"MARIA... I just met a girl named Maria... And suddenly that name will never be the same to me..."
Napahinto si Elleana sa paglalakad sa loob ng sariling silid marinig ang tinig ni Felipe na kumakanta na naman. She wrinkled her nose. Hindi dahil sa boses nito kundi sa pangalang binabanggit.
Maria? What's with her?
Dumungaw si Elleana mula sa terasa at nakita si Felipe na nagdidilig ng mga halaman. Nilingon siya ng lalaki. Kumaway ito. Sa halip na kumaway rin ay inirapan niya ito. Hinanap niya ang kanyang cell phone. Tatawagan niya si Niccolo para magpaalam na mamamasyal sa may ilog kung saan ay may talon din. Gustuhin man niyang makita ang mga iyon, ayaw niyang may masabi sa kanya si Felipe. Besides, with how things were, she would have all the time to visit those places.
Ngunit naalala ni Elleana na wala nga palang signal sa lugar na iyon. Paano ba nabubuhay ang mga tao rito na wala man lang cell phone o Internet? Kailangan pa niyang pumunta sa bayan para makahanap ng signal.
Hindi maintindihan ni Elleana kung seryoso ba talaga ang daddy niya sa pagpapapunta sa kanya rito. Paano magagawang pangasiwaan ng isang kagaya niya ang napakalawak na hacienda? Ano ang alam niya sa pagpapatakbo ng negosyo o ng hacienda mismo? Gusto niyang isipin na tinuturuan lang siya ng ama ng leksiyon. Tinungo niya ang dresser, dinampot ang brush at marahang sinuklay ang buhok.
Mayamaya pa, naririnig na naman niyang kumakanta si Felipe. Hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti na niyang kinaiinisan ang pangalang Maria! Bumaba siya at naabutan si Inang May na nag-aayos ng mga halaman. Hinanap niya si Felipe, ngunit wala na ito.
Naupo si Elleana sa bangko at sandaling pinagmasdan ang matanda na nag-aayos. Ilang sandali pa, hindi na siya nakatiis na magtanong, "Aunt May, sino si Maria Makiling?"
Inihinto ni Inang May ang pag-aayos sa mga paso at hinarap si Elleana. Mababanaag sa mukha nito ang pagtataka sa biglaang pagtatanong niya. "Isa siyang napakagandang babae, Señorita." Naupo ito sa bangkong kahoy kung saan nakaupo si Elleana. "Bakit mo naman naitanong?"
Elleana shrugged. "Wala, po." Dumako ang pansin niya sa grupo ng mga trabahador di-kalayuan sa mansiyon. Natanaw niya si Felipe na nagtatrabaho kasama ng iba pang trabahador. Halos magdadalawang buwan na rin siyang nasa Ilocos. Hindi niya namamalayang unti-unti na niyang nagugustuhan ang lugar na iyon. Lalo na kapag naiisip na bahagi ang kanyang mummy ng lugar na iyon.
Napakunot-noo si Elleana nang makita ang isang babaeng naglalakad di-kalayuan sa kanila. Mahaba ang itim at tuwid na tuwid nitong buhok. Nakasuot ang babae ng puting bestida at may bitbit na sa tingin niya ay basket. Palapit ito sa kinaroroonan ni Felipe.
"Who's that?" tanong niya kay Inang May.
"Ano ho, Señorita?"
"That woman. Sino siya?"
Tinanaw ni Inang May ang itinuturo ni Elleana. "Siya si Maria, Señorita. Kababata ni Felipe."
"K-kababata?"
"Kaibigan ni Felipe noong mga bata pa sila. Mabait na bata 'yang si Maria."
Pagkarinig niyon, agad na bumangon ang di-maipaliwanag na pagkislot ng puso ni Elleana. Napahawak siya sa dibdib at pilit na inaalis ang nararamdaman.
"So, that is the Maria he'd been talking and bragging about..." she murmured.
Nilingon siya ng matanda. "Ano ho?" Nang hindi siya kumibo ay muli itong nagsalita, "Ang nakakatuwa kay Maria, palagi niyang dinadalhan ng pagkain si Felipe kapag nandito. Napakamaalalahanin."
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...