Chapter 33

1.5K 53 7
                                    

Jemimah Remington

NAPATIGIL si Jemimah sa paghakbang papasok ng SCIU Headquarters nang makita si Lily na nakatayo hindi kalayuan sa entrance. Kagagaling niya lang sa isang coffee shop para bumili ng maiinom nila habang hindi pa nagsisimula ang muling pag-interoga kay Serene Ramos.

"Lily," tawag niya sa babae. Nakasuot lamang si Lily ng jeans at puting blouse. "Ilang araw ka ring hindi pumasok dito. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Sinulyapan ni Lily ang hawak niyang pinamiling kape. "Oo," sagot nito. "May importanteng trabaho rin akong ginawa sa Internal Affairs. Papasok ka na ba sa loob? May kailangan pa bang gawin ang team?"

Tumango si Jemimah. "Kailangan nating iinterrogate ang suspect sa serial killing na iniimbestigahan natin."

"Nahuli niyo na siya? Si Heart?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lily.

"Oo. Let's go inside," aya niya. "Hindi lang kita naibili ng kape."

"It's fine," tugon ni Lily. "Hindi rin naman ako mahilig mag-kape." Ngumiti pa ang dalaga.

Kumunot ang noo ni Jemimah. Bigla siyang nanibago sa babae. Lily was a little bitchy every time she talks to her back then. Dati-rati, nararamdaman niya na hindi siya gusto ni Lily. Walang maramdamang ganoon ngayon si Jemimah. Ano kaya ang naging sakit ng babaeng ito noong mga araw na hindi pumasok?

"Should we go in?" tanong pa ni Lily, may mahihimigang pagkasabik sa tinig.

Sandaling pinakatitigan ni Jemimah ang babae bago tumango. Nakasunod lamang sa kanya ang babae hanggang sa makarating sa loob ng opisina ng kanilang team. Sina Mitchel at Ethan lang ang nandoon.

"Lily," bati ni Mitchel sa babae. "Akala ko hindi ka na babalik."

Sandaling iginala ni Lily ang tingin sa paligid. "Kayo lang ang nandito?" tanong pa nito nang makaupo.

"Si Douglas, sinamahan muna ang girlfriend niya," sagot ni Mitchel. "Si Paul naman, may importanteng aasikasuhing kaso."

Tumango-tango si Lily. "Isasara niyo na ba ang imbestigasyong ito ngayong nahuli na ang kriminal?"

Nakamasid pa rin si Jemimah kay Lily, medyo malikot ang mga mata nito na tila ba may hinahanap na kung ano. Inalis niya na lamang iyon sa isipan at tumingin kay Ethan, seryoso lamang ito. Alam niyang pare-pareho sila ng iniisip patungkol sa tanong ni Lily. "Hindi pa sigurado kung siya nga talaga ang serial killer na si Heart," aniya. "This is just too easy."

Kumunot ang noo ni Lily. "Kailangan pa bang maging mahirap ang paghuli sa isang kriminal?"

"Hindi naman sa gano'n." Si Mitchel ang sumagot niyon. "May ebidensya tayo na si Serene Ramos nga ang pumatay kay Crisostomo Aguilar. Pero hindi iyon sapat para siya na rin ang iturong pumatay sa iba pang mga biktima ng signature killer na si Heart."

"Pareho ang pagkakapatay kay Crisostomo at maging sa ibang mga naunang biktima," wika naman ni Ethan. "Except from lots of mistakes. Katulad na lang ng pag-iwan sa puso ni Crisostomo at iba pa. Yes, posibleng nagmadali siya pero hindi pa rin ako naniniwala na ganito kapabaya ang serial killer na hinahanap natin. Crisostomo's killing might be a copycat."

Iyon din ang naisip ni Jemimah. "Kahapon noong ininteroga natin si Serene, isa lang ang tinutukoy niya sa mga sinasabi niya. Isang tao lang."

"Kung gano'n, hindi pa maisasara ang kasong ito?" muling tanong ni Lily.

Tiningnan ni Mitchel ang babae. "Bakit parang nagmamadali kang isara ang kasong ito, Lily? Hindi mo na ba talaga gustong makakita ng mga bangkay?" biro nito.

[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon