HUNI ng mga ibon ang gumising kay Elleana. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nilibot ng tingin ang kinaroroonan. Sa pagbangon, hindi niya napigil ang mapaungol. Her body was one big mass of aches, hindi sanay sa matigas na tabla ng mesa. Gingerly, tumayo siya at saka sumilip sa labas.
Umaga na? Gaano siya katagal natulog?
Kinuha ni Elleana ang bag at hinugot ang cell phone sa loob niyon. Alas-singko pa lang pala ng hapon. Marahil ay nakaidlip siya kanina kahihintay sa pagtigil ng ulan at dahil na rin siguro sa sobrang pagod.
Lumabas siya at hinanap si Felipe. Napahinto siya sa paghakbang pababa nang makitang maputik pa rin ang dadaanan niya. Tinanaw niya ang kaninang dinaanan nila. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang nakadapa sa lupa ang mga nakatanim na mais. Napasinghap siya nang matanaw ang pulang pickup na sinakyan nila kahapon. Napakalayo niyon at nakita niya si Felipe na inaayos iyon. Hindi siya makapaniwalang mahaba ang nilakad nila kahapon. Oh well, hindi nga pala siya naglakad.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Elleana nang maalala kung paano siya binuhat ni Felipe papunta sa kubo. Maging ang paglilinis nito sa kanyang mga paa ay talaga namang nagpahanga sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang tunog ng makina ng sasakyan. Agad niyang inayos ang sarili nang makitang palapit na ang pickup sa kinaroroonan niya.
Nang maitapat ang pickup sa kubol, bumaba si Felipe, naglakad sa maliit na landas at lumapit kay Elleana. Naudlot ang gagawin sana niyang pagbati sa lalaki nang makitang wala itong suot na pang-itaas. Oh, my, walang sinabi ang mga international male model sa magsasakang ito!
Naudlot na ang lahat ng puwedeng gumanang sistema sa katawan ni Elleana. Pati yata tibok ng kanyang puso ay nahinto na. Lihim niyang hinagod ng tingin ang katawan ni Felipe. His broad shoulders gleamed under the glare of the sun, chest that she touched earlier she could now see. At hindi nagsisinungaling ang kamay niya. Smooth, caramel toned, and hard-packed—his chest was beyond breathtaking.
Naglandas ang mga mata ni Elleana sa mumunting buhok na nasa pagitan ng dibdib ni Felipe pababa sa tiyan na tila walang katapusan. He had that V cut abs that any male model would envy. She gasped. Inawat na niya ang sarili at baka makapag-isip pa siya ng mga bagay na hindi maganda. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi.
"Aba, gising na pala ang prinsesa," bati ni Felipe sa kanya. "Maayos na ang sasakyan. Tara na. Baka gabihin pa tayo."
Nagulat pa si Elleana nang marinig ang tinig ni Felipe. "H-hi..." Get a grip, Elle! Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Ni hindi siya nagkaganoon kay Niccolo. Gathering her composure, kinuha niya ang bag at nagsimulang maglakad. Ngunit hindi niya magawang ihakbang ang mga paa pababa ng hagdan nang makita ang maputik na daan. Kaagad naman iyong napansin ni Felipe kaya walang sabi-sabing binuhat siya nito at dinala sa loob ng sasakyan.
"Oh, please," she moaned, and it had nothing to do with the muddy track and everything to do with the warm hard body she was currently plastered on. Yumuko siya upang itago ang mukha na alam niyang simpula na ng kamatis. Laking pasalamat na lang ni Elleana na hindi napansin ni Felipe ang nangyayari sa kanya dahil abala ito sa pagbalanse sa kanya sa malalim na putikan.
"Hindi ka puwedeng maging farmer. Nandidiri ka sa putik," sabi ni Felipe nang maibaba siya sa driver seat.
"What about those corns? Are those still useful after the rain?" tanong ni Elleana nang makapasok si Felipe sa sasakyan, grateful for the topic to keep her mind off the half-naked Felipe.
Hinubad ng binata ang suot na tsinelas at iniabot kay Elleana. "Isuot mo ito," sabi nito, saka sinagot ang tanong niya. "Wala nang mga mais d'yan. Mga pinag-anihan na lang ang mga 'yan. Marahil inani na ang mga iyon noong nakaraang linggo. Hindi na ako nahintay dahil siguro nga may parating na malakas na ulan."
