo sa harap nila. Nakayuko lamang ito, walang kaemo-emosyon sa mukha. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapaniwalaan na suspect sa serial killing case na iniimbestigahan nila ang babaeng ito.

Binuksan niya ang laptop na nasa harap para maipapanood kay Lily ang CCTV footage kung saan kausap nito si Ly Madrigal. Wala pa rin namang imik ang babae kahit matapos ang video.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon