Chapter 12.1

1.6K 57 2
                                    

Jemimah Remington

INILATAG ni Jemimah sa table na nasa harap nila ang mga larawang kuha sa dalawang crime scenes ng mga biktima ng signature killer na hinahanap. Naroroon ang pangkabuuang larawan ng crime scene, ang mga larawan ng biktima sa iba't ibang anggulo, ang mga larawan ng posibleng ebidensya at maging ang mga larawan ng mga lugar na nakapalibot sa crime scene.

"Dalawang biktima?" wika ni Lily na nakaupo sa couch. Naroroon sila sa penthouse ni Ethan ng mga oras na iyon. At talagang pinili ng babae na maupo sa tabi ni Ethan.

Hindi na naman pinag-ukulan ni Jemimah ng pansin ang bagay na iyon. Nagtitiwala siya kay Ethan. Kahit na ano'ng gawin ni Lily ay may kompiyansa si Jemimah na hindi nito maaagaw ang tingin ng nobyo.

"Yes. May mas nauna pang biktima ang killer na 'yan," sagot ni Jemimah. Isa-isa niyang ibinigay sa mga miyembro ang folders na naglalaman ng profiles ng mga biktima. "Ang unang biktima na nakitang palutang-lutang sa Pasig River ay si Ray Marquez. Mahigit isang linggo na siguro siyang patay kaya hindi kaagad nalaman ng mga pulis na humawak sa imbestigasyong iyon ang kanyang identity. Bloated na ang kanyang katawan, wala nang fingerprints na nakuha. Pero base sa DNA result na isinagawa ng SCIU sa bangkay, si Ray Marquez nga iyon."

"Wala man lang bang nag-report na nawawala siya?" tanong naman ni Paul. "Nakalagay dito na may asawa siya at dalawang anak."

"Wala," tugon ni Jemimah. "Pina-kontak ko na kay Douglas ang asawa ni Ray Marquez para magpunta sa headquarters for questioning."

"Kung gano'n, bakit hindi kaagad kinuha ng SCIU ang kasong 'yan?" singit ni Lily. "Ilang linggo pang pinatagal na hawak ng ibang police department."

Si Mitchel ang sumagot niyon. "As you know, hindi dahil murder case ay mapupunta na agad sa SCIU. SCIU is a special unit for special murder cases, those involving serial killers or crime groups." May inabot itong isang larawan sa mga nakakalat sa mesa para ipakita kay Lily. "At kung bakit hindi agad napansin ng SCIU na espesyal ang murder na ito? Here. Look at this photo." Iyon ay ang larawan ng bangkay ni Ray Marquez na nakabalot sa kumot. "Ang sign na nakasulat sa dulong bahagi ng puting kumot na 'yan, nabura na ng tubig. Lipstick lang ang ginamit na pansulat, 'di ba? Katulad ng lipstick na suot mo ngayon, Ms. Martinez."

Napahawak sa mga labi si Lily, nakatingin na ng masama kay Mitchel. "And what are you implying, Mr. Ramos? Dahil lang katulad ng kulay ng lipstick ko ang ginamit na pansulat ng killer na 'yan, pagsususpetsahan mo na agad ako?"

"Hindi ko sinabi 'yon," ani Mitchel bago sumandal sa couch at bumalik sa pagbabasa ng folder na hawak. "Masyado kang assuming."

Inirapan ni Lily ang lalaki bago ikinawit ang mga kamay sa braso ni Ethan. "Ikaw na lang kaya ang mag-explain, Ethan. Mas sanay ka naman sa ganito, 'di ba?" malambing na wika nito.

Mabilis na inalis ni Ethan ang braso sa pagkakahawak ng babae bago tumayo para lumipat ng couch na kinauupuan – sa tabi na ni Douglas.

"Continue," sabi sa kanya ni Ethan.

Tumikhim si Jemimah. Bigla siyang nakaramdam ng consciousness dahil nakatitig lamang sa kanya ang nobyo. Agad niyang kinalma ang sarili at itinuon ang lahat ng atensyon sa trabaho.

"Ray Marquez was thirty-four years old," pagpapatuloy niya. "Nagmamay-ari siya ng isang modeling agency pero hindi naman ganoon kakilala. Our second victim, si Ly Madrigal, was thirty years old. Isa siyang real-estate agent. May asawa rin at dalawang anak."

"Married men," usal ni Mitchel. "Pareho silang walang kahit ano'ng saplot sa katawan, nakabalot lang ng puting kumot. And they seemed to have an erection." Ilang sandali nitong pinakatitigan ang mga larawang naroroon. "Ang pulang lipstick na isinulat para sa signature ng killer na ito, isang ebidensya na posibleng babae ang gumawa ng krimen. The writing style is a little bit curvy and sophisticated. It was cleanly and gently written. Another evidence that our killer must be a woman."

"These men..." wika ni Ethan mayamaya. "They're cheaters. Iyon ang gustong mong sabihin, tama ba, Mitchel?"

Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Mitchel. "Posible. Malalaman natin kapag nakausap na ang mga asawa nila." Umiling-iling ito. "Heart. Bakit iyon ang naisip niyang ipangalan sa sarili? Because she has a heart fetish? Ginagawa niyang koleksiyon ang mga nawawalang puso ng mga biktimang ito?"

"Kailangan nating iinterrogate ang mga asawa nila bilang suspect," wika ni Paul. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang ini-report ng asawa ni Ray Maquez ang pagkawala nito ng mahigit isang linggo."

"Ang mga necktie na nakita sa leeg ng mga biktima ang posibleng ginamit na murder weapon," dugtong ni Jemimah. "Mamaya ay pupunta kami ni Douglas sa Examiner's Office para alamin kung may resulta na ang autopsy. Paul, Mitchel, kayo na ang bahalang kumausap sa pamilya ng mga biktima."

"Si Ethan? Wala bang pupuntahan si Ethan?" tanong naman ni Lily.

Tiningnan ni Jemimah ang babae. Sadya bang wala itong pakialam kahit na alam na magkarelasyon na sila ni Ethan? Lantaran pa rin nitong ipapakita ang pagkagusto sa lalaki?

Inilipat niya ang tingin kay Ethan. Sa pagkakaalam niya ay humingi ito ng tulong kay Theia patungkol sa mga CCTV na nasa vicinity ng crime scene. "Wala ka bang ibang aasikasuhin, Ethan?" tanong niya.

"Sasamahan ko na muna kayo sa Examiner's Office," sagot nito.

Hindi napigilan ni Jemimah ang mapangiti. Tumango na lang siya bago muling itinuon ang pansin sa folder na hawak.

"Sumama ka na lang sa amin, Lily," wika naman ni Mitchel. "Dapat makita mo rin kung paano nag-iinterview ng mga suspects. Para may magagawa ka rin."

Umirap lang naman si Lily pero hindi na nagsalita.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon