IPINARADA ni Ethan ang sasakyan sa gilid ng daan at bumalot ang pagtataka nang makita ang mga police cars, ambulance at fire trucks malapit sa bahay nila.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Ganoon na lamang ang kaba at takot na kanyang naramdaman nang makita ang mga pulis na nasa bahay nila. The whole place was busy and crowded. Naglabasan din doon ang ilang mga bombero, wala na naman siyang nakitang apoy, kaunting usok lamang.
Tumakbo si Ethan patungo doon, nagdarasal na sana ay walang nangyaring masama sa pamilya. Subalit bago pa makalapit sa pinto ay naharangan na siya ng isa sa mga pulis. Agad niyang nakilala ang lalaki dahil isa ito sa mga kaibigan ng kanyang Papa Jordan – si Senior Inspector Marco Pulo. "Ethan, it's best for you to stay here," anito, may pagkaawa sa mga mata.
"B-bakit?" marahas na tanong ni Ethan, medyo pumiyok pa. "A-ano'ng nangyari, Marco? Sunog ba? Nasaan ang pamilya ko?"
Humugot ng malalim na hininga si Marco bago iniyuko ang ulo. "I... I'm sorry, Ethan," puno ng kalungkutang wika nito. "W-wala na... s-sila."
"N-no..." nanghihinang usal ni Ethan. Pakiramdam niya ay may libu-libong kutsilyo ang tumarak sa kanyang puso nang sandaling iyon. "I-it's not a big fire. I-it's not—"
"It's murder," putol sa kanya ni Marco. "Patay na sila nang dumating kami rito."
Animo biglang nandilim ang kanyang paningin. Murder? No, it was not possible. Sino naman ang— Natigil siya sa pag-iisip nang makita ang paglabas ng mga lalaking may dala-dalang itim na garbage bags. Flashes of the serial murder case his father was working on came into his mind.
"No!" malakas na sigaw ni Ethan. Tumakbo siya patungo sa mga lalaking may hawak ng garbage bags sa kabila ng pagpigil ng mga pulis na naroroon. "No... please... no... h-hindi..."
Inagaw niya ang isang garbage bag at nagbukas iyon. Mabilis ding nabitawan ni Ethan ang garbage bag nang bumungad ang putol na ulo ng kanyang ama. Pabagsak siyang napaupo sa sahig, nangangatal ang buong katawan, hindi mag-proseso ng utak. Gusto niyang masuka dahil sa imaheng nakita – sa putol na ulo ng pinakamamahal na ama. His whole world seemed to swirl and his body turned like a stone. Sa loob ng mahabang sandali ay nakatulala lamang siya doon bago tuluyang bumigay ang emosyon.
Malakas na napaiyak si Ethan at galit na galit na nagsisigaw. "No! No! Hindi puwede!" Nilapitan siya ni Marco. Kinuwelyuhan niya ang lalaki, siguradong kakikitaan ng poot at sakit ang kanyang mga mata. "Hindi ito totoo! Sabihin mo sa aking hindi 'to totoo... hindi... m-my father... si Mama... b-bakit? B-bakit sila?"
"Ethan..." Hinawakan ni Marco ang kanyang balikat. "Hindi ko... hindi ko alam..." may mga luha na rin sa mukha nito.
Marahas niyang ini-iling ang ulo, hindi pa rin matanggap ang lahat. Inalis niya ang kamay ng lalaki sa balikat at pinilit na tumayo. Humakbang siya papasok sa loob ng bahay. "Si... si Anna... h-hindi pa siya patay..." tila nababaliw na wika niya. "H-hindi siya puwedeng—"
Napatigil si Ethan sa paghakbang nang pigilan siya muli ni Marco mula sa likod. "We found three bodies, Ethan... h-hindi ko na gustong m-makita mo pa sila..."
His whole body turned numb. His mind stopped functioning. His heart shattered into pieces. Ang tanging nararamdaman na lamang ni Ethan ay ang mga luhang walang tigil sa pag-alpas mula sa kanyang mga mata.
This must be a dream... a nightmare. Hindi maaaring mangyari ito. Hindi siya maaaring iwan ng pamilya... magsasama-sama pa sila sa darating na Pasko... Hindi puwede...
Please, God. Please, let this be a nightmare. Please wake me up... Please...
BINABASA MO ANG
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts
Misterio / Suspenso*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang p...