Chapter 55

1.5K 52 1
                                    

Ethan Maxwell

HINDI maalis-alis ni Ethan ang tingin sa magandang mukha ng natutulog na asawang si Jemimah. Pasado alas-sais na ng umaga pero hindi pa rin siya nakakatulog. Inubos niya lang ang oras sa pagmamasid sa asawa.

Kitang-kita sa mukha ni Jemimah ang matinding pagod. Bahagyang nakaawang pa ang bibig nito. Nakapulupot ang isang kamay sa kanyang katawan habang nakaunan sa kanyang braso.

Hindi nakontrol ni Ethan ang sarili. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pagnanasa, pagkasabik na maangkin ang isang babae. Or maybe it had been a long time since he took a woman. No. Siguradong malaki ang naging parte ni Jemimah. She was just too beautiful, too hot. Kaya maga-alas-tres na ng madaling araw nang hayaan niyang matulog ang asawa ng maayos.

Pinaglandas ni Ethan ang isang kamay sa mahabang buhok ni Jemimah, pababa sa makinis na likod nito. Alam niyang nasaktan ito, lalo na nang unang beses na angkinin. She was a virgin. And his heart was rejoicing too much because of that. Siya na lang ang makakaangkin sa magandang katawan nito. Wala nang iba.

Higit na bumaba ang haplos ni Ethan sa pang-upo ng asawa, marahang minasahe ang parteng iyon. Napaungol siya nang maramdaman ang paglalandas ng kamay ni Jemimah sa kanyang hubad na katawan.

He was so hard already. Pero hindi puwede. Kailangan niya munang pagpahingahin si Jemimah.

Iminulat ni Jemimah ang mga mata, hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Ethan..." malambing na sambit nito.

Humugot ng malalim na hininga si Ethan para kontrolin ang sarili. "Pasensiya na kung nagising kita. Gusto mo na bang kumain ng agahan? Magpapa-deliver ako."

Tumango si Jemimah, nakatitig lang sa kanya.

Maingat na bumangon si Ethan para lumapit sa telepono at magpadeliver ng breakfast. Ilang minuto lang naman ay dumating na iyon.

Pagkatapos maihanda sa mesa ang mga pagkain, bumalik siya sa kama kung saan nakahiga pa rin ang asawa. Sandaling pinasadahan ni Ethan ng tingin ang hubad na katawan ni Jemimah. He could see bite marks on her body and it was from him.

Pinangko ni Ethan ang asawa para dalhin sa table na kinalalagyan ng agahan. Kahit apat ang upuang naroroon, mas pinili niyang paupuin ang asawa sa kandungan.

Hinaplos-haplos ni Jemimah ang buhok niya. "N-natulog ka ba?" tanong nito.

Dinampian niya ng halik ang makinis na balikat ng asawa. "I like watching you," Ethan rasped. His manhood was already pulsating. At siguradong nararamdaman iyon ni Jemimah dahil nakalapat sa parteng tagiliran.

Kinagat ni Jemimah ang pang-ibabang labi. Hindi rin napalampas ni Ethan ang pagsulyap ng asawa sa kanyang pagkalalaki.

Iniiwas ni Jemimah ang tingin at itinuon ang atensyon sa pagkain. Sinusubuan din siya nito. "Naalala ko nga pala... n-napansin mo bang hindi pumunta si Paul sa kasal natin?" may bumahid ng kalungkutan sa boses nito.

Ipinulupot ni Ethan ang mga braso sa baywang ng asawa. Hindi niya gustong nalulungkot ito, lalo na at tungkol sa ibang lalaki. "Hayaan na natin siya. Desisyon niya 'yon."

Lumabi si Jemimah. "Galit ka ba sa kanya?"

"Hindi ako galit sa kanya. Hindi ko lang talaga siya makakasundo. Imposible nang mangyari 'yon." Hindi gustong ipagpilitan ni Ethan ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya. Naiinggit si Paul sa kanya, alam niya 'yon. Wala naman siyang magagawa kundi tanggapin iyon.

Tumango-tango si Jemimah. "Ipagdarasal ko na lang na maintindihan niya tayo. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko." Inabot ng asawa ang isa niyang kamay para pagsiklupin ang mga palad nila. "Hindi na magbabago 'yon."

Ibinaba ni Ethan ang tingin sa mga kamay nila ng asawa – ang mga kamay kung saan naroroon ang kanilang wedding bonds. Inilipat niya ang tingin sa mukha ni Jemimah. Mahabang sandaling nakatitig lamang sila sa mga mata ng isa't isa.

Dinampian ni Jemimah ng mabilis na halik ang kanyang mga labi. Ngumiti ito. "I love you," puno ng pag-ibig na wika ng asawa.

Ngumiti si Ethan, hinaplos ang pisngi ni Jemimah. "Gusto mo bang mag-tour dito sa Ilocos?" tanong niya. "Maganda ang lugar na 'to. Hindi ko lang naappreciate noong nag-stay ako dito matapos mawala ng pamilya ko."

Pinakatitigan siya ng asawa, may kalungkutan sa mga mata. "A-ayos lang ba talaga sa'yo na... na itigil na ang pag-iimbestiga sa pumatay sa kanila, Ethan?" nag-aalangang tanong ni Jemimah.

Tumango lang si Ethan. He decided to let go of the past in order to have a future with Jemimah. Hindi niya pagsisisihan ang desisyong iyon. Ang priority niya na ngayon sa buhay ay ang asawa at ang pamilyang bubuuin nila. He would never ever let anyone to take this happiness away from him again.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon