Jemimah Remington
INILAPAG ni Jemimah sa working desk ni Samuel de Villa ang search warrant na dala. Naroroon sila ng team nila sa clinic nito dahil sa nakuhang impormasyon tungkol sa kakambal ni Lily na si Jasmine Cruz.
Totoo ngang may Jasmine Cruz na kakambal si Lily, nakalagay iyon sa mga records sa ilang ahensya sa gobyerno. Nakita nila sa records ang address ni Jasmine sa Greenhills. Mayroon na rin itong police record dahil sa isang car accident. Nakita rin nila sa police record na iyon na na-admit sa isang ospital si Jasmine dahil sa aksidente. Pinuntahan nila ang ospital na 'yon at nabanggit nga ng tuminging doctor dito na nirekomenda nito si Jasmine sa isang psychiatrist. Iyon nga ay si Samuel de Villa.
Sandali lang sumulyap si Samuel sa search warrant bago tumingin sa kanya. "Ano'ng kailangan niyo?" tanong nito.
Kumunot ang noo ni Jemimah. There was something wrong with the man now. Parang may napakalaking problema itong dinadala. Halatang ilang araw na rin itong hindi nakakapag-shave dahil sa mga stubbles sa ibabang parte ng mukha.
Ipinakita ni Jemimah kay Samuel ang larawan ni Jasmine Cruz na nakuha sa police records. "Kilala mo ba ang babaeng ito? Jasmine Cruz ang pangalan niya at alam naming may nag-rekomenda sa kanyang magpatingin sa'yo. Nandito kami para hanapin ang mga records niya sa'yo."
Ilang sandaling nakatitig lamang si Samuel sa larawan. "Matagal na ang huling session niya dito. Ni Jasmine."
"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong naman ni Paul. "Nagpunta kami sa apartment niya sa Greenhills pero wala nang tao doon."
Nang magpunta ang team nila sa address ni Jasmine Cruz sa Greenhills, wala nang tao doon. Mukhang matagal nang nakaalis sa lugar ang babae. Pero nakita naman nila ang sasakyang pag-aari nito. At base sa ginawang pag-iimbestiga, may mga nakitang sample ng dugo sa sasakyang iyon. Ang mga dugong iyon ay nag-match sa DNA ng ilan sa mga biktima ng killer na si Heart. Sapat na ang ebidensyang iyon para masabing si Jasmine Cruz nga ang hinahanap nilang serial killer.
"Hindi ko alam kung nasaan siya," walang lakas na sagot ni Samuel.
Napatingin sila kay Mitchel nang marinig ang mahinang pagmumura nito. "Itatago mo pa rin ba siya hanggang ngayon, Mr. De Villa?" tanong nito. "You're hiding a criminal, a serial killer. Papatay uli siya kapag hinayaang makatakas."
Seryosong tumingin si Samuel kay Mitchel. "Hindi niyo ba naintindihan ang sinabi ko?" may galit na ang tinig ng lalaki. "Hindi ko alam kung nasaan siya. Oo, kilala ko si Jasmine. Kilala ko si Heart. Kilala ko silang dalawa. Pinagtaguan niya rin ako kahit na sinabi kong tutulungan ko siya."
"Silang dalawa?" ulit ni Mitchel. Umismid ito. "D.I.D."
Lahat sila ay natuon na ang pansin sa dalawa, nagtataka.
Napahawak sa ulo si Samuel, tila ba pagod na pagod. "Yes. Jasmine Cruz was my patient. May Dissociative Identity Disorder siya. Puwede niyong tawaging Multiple Personality Disorder o Split Personality. These cases... most of them were caused by extreme trauma. Madalas na dahilan ay violence. These people were violated in the past kaya gumagawa sila ng bagong personalidad para maalis ang stress, ang sakit ng kanilang nakaraan."
"At itong si Heart," ani Mitchel. "Isa siyang personality, tama ba?"
Marahang tumango si Samuel. "Si Jasmine ang orihinal na may-ari ng katawang iyon. Siya ang tunay kong pasyente. Base sa mga naging kuwento niya kaya nalaman kong may ganoon siyang sakit. Madalas daw siyang nawawalan ng malay at nagigising na nasa ibang lugar pero wala siyang maalala. Minsan ay napapahamak siya nang hindi niya alam kung bakit. Hindi ko pa nakikilala si Heart hanggang sa araw na makatanggap ako ng tawag mula kay Jasmine, nanghihingi ng tulong. Hindi ko alam na gumagawa siya ng krimen. I didn't know until you came for me." Isinubsob na ng lalaki ang mukha sa dalawang kamay.
