Chapter 51.1

1.3K 43 1
                                    

Ethan Maxwell

NAKATITIG lamang si Ethan kay Jemimah sa loob ng ilang saglit. Ni minsan ay hindi siya nagbukas kahit kanino nang patungkol sa nangyari sa pamilya. Pero nagdesisyon siyang pakasalan si Jemimah, makasama ito habang-buhay. Kaya dapat lang na ipaalam niya sa dalaga ang lahat-lahat.

For the first time in his life, Ethan wanted someone to stay beside him, to listen to him. Binubuksan niya na muli ang puso para sa babaeng ito.

"Limang taon na ang lumipas," pagsisimula niya sa nakaraang hindi makalimutan. Ibinaba ni Ethan ang tingin. "I was twenty-eight... at tulad ng pagkakaalam niyo, isa na akong Commander para sa Special Forces. Akala ko patuloy nang magiging maganda ang takbo ng buhay ko... akala ko..."

5 Years Ago...

"Ethan, anak," tawag sa kanya ng kanyang Mama Candice, hawak-hawak nito ang isang tray na may lamang isang tasang tea at platito na may hiwa-hiwang prutas.

Inabot ni Ethan ang tray. "Kay Papa?" nakangiting tanong niya.

Tumango ang kanyang ina.

"Hindi na nakakasabay si Papa sa hapunan natin minsan," aniya. "Sobrang nagpapakasubsob na talaga siya sa trabaho, ah?"

Tumawa si Mama Candice. "Alam mo naman ang iyong Papa, once na may trinabaho siya, hindi titigil hangga't hindi natatapos 'yon."

Tumango-tango si Ethan. "Tulog na po ba si Anna?" Tinutukoy niya ang nakababatang kapatid na kasalukuyang labing-limang taong gulang pa lamang.

"Kanina pa. Sige na, ihatid mo na 'yan sa Papa mo." Tinapik ng kanyang ina ang kanyang braso bago lumakad palayo.

Naiiling na pinagmasdan ni Ethan ang papalayong ina bago naglakad patungo sa library na kinaroroonan ng amang si Jordan Maxwell.

Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. "Papa?"

Ngumiti ang kanyang Papa Jordan nang makita siya. "Ethan."

Lumapit si Ethan sa working desk ng ama at inilapag sa gilid niyon ang dalang tray. "Still busy?"

Isinara ng ama ang folder na hawak. "Medyo. Pero pinipilit kong tapusin ito before Christmas." Inabot nito ang tsaa sa tray. "Hindi ko gustong masayang ang ilang linggong bakasyon mo sa serbisyo."

Ngumiti si Ethan. "Sobrang excited na sina Mama at Anna para sa darating na Pasko. Plano ko na ngang mamili ng regalo sa susunod na linggo sa Maynila."

Tumawa si Papa Jordan. "Huwag mong kalilimutan ang sa'kin," biro pa nito.

Napailing siya bago napadako ang tingin sa isang parte ng dingding. Punong-puno iyon ng mga nakadikit na notes, pictures, newspaper clippings, internet articles. Lumapit doon si Ethan. "Ito ba ang bagong kasong hawak n'yo, Papa?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ama. "Ako lang ang may hawak niyan."

Ibinalik ni Ethan ang tingin dito. His father was a detective working for National Bureau of Investigation. "Bakit?"

Ngumiti si Papa Jordan, nakatitig lamang sa parte ng dingding na kinaroroonan ng mga nalaman nito patungkol sa iniimbestigahan. "I'm very interested in this case. Sumuko na ang iba na resolbahin ito dahil hindi na naman uli pumatay ang serial killer na ito. Sinabi ng iba na baka patay na ang killer na ito pero hindi dahil tumahimik na siya ay tapos na ang lahat. Kailangan ko pa ring mabigyan ng hustisya ang lahat ng mga naging biktima."

Tumango-tango siya. "The Destroyer," banggit ni Ethan sa nakasulat sa itaas na parte ng mga notes na iyon.

"Ang unang pangalan na itinawag ng publiko sa serial killer na 'yan ay 'The Chop-Chop Monster'. Iyon ay dahil lahat ng biktima niya ay nakitang putol-putol ang katawan habang nakasilid sa mga black garbage bags."

Pinagmasdan ni Ethan ang mga larawang nasa dingding at nakita doon ang mga biktimang hiwa-hiwalay nga ang bawat parte ng katawan. Napailing siya. The one who did this brutality was indeed a monster.

"Sa kahuli-hulihan niyang biktima, may nakitang signature mula sa killer," pagpapatuloy ni Papa Jordan. "The word 'Destroyer' was seen written on the floor using his last victim's blood." Ipinakita pa ng ama ang tinutukoy sa isang larawang kuha sa crime scene. "Tatlong taon na mula nang huli siyang pumatay."

"Maybe that was his last kill," ani Ethan. "Kaya nilagyan niya na ng signature."

"Sana nga. Hindi ko na gustong madagdagan ang mga biktima."

Tiningnan ni Ethan ang ama. Nasa mukha na nito ang pagod. "Take some rest, Papa. Hindi maganda ang masyadong magpakasubsob sa trabaho."

Ngumiti ang ama at tinapik-tapik ang kanyang balikat. "Sige na, magpahinga ka na rin. Mayamaya ay susunod na ako."

Wala na namang nagawa si Ethan kundi ang tumango at magpaalam na. Malapit na siya sa pinto nang muling tawagin ng ama. Nilingon niya ito.

"I'm glad you're here with us for Christmas, son," wika ni Papa Jordan. "Alam kong hindi madaling makakuha ng bakasyon sa inyo."

Ngumiti siya. "Everything for my family." Iyon lang at sumaludo pa siya sa ama bago itinuloy ang paglabas ng library...

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon