Chapter 12.2

1.5K 62 6
                                    

SANDALI lang na nagbatian sina Jemimah at ang Chief Medical Examiner na si Barbara Santiago bago sila dinala sa kinalalagyan ng bangkay nina Ray Marquez at Ly Madrigal. Nakatabi lamang sa kanya sina Ethan at Douglas.

"Well, wala akong gaanong masasabi sa mga bangkay na ito," iiling-iling na wika ni Barbara. Itinuro nito ang marka ng necktie sa leeg. "Suffocation ang cause of death. At base sa result ng forensics sa mga necktie, iyon nga ang ginamit na murder weapon. They were killed at the middle of sex. Their penis showed that it had an erection and was functioning at the time of their deaths. At pareho silang walang saplot sa katawan noong makita niyo."

Bumuntong-hininga si Jemimah. "Wala bang nakitang kahit na ano'ng fluids na maaring pagkunan ng DNA?" tanong niya.

Umiling si Barbara. "Nothing. Malinis ang dalawang bangkay ng kahit ano'ng DNA, fingerprints o kung ano pa. Talagang ginawa ng killer ang lahat para maalis ang mga ebidensya. Isa siguro siyang propesyonal o baka matagal niya nang pinlano ang pagpatay na 'to."

"So walang physical evidence na makukuha?" tanong ni Jemimah.

"I'm sorry," sagot ni Barbara. "Pero may napansin ako sa magkabilang wrist at ankle ng mga biktima. Parehong may marka ng pagkakatali. They must be tied on a bed or something like that. You know, bondage and stuffs. Uso 'yon ngayon lalo na pagdating sa sex."

Wala gaanong alam si Jemimah patungkol sa sexual stuffs, tanging ang mga naririnig at nababasa lamang. "Ano'ng ginamit na panali?"

"A cloth," ani Barbara. "Posibleng necktie din or scarfs."

"This killer," singit ni Ethan. "She must be very good at tying knots. Dahil kung hindi ay makakawala ang mga biktima niyang ito. At kahit gaano pa siya kahusay sa pagpatay, iba pa rin ang lakas ng lalaki."

"Iyon ang rason kung bakit itinatali niya ang mga biktimang ito," ani Jemimah. "It's not just a bondage for sex. It's a bondage for killing."

"At ang mga puso nga pala nila," mayamaya ay dagdag ni Barbara. "The killer used a sharp knife to stab their chests. Iyon din ang ginamit niya para buksan iyon at kunin ang puso sa loob. Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakuha sa mga puso nila at basta-basta na lang iyon. We cannot conclude na gawa ng mga organizations na nangunguha ng organs ang krimeng ito. I am sure that the hearts were damaged dahil hindi naman propesyonal ang kumuha niyon. Kaya imposibleng maipagbenta pa 'yon sa black market kung sakaling iyon ang balak ng killer."

Nagpasalamat si Jemimah kay Barbara nang matapos ito sa pagrereport. Nanlulumo siyang lumabas ng Examiner's Office. Wala kahit na isang ebidensya ang nakuha sa autopsy. Maging nang magpunta sila sa Forensic Office, sinabi sa kanila na walang nakuhang matibay na ebidensya mula sa residue ng lipstick na ginamit ng killer para ipangsulat sa signature nito.

"Magiging mahirap po uli ang kasong ito, tama ba?" narinig niyang tanong ni Douglas. "Katulad din ng kauna-unahan nating kaso, mukhang matalino rin ang killer na ito."

Nginitian ni Jemimah ang lalaki. "Pero katulad din noon, mahuhuli rin natin ang killer na 'to."

Tumango-tango naman si Douglas, mukhang nabuhayan ng loob. "Sabihin niyo lang po sa akin kung may maitutulong pa ako."

"Huwag kayong mag-alala," wika naman ni Ethan. "Kahit sobrang maingat ng isang killer, magkakamali pa rin siya."

Tumingin si Jemimah sa nobyo. Masaya siya na nakikihalubilo na ito sa ibang team members nila, madalas nang nakikipag-usap at nagbibigay ng sariling opinyon. Ethan was slowly changing or, rather, he was beginning to become his former self again.

Sinalubong ni Ethan ang tingin niya. "Pupuntahan ko si Theia para itanong ang mga pinaasikaso ko. Gusto mo bang sumama?"

Tumango siya bago sinulyapan si Douglas. "Isama na rin natin si Douglas."

Nagkibit-balikat si Ethan. "Bukas, puntahan naman natin ang bahay ng mga biktima. Kailangan nating malaman kung ano'ng pattern ng killer na 'to... kung mero'n man."

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon