NAGMAMADALING bumaba ng sasakyan si Elleana at tuloy-tuloy na pumasok hanggang makarating sa silid ng kanyang ama. Hindi miminsang ginawa iyon ng daddy niya. Alam niyang hindi naman talaga emergency. Palagi na ay gusto lang nito na umuwi siya nang maaga. Isang bagay na ipinagsisintir ni Elleana dahil hindi na siya disisais anyos para magkaroon pa ng curfew. Pero sa kabilang banda, naiintindihan niya ang ama. Nag-iisa lang siyang anak at dadalawa na lang sila sa mundo.
Pagpasok sa silid ng ama, kagyat din siyang napahinto. Bumungad sa kanya ang Uncle Louie niya, not by blood but through her Dad's longtime friendship; not to mention he was the family doctor. Nakatayo ito sa tabi ng kama ng daddy niya at may hawak na tila chart. Dumadagundong ang dibdib na binawi niya lahat ng nasabi tungkol sa emergency call ng ama.
"Dad?"
Marahang iminulat ni Don Artemio ang mga mata at pilit na inaaninag ang nagsalita. Ngumiti ito nang makita si Elleana. "Elle, my princess. Halika rito."
Lumapit si Elleana sa higaan ng ama na isang lumang four-poster bed. She winced. Nasa Kensington sila at moderno ang mga bahay pero pinili ng ama na bumili ng ganoong uri ng kama na posible nang maging isang silid sa laki.
"Daddy, what's wrong?" Pinagmasdan niya ang ama. Mukhang hindi nga mabuti ang pakiramdam nito. He looked ashen, and his eyes were a bit sunken.
Lumapit si Uncle Louie at ito ang nagpaliwanag. "He collapsed, hija, and lost consciousness for a few minutes. It's enough to cause alarm but your dad was so stubborn. Ayaw magpadala sa ospital."
"Para saan pa ang mga machine na ipinabili mo sa akin, Louie, kung magpapadala rin lang ako sa ospital?"
Nanghihinang naibagsak ni Elleana ang mamahaling bag at napaupo sa gilid ng kama. Namumutlang nilingon niya ang doktor at sa nanginginig na boses ay nagtanong. "H-how's his condition, Uncle?" Hinawakan niya ang kamay ng ama at masuyo iyong hinaplos. "I thought you're doing fine, Dad?" Nilingon niya ang doktor at naghintay ng kasagutan mula rito.
Nagbuntong-hininga ang doktor. "Malalaman natin sa results ng tests. Pero I can say na stress and fatigue caused him to collapse. Kung may kinalaman sa puso ng daddy mo, malalaman natin bukas."
"W-what should we do?"
"Rest, de-stress. Kailangan muna niyang magpahinga nang matagal-tagal. Bawal muna siyang magtrabaho o gumawa ng kahit anong mabigat na gawain."
Tumaas ang isang kamay ni Don Artemio at sumenyas sa doktor na iwan muna silang mag-ama. Kaagad namang sumunod ang mga naroroon.
Hinawakan at pinisil ni Elleana ang kamay ng ama. "Are you all right, daddy?" A sob burst from her. That was a stupid question. Ngunit hindi siya makahanap ng tamang salita para sa ama at hindi sanay na makitang nasa higaan ito na para bang hapong-hapo.
Tumango ang daddy niya at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "Saan ka naman nanggaling at hindi mo sinasagot ang tawag ko? Lahat na yata kami rito ay tinawagan ka na," wika nito sa paos na tinig.
"Boujis, Dad. I told you about that, right?" sagot niya.
"Napakatagal naman yata ng meeting na 'yon."
Ikinumpas ni Elleana ang kamay. "Dad, it's Boujis." Isang kilalang bar iyon na puntahan ng mga socialite at kilalang personalities. Kaya bukod sa pag-uusap nila ng kanyang manager ay may kasama na iyong kasiyahan. "It's not like one of your offices. Hashtag boring," sabi niya na sinamahan pa ng pag-ikot ng mga mata.
Pagkatapos, ibinaling ni Elleana ang tingin sa kamay ng ama. Hindi niya gustong mahalata nito na nagsisinungaling siya. Dahil una lang ang Boujis sa mga bar na pinuntahan niya. She was crossing her fingers na sana ay hindi na magtanong pa ang ama para hindi nito malaman na sa bar na iyon siya sinundo ng mga bodyguard.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...