"Oh," sambit ni Elleana at noon lang niya natitigan na walang bunga ang mga iyon. Maging ang mga tubo sa kabilang bahagi ay nakatumba na ang mga dahon. "'Ani' is harvest, right?" tanong niya para siguruhing tama ang pagkakaintindi sa sinabi ni Felipe.
Natatawang tumango ang lalaki. "Iyan ang simula ng 'yong pagiging farmer, sweetheart. Tandaan, ang mais ay corn at ang tubo ay sugarcane!"
"I know what those are! I can understand Filipino," sabi ni Elleana. "Except your Filipino words." Hinawakan niya ang magkabilang sentido. "I think my brain bleeds every time I hear you speak."
Natawa si Felipe sa kanyang sinabi. Itinuro nito ang sariling ilong. "Ilong ko naman ang nagdudugo kapag ikaw ang nagsasalita."
Pabiro siyang umirap. "Whatever."
MABABANAAG sa mukha ni Elleana ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang binabagtas nilang daan patungo sa mansiyon na sinasabi ni Felipe. Mula sa dinaanan nilang rough road patungo sa hacienda ay isang nakakarepreskong tanawin. Malawak na ektarya ng lupain na may mga tanim na mais at tubo na sa palagay niya ay mga nagsisitubo pa lang ang nakikita niya sa magkabilang gilid, set with the mountain in its background. Malayong-malayo iyon sa kinalakhan niyang lugar sa London na puro gusali at malalaking establisimyento ang makikita.
Natanaw ni Elleana ang isang arko at nakasulat doon ang kanyang pangalan. Hacienda Elleana. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kasiyahan nang makita iyon. Pakiramdam niya ay may isang bagay sa mundo na pag-aari niya. Nang malagpasan nila ang arko, inilabas niya ang ulo sa bintana at nilingon iyon. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang hinahayaang liparin ng hangin ang kanyang buhok.
I'm home.
Ipinarada ni Felipe ang sasakyan sa malawak na harapan ng bahay-hacienda. Bumaba ito, umikot sa driver seat, at pinagbuksan ng pinto si Elleana. Pagkababa, agad niyang napansin ang magandang hardin. Muli, tila may mumunting alaala sa kanyang isip ang gustong umahon nang makita ang mga halaman sa hardin. Napakurap siya na para bang nakikita ang isang batang kulot na namimitas ng mga bulaklak.
"Sa mama mo ang mga halamang 'yan," wika ni Felipe na nagpalingon sa kanya.
"They're beautiful," she whispered.
"Mahilig ka sa mga bulaklak."
Something clicked with that statement. Mabilis niyang nilingon si Felipe. Something about him seemed to be very familiar. Ibubuka na sana niya ang bibig ngunit bumukas ang pinto ng mansiyon at sumungaw si Inang May.
"Felipe! Bakit ngayon lang kayo nakarating? Aba, katakot-takot na ang panalangin ko mula pa kanina. Akala ko'y kung napa'no na kayo." Nag-aalalang sinalubong sila ni Inang May. "Magandang gabi po, Señorita Elleana."
"Good evening po," ganting bati ni Elleana.
"Tumirik ang sasakyan, Inang," pagkukuwento ni Felipe habang papasok sa mansiyon. "Inabutan pa kami ng malakas na ulan sa daan. Bakit ho ba kasi iyon ang dinala mo?"
"Pasensiya na at hindi ko rin naman inakalang babagsak na ang ulan." Lumapit si Inang May kay Elleana na kasalukuyang nililibot ng tingin ang kabuuan ng mansiyon. "Pasensiya na po, Señorita Elleana sa abala. Naku, natitiyak kong gutom na gutom ka."
Tiningnan ni Elleana si Inang May at hinawakan sa balikat. "It's okay, Aunt May."
Lumuwang ang pagkakangiti ng matanda. "Ay, napakagandang pakinggan ang Inang May! Hindi ba, Felipe?" Nagsalubong ang mga kilay nito nang makitang wala si Felipe sa sala. "Nasaan na ang batang 'yon?"
"Narito ako sa komedor, Inang!"
Hinawakan ni Inang May ang kamay ni Elleana. "Tayo na, Señorita. Nagluto ako ng hapunan."
![](https://img.wattpad.com/cover/211991305-288-k474005.jpg)
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...