Nakatitig lamang sila kay Samuel, kitang-kita dito ang paghihirap. Hindi inaasahan ni Jemimah na ang serial killer na hinahanap nila ay may dalawang personalidad. One personality was a monster, the other was innocent.
Tumingin sa kanila si Samuel, may kaseryusohan na sa mga mata. "Pero hindi ko naman siya masisisi. Kulang ang katatagan ng emosyon ni Jasmine. May mga conflict sa isipan na hindi pa nareresolba, mga nakaraang hindi pa nabibitawan. Iyon ang dahilan kaya nakagagawa ng kasamaan ang isa niyang personalidad. Jasmine had a terrible past. Walang gumabay sa kanya kaya walang stability ang kanyang utak. There are some emotions that she didn't know. Si Jasmine ang personalidad na puno ng takot, ng sakit, ng kahinaan. Heart is a part of Jasmine. Siya ang nagdadala ng lahat ng galit ni Jasmine, kaya iyon lang ang emosyon na kilala niya. Wala siyang konsensiya at hindi mapigilan ang sarili."
"Wala ka bang ginawa para matulungan siya noon?" tanong ni Jemimah. "Ikaw ang psychiatrist niya, 'di ba?"
"Sinabi ko nga sa inyo, bago ko lang nakilala si Heart," sagot ni Samuel. "Hindi tinatanggap ni Jasmine na may disorder siyang ganoon kaya ayaw niyang tumanggap ng hypnosis o therapy. Hindi ko siya mapipilit."
"Pero nang makilala mo si Heart, hindi mo pa rin sinubukang tulungan siya?" tanong naman ni Ethan.
Nagyuko ng ulo si Samuel, hindi sumagot.
Lumapit si Mitchel sa desk ng lalaki. "Are you in love with her, Mr. De Villa? With your patient?"
Nagulat si Jemimah sa tanong ni Mitchel. Pero nang tingnan si Samuel ay nakakuyom na ang mga kamao nito.
"Kanino?" pagpapatuloy ni Mitchel. "Kay Jasmine? O kay Heart?"
Nag-igting ang mga bagang ni Samuel. "Inaamin kong matagal na akong attracted kay Jasmine, simula pa nang una ko siyang makilala. She's very beautiful, so innocent. Pero ni minsan ay hindi niya ako tiningnan ng higit pa sa pagiging isang doktor." Ilang sandaling huminto ang lalaki. "Heart is very different. She's a temptress. Hindi madaling humindi sa isang tulad niya."
"Kaya siya ang pagbibigyan mo, tama ba?" tanong ni Mitchel. "Siya ang pipiliin mo."
Hindi sumagot si Samuel.
Tiningnan ni Jemimah si Mitchel. "Mapapagaling pa ba siya kung sakali?" tanong niya.
"Oo," sagot ni Mitchel. "Pero kailangang mamili. Isa sa personalidad na 'yon ang kailangang mamatay, para patuloy na mabuhay ang isa bilang normal na tao."
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Nabasag lang iyon nang muling magsalita si Samuel.
"Hanapin niyo siya, please," pagmamakaawa nito. "H-hindi ko alam kung sino na siya ngayon. These two personalities must have been fighting by now. Sa lahat ng nangyayari ngayon, natatakot ako na kapag muling lumabas si Jasmine at malaman ang lahat ng ito... baka... baka tapusin niya na ang sariling buhay. She's... suicidal. Tulungan niyo siya. Hanapin niyo siya."
"Gagawin namin ang lahat para mahanap siya, Mr. De Villa," ani Jemimah. "May mga kailangan pa rin siyang pagbayaran."
Tumingin sa kanya si Samuel, may kalamigan na sa mga mata nito. "Huwag niyo siyang husgahan ng ganoon kadali. She wouldn't have that terrible monster part in her if not because of her terrible past, of the terrible people who had ruin her everything."
Nakatitig lamang si Jemimah sa lalaki sa loob ng mahabang sandali. Siguradong may alam ito sa nakaraan ni Jasmine Cruz o ni Heart. Pero alam niyang hindi iyon sasabihin ni Samuel. It was still a private matter. At kung may makakapagsabi man niyon sa kanila, walang iba iyon kundi si Jasmine mismo.
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts
Gizem / Gerilim*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang p...