"AY-AYATEN ka, Veronica!"
Napahinto si Veronica sa paggagapas nang marinig ang mga salitang iyon. Lumingon siya at hinanap ang nagpahayag sa kanya ng damdamin. Ganoon na lang ang kabog ng kanyang dibdib nang makita kung sino iyon.
Si Miguel Salvador, isa sa pinakamayamang hacendero sa rehiyon ng Ilocos. Ang lalaking pinapangarap ng lahat ng kababaihan. Bakit naman hindi? Bukod sa binata, taglay nito ang makisig na pangangatawan, guwapong mukha, at ngiting kahit mga tanim na tubo ay mapayuyukod.
Pinamulahanan ng mga pisngi si Veronica nang makita ang ngiti ni Miguel na para lang sa kanya. Ang ngiting kayang pawiin ang pagod na nararamdaman mula sa nakahahapong pagtatrabaho sa bukid. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang bulungan ng mga babae sa paligid. Matagal na siyang nililigawan ni Miguel. At kung gaano katagal iyon, ganoon na rin katagal siyang nakaririnig ng mga pagtuya mula sa ibang babae na nagtatrabaho rin sa hacienda.
Hindi raw siya nababagay sa isang kagaya ni Miguel. Nangangarap lang daw siya nang gising kung iisipin na tunay ang pagmamahal sa kanya ng binata. Hindi pinapansin ni Veronica ang mga iyon. Hindi niya ipinilit ang sarili kay Miguel kahit noon pa man. Pero sadyang mapilit ito na mapaibig siya.
Bahagya siyang kumaway kay Miguel at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Pero ilang saglit pa, lumapit na ito sa kanya. Naka-long sleeves ang lalaki na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. He was wearing his usual denim tight pants that molded his thighs and legs like second skin and his signature cowboy boots and Stetson hat. His musk scent tickled her nose.
"Hindi ba sinabi ko sa iyong hindi mo na kailangang magtrabaho pa sa bukid? Ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan ko na hinahayaan kitang mahirapan?" wika ni Miguel na nakatitig sa kanya—puno ng paghanga at pagmamahal.
"Alam mong hindi ako papayag sa gano'n, Miguel. Ayokong may masabi sila tungkol sa akin. Kaya kong magtrabaho at pakainin ang sarili ko na hindi kailangang umasa sa iba."
Hinawi ni Miguel ang mga naligaw na buhok sa kanyang mukha at hinawakan ang kanyang pisngi. "Sinlawak ng Ilocos ang pride mo, Veronica."
Ngumiti si Veronica. "Iyon lang ang mayroon ako na maipagmamalaki ko, Miguel. Mahirap lang ako at kung mawawalan pa ako ng dignidad, isang malaking dagok na 'yon sa pagkatao ko."
Sinuklian ni Miguel ng isang nakakaunawang ngiti ang sinabi niya. "Higit kitang minamahal dahil doon. Libo mang babae ang dumaan sa akin, ngunit ikaw... Ikaw lang ang nasumpungan kong mahusay sa lahat."
Napangiti si Veronica sa mga sinabi ni Miguel. Kailanman ay hindi ito pumapalya sa pagbibigay sa kanya ng mga papuri. "Tama na nga muna ang mabubulaklak mong pananalita. Nagtatrabaho pa ako at baka mapagalitan pa ako ng aking amo."
Isang nakabibighaning ngiti ang itinugon ni Miguel at marahang dinama ang pisngi ni Veronica. "Maaari bang humiling ang amo ng halik sa 'yo, mahal ko?"
Agad na namula ang magkabila niyang pisngi. "Hindi ba makakapaghintay 'yan hanggang mamaya sa ating tipanan? Saka nakikita mo bang sa atin sila nakamasid?"
"Ikinahihiya mo ba ako?"
"Hindi! Pero—"
Tinawid ni Miguel ang distansiya sa pagitan nila at masuyo siyang hinalikan sa mga labi sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Saglit lang pero punong-puno ng pag-ibig ang halik na iyon. Sapat na upang mapawi ang pagod na nararamdaman ni Veronica mula sa kanina pang pagtatrabaho at mabigyan siya ng panibagong sigla at lakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/211991305-288-k474005.jpg)
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...