Chapter 46.1

1.4K 45 0
                                    

Jemimah Remington

NAUPO si Jemimah sa tapat ni Jasmine Cruz sa loob ng interrogation room. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kalungkutang nasa mukha ng babae. It was as if she was just a living dead.

Tumikhim siya bago nagsimula. "Jasmine, nasa labas ang mama mong si Jessica at kakambal na si Lily. Hiniling nila na makausap ka."

Tumingin sa kanya si Jasmine, nanlaki ang mga mata. Ilang sandali lang ay sumibol na naman ang mga luha sa mga mata nito hanggang sa mauwi sa malakas na pag-iyak. Pinagpupukpok ni Jasmine ang kaliwang dibdib, nahihirapan sa paghinga.

Agad itong nilapitan ni Jemimah. "J-Jasmine... calm down..."

"H-hindi... h-hindi ko sila gustong makita..." Nanginginig na ang katawan ng babae. "I-iniwan nila ako. P-pinabayaan niya ako..."

Niyakap ni Jemimah ng mahigpit ang dalaga. "Ssshhh... it's okay, Jasmine. It's okay. Hindi ko na sila papasukin.

Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Jasmine. "A-ayoko na... a-ayoko na..." garalgal na wika nito. "T-tama na... t-tama na po... p-papa..."

Itinulak siya nito palayo. Bumagsak sa kinauupuan si Jasmine bago gumapang patungo sa pinakasulok na bahagi ng interrogation room.

Sinubukan ni Jemimah na lumapit sa babae pero napatigil nang iharang nito ang nakaposas na mga kamay sa mukha.

"H-huwag n'yo akong s-saktan," pagmamakaawa ni Jasmine. "S-susunod na ako... m-magpapakabait na ako... h-huwag..."

Awang-awa na si Jemimah sa itsura ng babae. Gusto niya itong lapitan, aluin. Pero nang marinig ang tinig ni Mitchel mula sa control room na inuutusan siyang lumabas na muna ay sumunod na.

Hinarap niya sina Jessica at Lily Martinez na naghihintay sa labas ng interrogation room. "Hindi n'yo pa siya makakausap ngayon," ani Jemimah.

Napaiyak na si Jessica Martinez. "P-pero g-gusto ko na siyang makita... m-makausap... h-hindi ba puwedeng—"

"She's still in trauma, Mrs. Martinez," singit ng boses ni Mitchel na kalalabas lang. "Hanggang ngayon hindi niya pa rin nakakalimutan ang nakaraan. Iyon ang dahilan kaya nagkaroon siya ng disorder. Mas mabuti pa ang pabayaan n'yo na muna si Jasmine... katulad ng ginawa n'yo noon. This time, mas makakatulong na 'yon sa kanya."

Nahimigan ni Jemimah ang pait sa tinig ni Mitchel pero may punto naman ito. Tiningnan niya ang ina nina Jasmine at nakita ang sakit na bumahid sa mga mata nito. Tumango na lang ito at lumakad na palayo.

Kung noon ay nakipagsapalaran na lang si Jessica na dalhin ang dalawang anak, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Napabuti nga ang isang anak nitong si Lily. Subalit ang kapalit niyon ay ang kasiraan ng buhay ng isa pang anak na si Jasmine. This world was indeed cruel.

Mahabang sandaling nanatili lamang sila sa kabilang side ng interrogation room para pagmasdan si Jasmine na hindi pa rin natitigil sa pagsusumiksik sa sulok, humihingi ng tawad, nagmamakaawa kahit wala namang kasama doon.

Napatingin sila sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Ethan, kasama nito ang psychiatrist ni Jasmine na si Samuel de Villa.

"Nakita ko siya sa labas ng headquarters," ani Ethan. "Humiling siya na makausap si Jasmine kahit sandali."

Tumango si Jemimah. Posibleng mapakalma ni Samuel si Jasmine.

"We can give you a few minutes," ani Mitchel.

Nagpasalamat si Samuel. Sinulyapan nito mula sa salamin si Jasmine at napuno na ng pagkaawa ang mukha.

Nilapitan ni Ethan si Samuel para i-check ang katawan nito bago hayaang makapasok sa loob ng interrogation room na kinaroroonan ni Jasmine. Sila naman ay nanatili sa kabilang side para panoorin at pakinggan ang mga ito.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon