"LET'S go home."
Galing sila sa munisipyo at sinamahan ni Elleana si Felipe na mag-ayos ng ilang permits ng farm. Doon nakilala ng dalaga ang mayor ng bayan na si Ted na kababata rin ng kanyang ama. Natutuwa siya dahil hindi siya nito itinuring na iba. Hindi na rin nito pinalagpas na ikuwento ang love story nito at ng asawang si Leony.
Ilang linggo na ang nakalipas mula nang tangkaing kidnapin si Elleana ng ex-boyfriend. At sa mga panahon na iyon, pinatunayan niya kay Felipe na nararapat siyang manatili sa farm, kung hindi man sa kulay ng kanyang balat ngayon ay sa mga paltos sa kanyang mga kamay. She had a lot to prove. Sa kanyang sarili, sa ama, at kay Felipe. Hindi niya ipinapakita ngunit ganoon na lang ang tuwa sa kanyang puso tuwing makikitang tila wala sa sariling nakatingin lang ang binata sa kanya, pride in her mirrored in his eyes.
"Gano'n talaga si Mayor. Walang ere. Kaya ilang beses na 'yang nare-reelect dahil hindi siya naiiba sa pangkaraniwang Ilokano," paliwanag ni Felipe nang makabalik sila sa sasakyan at hindi nawala ang shock sa mukha ni Elleana nang matapos makipagtransaksyon sa alkalde.
Ilang oras na silang bumibiyahe nang mapansin ni Elleana na sa ibang lugar sila dumaan. Nilingon niya si Felipe. "Where are we going?"
"May dadaanan muna tayo bago umuwi."
Sinimulan nilang tahakin ang daan na hindi pamilyar kay Elleana. Ngunit habang palapit sila nang palapit, tila may mumunting alaala ang umuukilkil sa kanyang isip. Bumaba sila ng pickup at tinahak ang isang landas. Napasinghap siya nang matuklasan kung saan siya dinala ni Felipe.
"Naaalala mo pa ba ang lugar na 'to?"
Naglakad si Felipe palapit sa kinaroroonan ng puntod ni Doña Veronica. He slid his hands in his pockets. "Hello sa pinakamagandang babae sa buong Ilocos," sabi ni Felipe na akala mo ay buhay ang kausap.
"Why did you bring me here?" tanong ni Elleana.
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Ilang buwan ka na kasi rito at parang hindi mo nababanggit na gusto mo itong puntahan."
Kumurap si Elleana at tumingin sa puntod. "Do I have to?"
"Bakit naman hindi?"
Hindi kumibo si Elleana. Tinitigan lang niya nang matagal ang puntod. Hindi naman na mahalaga sa kanya kung pupuntahan ba niya o hindi ang puntod ng mummy niya. Wala naman iyong magagawa sa kanya. Mas nanaisin pa niyang manatili sa bahay-hacienda na punong-puno ng alaala ng mummy niya kaysa rito sa puntod na bato lang ang nakikita niya.
"Noong bata ako, lagi akong nagpupunta rito. Nadadaanan ko kasi itong lugar na ito kapag pauwi ako galing ng escuela."
"Are you the one who gave that?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang bungkos ng mga bulaklak.
Umiling si Felipe. "May secret admirer ang mummy mo," pabirong wika niya. "Hindi ko alam kung kanino nanggagaling ang mga bulaklak na 'yan. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit may regular na naglalagay ng bulaklak sa puntod."
"Let's go home," hindi na napigilan pang nasambit ni Elleana.
"Wala ka man lang bang sasabihin sa kanya?" tanong ni Felipe, malinaw sa tinig ang pagkabigla sa reaksiyon niya, o sa kawalan niyon.
Umiling si Elleana. "Alam kong special si Mummy sa iyo. Hindi mo pinalalagpas ang opportunity na magkuwento about her. But for me, she's Sleeping Beauty. At kahit sumigaw pa ako sa pinakamalakas na makakaya ko, hindi naman niya ako maririnig..." Her voice cracked. "I want to go home. I'd rather look at her photo albums than stare at a cold stone."
Nangingilid ang mga luhang tiningnan niya si Felipe, asking him to understand. Isang tango lang ang isinagot nito. Then he took her cold hand and enveloped it in the warmth of his, quietly offering strength habang naglalakad pabalik sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...