HUMAKBANG si Jemimah palapit sa kinauupuan ni Lily sa loob ng opisina nila sa SCIU Headquarters, kasunod lang din niyang pumasok ang mga kasamahan sa team. "Mabuti naman at may lakas ng loob ka pang pumasok sa headquarters na ito," wika niya sa babae.
Tumayo si Lily. "May problema ba?" nagtatakang tanong nito.
"Problema?" sarkastikong ulit ni Jemimah. Pinigilan niya ang sarili na magpakita ng matinding galit. "Oo, kailangan naming itama ang pagkakamali namin."
"Hanggang kailan ka pa ba magpapanggap?" tanong naman ni Mitchel. "Hanggang kailan mo pa aagawin ang katauhan ng kakambal mo?"
Napatawa na si Lily. "What the hell are you saying? Nababaliw na ba kayo?"
"Nasaan ka kagabi nang masaksak si Paul?" tanong ni Jemimah.
"Nasaksak si Paul?" ulit ni Lily, tila hindi pa makapaniwala. "H-hindi ko alam."
"Stop lying!" sigaw na ni Jemimah. "Ikaw ang huling tumawag kay Paul bago siya nasaksak."
"Dapat mo nang itigil ang lahat ng ito, Jasmine Cruz," seryosong wika ni Ethan. "O mas gusto mong tawagin ka naming Heart."
Puno ng kalamigan ang mga mata ng babae nang tumingin sa kanila. "Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasasabi n'yo."
Ipinakita ni Ethan ang isang papel na hawak. "Natatandaan mo pa ba itong release form na sinulatan mo dito sa headquarters? Nagduda na kaagad ako nang makita ito. Magkahawig ang handwriting sa signature ng serial killer na si Heart na iniiwan niya sa bawat krimen."
Hindi naman nagsalita ang babaeng kaharap.
Ipinalabas ni Ethan kay Douglas ang mga notebooks na nakuha nila sa clinic ni Samuel de Villa noon. "And here's Jasmine Cruz' journals para sa psychiatric treatment niya noon. We ran a regular graphology test on this journals and on this release form, it's one hundred percent match, ganoon din sa signature ni Heart na iniwan niya sa bawat biktima."
"Ikaw ang nagsulat sa release form na 'yon," ani Jemimah. "Kitang-kita ng dalawang mga mata ko." Humakbang siya palapit sa babae. "Gusto mo pa ng isa pang ebidensya? I'm sorry to do this." Inabot niya ang blusang suot nito at hinila pabukas. Humantad sa kanila ang dibdib ng babae.
Katulad nga ng inaasahan nina Jemimah, walang pilat doon bilang tanda ng pagkakaroon ng heart transplant.
"According sa records ni Lily Martinez, nagkaroon siya ng heart transplant surgery noong sixteen years old siya," ani Jemimah. "Malinaw naming nakikita na walang marka ng operation ang kaliwang dibdib mo. So you're not Lily Martinez. Ikaw si Jasmine Cruz."
Umismid lang si Jasmine, ni hindi sinubukang takpan ang katawan. Hindi na napigilan ni Jemimah ang sarili at dinampian ng sampal ang isang pisngi ng babae.
"That's for Paul," mariing wika niya. "Hindi ko alam kung bakit pati siya ay idinamay mo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pananakit sa isa sa miyembro ng team ko."
Lumapit sa kanya si Ethan para bahagyang ilayo sa babae. "Lumabas na ang fingerprint and DNA result ng sinasabi mong si Jasmine na nakakulong sa headquarters na ito ngayon. At ang profile ni Lily Martinez ang lumabas. This only explains one thing. You are Jasmine Cruz. At ang nakita namin sa basement ng bahay ng ama niyo sa Nueva Ecija ay si Lily Martinez."
Lumapit si Douglas sa babae. Inilagay muna nito ang hawak na itim na coat sa katawan ni Jasmine para matakluban ang hubad na dibdib bago pinosasan ang mga kamay.
"You have the right to remain silent," ani Douglas. "Anything you say can and will be used against you in the court of law. You have the right to speak to an attorney, and to have an attorney present during any questioning."
Sinundan lang ng tingin ni Jemimah ang babae hanggang sa makalabas ito ng opisina nila. "I... I'm sorry," bulong niya. Hindi niya napigilan ang sarili. She was so mad because of what happened to Paul. Mahalaga sa kanya ang bawat miyembro ng team at siya bilang team leader ang may pinakamalaking responsibilidad sa pagkakamali ng nahuling suspect.
Inabot siya ni Ethan para yakapin. "Hawak na natin ngayon ang suspect na hinahanap natin. All we need is a confession from her." Bahagya itong lumayo sa kanya para tingnan si Mitchel. "Ikaw na ang bahala sa bagay na 'yon, Mitchel. That woman has a mental disorder. And you, as a profiler, are an expert in the guiltiness of any states of mind. Sigurado akong mapapaamin mo siya."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang p...