Jemimah Remington
NAGTATAKANG tiningnan ni Jemimah ang bangkay na itinapon lamang sa isang tambakan ng basura sa Greenhills. Napapalibutan na ng police tape ang parteng iyon, marami ring mga tao ang nakikiusyoso hindi kalayuan.
"Sigurado bang biktima ng serial killer na hinahanap natin ang isang 'to?" narinig niyang tanong ni Paul habang tumutulong sa pagkuha ng mga possible evidences.
"Parehong nakabalot sa puting kumot at may makikita ring bakas ng pagkakatali ang mga kamay at paa ng biktima," wika ni Jemimah. "Pero walang bakas ng pagkakasakal sa leeg, hindi rin kinuha ang puso niya." Tumingin siya sa kinatatayuan ni Ethan. "Ano sa tingin mo, Ethan?"
"Lumabas na ang lugar na ito noon sa imbestigasyon natin," ani Ethan. "Kung hindi ako nagkakamali, malapit lang ito sa gas station na pinutahan noon ng pangalawang biktimang si Ly Madrigal dito sa Greenhills." Lumuhod ito sa tabi ng biktima. "This man must have had a heart attack. Hindi siguro iyon inaasahan ng killer kaya nagmamadali nang itinapon ang bangkay."
"Tama si Ethan," singit naman ni Mitchel. "Mukhang nagkamali na naman ang killer na ito. But I think her state of mind was wavering at this time. Noong unang beses siyang nagkamali, itinuloy niya pa rin ang nasimulang pattern ng pagpatay. Pero iba ngayon. She didn't even took this man's heart or strangled him."
"Ang tanging ebidensya lang natin na iisa ang pumatay sa biktimang ito at sa mga naunang biktima ay ang bakas ng pagkakatali sa kanyang mga kamay at paa," ani Jemimah. "Let's send this to Barbara para malaman natin kung pareho ang ginamit na mga panggapos."
"Too bad it rained last night," ani Paul. "Siguradong nabura na ang mga fingerprints na posibleng naiwan ng killer na iyon. Mapapadali na sana ang lahat."
Pinagmasdan ni Jemimah ang bangkay. Basang-basa na nga iyon kaya mahihirapan nang maka-retrieve ng fingerprints.
Iginala niya ang paningin sa paligid. "Ibig sabihin hindi lang kalayuan dito ang bahay ng killer na 'yon," aniya. "Hindi siya magpapakalayo-layo na itapon ang isang bangkay, lalo na at mukhang nagmamadali siya."
"Tiningnan ko na po kanina ang mga kalyeng madadaanan papunta rito pero walang CCTV's," sabi naman ni Douglas. "Magtatanong-tanong na lang po ako sa mga stores na nasa vicinity kung maaaring makuha ang footage ng CCTV nila."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Mitchel. "Madaragdagan na naman ang tinatrabaho ni Theia," pabulong na wika nito.
"Let's send the body to the lab," ani Ethan. "Habang hinihintay ang mga results, tayo na muna ang tumingin sa mga CCTV's na 'yon."
Tumango si Jemimah. Iyon din ang naisip niya. Ibinalik niya ang atensyon sa paghahanap ng mga ebidensya malapit sa bangkay.
Kumunot ang noo niya nang makakita ng isang pirasong papel sa loob ng puting kumot na pinagbalutan sa bangkay. It was a business card. But some parts were smudged because of the rain. Inilagay niya iyon sa loob ng sampling bag bago ipinakita sa mga kasama.
"Mukhang magkakaroon tayo ng panibagong lead," wika ni Jemimah. "Kung sakaling ang signature killer ngang si Heart ang gumawa ng krimeng ito, makakatulong ang business card na 'to. We just need to send this to forensics pare ma-retrieve ang mga naburang parte."
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts
Mystery / Thriller*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang p...