CHAPTER TWENTY - NINE

63.6K 1.7K 334
                                    


IPINARADA ni Felipe ang owner jeep sa tapat ng mansiyon, pagkatapos ay bumaba. Luminga siya sa paligid at lumanghap ng hangin. Tumingala siya sa maulap na kalangitan.

Isang mahabang paghinga ang ginawa niya. "I miss my sun..." bulong niya na ang tinutukoy ay si Elleana.

Ilang araw na ang lumipas mula nang puntahan niya ito sa London. Hindi na nawaglit si Elleana sa kanyang isip. Ayaw naman niyang ipilit ang sarili sa dalaga. Nagbaka-sakali lang siya na kakausapin nito. Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon, hindi siya binigyan ni Elleana ng pagkakataon na magpaliwanag man lang. Sa isang iglap, pakiwari niya ay parang biglang nagkaroon ng kulang sa buhay niya. A day without Elleana was a gloomy day for him.

Isinilid ni Felipe ang susi sa bulsa at naglakad. Napahinto siya sa paghakbang sa hagdan nang may matanaw sa entrada ng mansiyon. Dumagundong ang kanyang puso sa nakita. Ang kaninang lumbay na nararamdaman ay napalitan ng sigla at kasiyahan.

Lumapad ang ngiti ni Felipe at nilapitan ang nakita. "Nagbalik si Manolo Blahnik!" Dumako rin ang tingin niya sa paso sa tabi ng sapatos. Dinampot niya ang paso at siyang-siyang pinagmasdan. "Aba, ang prinsesa, napatubo ang kalamansing ibinigay ko."

"Felipe, mabuti at narito ka na," si Inang May na agad lumabas nang marinig ang sasakyan niya.

"Inang May, nasaan si Elleana?"

"Nasa may puno. Puntahan mo."

"BAKA abutan ka na naman ng paglubog ng araw sa punong ito. At bakit mo niyayakap ang puno? Maligaya ka nang huli kitang makita. Wala kang dapat ikalungkot," seryosong wika ni Felipe habang lumalapit kay Elleana.

Nilingon siya ng dalaga. "Humihingi lang ako ng katapangan."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Plus, I'm starting to love it here."

"Congratulations. Napatubo mo ang kalamansi. 'Buti pinayagang isakay iyon sa eroplano."

Elleana smiled. "Iniwan ko iyon dito. Aunt May took care of it when I left." Lumapit siya kay Felipe. "Pero napatubo ko siya nang dalawang dangkal."

"Mahusay."

She smiled at him. "Nabasa ko ang diary ni Mummy. I'm sorry sa lahat ng sinabi ko."

He shrugged, unaffected. "Wala 'yon."

Nilingon niya si Felipe na nakatanaw sa malawak na bukirin. "Why did you propose to me, Felipe?"

He smiled. "Hindi lang ilang beses kong idinaan sa kanta ang nararamdaman ko sa iyo. Hindi effective." He chuckled. "O hindi lang ako talaga mahusay sa mga deklarasyon ng damdamin." Pagkasabi niyon, he stared at her with naked longing in his eyes. "Kay tagal kitang hinintay, Elleana." Hinawakan ni Felipe ang nakaukit na pangalan ni Elleana sa puno. "Ako 'yong 'some kid' na gumawa nito."

Napasinghap ang dalaga nang marinig iyon. Pinagmasdan nito nang may ngiti sa mga labi ang sariling pangalan na nakaukit sa puno.

"Nang umalis ang mama mo, itinanim ko ang punong ito. Sinabi ni Doña Veronica na babalik ka. Kasabay ng paglago at paglaki ng punong ito ay hinihintay kita. Bata pa ako noon kaya nasasabik akong bumalik ka para maging kalaro."

"Sabi mo hindi mo alam 'yong nasa testamento ni Mummy. What if you got married?"

Umiling si Felipe. "Wala akong alam sa laman ng testamento, Elleanna, pero nabasa ko ang diary ng mummy mo." He grinned, unapologetic.

"That's private!" sabi ni Elleana kasabay ng paghampas dito.

"Alam ko. I was curious." Felipe held her hand captive, hinaplos ang pagaling na mga paltos sa palad ng dalaga. He shrugged and smiled. Ang Miguel palang una na niyang nabasa sa diary ay ang kanyang tunay na ama. Napangiti siya sa kaisipang sila ang magtutuloy ng love story ni Doña Veronica at ni Miguel. "Semestral break ko noon kaya nakabakasyon ako rito. Nalimutang isara ni Inang May noon ang silid mo. Pumasok ako sa loob at nakita ko ang diary ng mama mo na nakapatong sa baul. Mula nang mabasa ko iyon, hinintay ko na ang pagbabalik mo, Elleana." Pagkatapos ay banayad niyang hinalikan ang palad ng dalaga, saka ito muling tiningnan. Nasa mga mata niya ang pinipigil na emosyon.

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon