"TINOLANG manok at ensaladang talong for you, Daddy," bungad ni Elleana sa ama pagpasok nito sa dining room.
"Good morning, princess. I'm impressed."
Lumuwang ang ngiti ni Elleana sa sinabi ng ama. Ngunit kagyat din siyang napalabi sa sunod na sinabi nito.
"Nagde-deliver pala ng ganito kaaga ang Kamayan." Don Artemio sat down, clearly unfazed. Ang tinutukoy nito ay ang isa sa mga kilalang Filipino restaurants sa Kensington.
"Oh, well. I tried, Daddy. Pero nakita lang ako ng cook na pumasok sa kitchen ay namutla na siya kaagad. So I just ordered in." She shrugged at naupo sa kabilang gilid ng ama. She might love everything Brit pero may espesyal na lugar sa kanyang puso ang mga pagkaing Pinoy. She loved her vegetables and her home country had got to have the best vegetable dishes in the world.
Nakakailang subo na ng dessert na leche flan si Elleana nang sinubukan niyang muling buksan ang naudlot na usapan kagabi. "Dad, about last night..."
"It was very arrogant on your part to even suggest such a thing, Elleana. Not to mention unfeeling. Alam mo kung gaano namin kamahal ng mummy ang farm sa Ilocos," seryosong wika ni Don Artemio na hindi tumingin sa kanya at sa halip ay ipinagpatuloy ang pagkain.
She bit her lower lip. "Sorry, Dad." Napapikit si Elleana. Nagbabaka-sakaling tulog pa rin siya at isa lang iyong panaginip. But the scalding black tea assured her of her current miserable reality. And it seemed that her dad was determined in making her ride the guilt train.
"Kung hindi naging maselan ang pagbubuntis ng mummy mo sa iyo ay hindi kami aalis, Elleana. Mahal na mahal namin ang lugar na iyon. At naniniwala akong iyon din ang mararamdaman mo kapag natira ka doon." Then her dad changed tactics. "That hacienda is the only inheritance you will get."
Naramdaman ni Elleana ang kaseryosuhan sa tinig ng ama.
She was stunned. The current sabotage aside, ngayon niya napatunayan ang husay ng amang makipag-negotiate. He must have been formidable in his younger days. "B-but, Dad..." Nauubusan na siya ng dahilan. Tila siya dagang sukol na sa sulok.
"Yes, Elleana. Tama ang narinig mo. Huwag mong hayaang anihin mo ang mga konsekwensiya ng mga ginagawa mo."
"This is unfair, Daddy," himutok niya sa ama.
"Life was never fair, Elleana. Tandaan mo 'yan. At sana tandaan mo rin na mahal na mahal ka ng mummy mo. She knows that a life in Ilocos is the best for you."
"How would she know that? She didn't see me grow up." Hindi napigilan ni Elleana na mabahiran ng kaunting pagtatampo ang tinig. Ipinagpapasalamat niya na hindi na nag-asawa ang kanyang daddy and had all his attention and love. Ngunit mas maraming pagkakataon, ninais niya na sana ay nagkaroon siya ng mummy.
Ngumiti si Don Syquia. "Well, I did. Seeing you now, your mom was right. Now, go pack your things and book a flight to Manila."
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...