HUSTONG nakarating sila sa kubo, muling bumuhos ang napakalakas na ulan. Parang isang malaking kahon ang kubo na may mga bintana at bubong na gawa sa pawid. Iyon ang pahingahan ng mga trabahador o manggagapas at magsasaka sa lugar na iyon. Doon sila malimit magkuwentuhan ng mga kapwa magsasaka sa panahon ng pag-aani ng mga mais at tubo. Ang tanging naroon sa loob ay isang mahabang mesa at bangko sa magkabilang gilid.
"Oh! My bag. Look!"
"Huwag mong sabihin na pati 'yan, eh, irereklamo mo?" agad na sambit ni Felipe.
"This is very expensive. This is Hermes Birkin! Now, it has mud all over it too."
He snorted. "Inaalala mo ang putik. Hindi mo ba alam kung ilang buwaya ang nasayang ang buhay dahil lang d'yan sa bag mo? Ang mayayaman nga naman. Wala nang pakialam sa buhay ng mga hayop at kalikasan basta matugunan lang ang luho."
Nilingon siya ni Elleana. "When I bought this, I never asked fo the history of this bag," sarkastiko nitong sagot kasabay ng pagpunas sa bag.
Pinanlakihan niya ng mga mata ang dalaga at iminuwestra sa mga palad ang sukat ng buwaya. "Ganito lang sila kaliit. Musmos na buwaya. Tatlong musmos na buwaya ang kailangang talupan para lang d'yan sa bag mo. Hindi ka ba naaawa? Wala silang kamuwang-muwang—"
"Talupan?" putol ni Elleana sa mga sinasabi niya.
Iminuwestra ni Felipe ang paraan ng pagbabalat sa buwaya. "Lagot ka sa PETA!"
Umikot ang mga mata ng dalaga na hindi naapektuhan sa sinabi niya. Muli itong naglabas ng mga tissue at mga paa naman nito ang nilinis.
Naiiling na pinagmasdan ni Felipe si Elleana na pinapahid ng tissue paper ang mga paang naputikan. Nagkalat na ang mga tissue sa lapag sa dami ng ginamit nito. Bawat tissue ay bahagya lang ang putik ngunit itinatapon na ni Elleana sa gilid nito.
Isa-isang dinampot ni Felipe ang tissue paper at pinagsama-sama. Bahagyang binasa iyon ng tubig-ulan, pagkatapos ay pinahiran ang mga paa ni Elleana. "Sayang ang mga tissue. Masama sa kapaligiran ang sobrang paggamit ng tissue," sabi niya. "Alam mo ba kung ano ang nagagawa sa kalikasan ng sobrang paggamit ng tissue?"
"I know, Mr. National Geographic slash know-it-all!" iritableng sagot ni Elleana at dumako ang pansin sa ginagawang paglilinis ni Felipe sa kanyang mga paa. Ang kaninang inis na nararamdaman ay kagyat na naglaho. Tila ba umurong ang kanyang dila at hindi na nagawang magsalita pa.
Nang matapos sa ginagawa, itinabi ni Felipe ang kumpol ng tissue paper sa gilid. Mula sa bulsa, hinugot niya ang panyo at itinapat iyon sa tumutulong tubig sa may bintana. Pinigaan iyon, pagkatapos ay ipinahid sa mga paa ni Elleana. Hindi siya tumigil ng kababasa at kapapahid sa mga paa nito hanggang sa wala nang natitira kahit katiting na bahid ng putik.
Nang matapos, ngumiti si Felipe at humarap kay Elleana. Bahagya niyang itinaas ang isang paa nito at tinitigan. "Napakaganda ng mga paa mo. Malambot. Walang mga ugat at kalyo." Pinisil niya iyon. "Parang talampakan ng sanggol."
Sa kabila ng lamig ng panahon, pakiramdam ni Elleana ay nilalagnat siya. At ang init ay nagmumula sa mga kamay ni Felipe na kasalukuyang hinahaplos ang talampakan niya. "T-thank you," sabi niya at inilayo ang mga paa sa kamay ni Felipe. Pakiramdam niya, mapapaso siya kung magtatagal pa ang pagkakahawak nito.
His gaze met hers, the whites of his eyes an arresting contrast to his deep brown pupils. She was cold from the rain, but his gaze was definitely warming her. Pakiramdam ni Elleana, nagkaroon ng instant chimney sa loob ng kubol. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi nang maalala ang paghalik sa kanya ni Felipe kanina. Hindi niya naitago ang ngiting sumilay sa mga labi sa pangyayaring iyon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Felipe na ngumiti si Elleana. Parang nahawi ang langit at sumikat ang araw nang masilayan niya ang ngiti ng dalaga. Tila nagbagong-anyo ito. Mula sa pagiging prinsesa ng unos ay naging Maria Makiling sa kagandahan. Kung totoo man si Maria Makiling, iisipin niyang nagbalik ito sa katauhan ni Elleana.
"Ang ngiti mo'y kasingningning ng pang-umagang araw pagkatapos ng isang madilim na magdamag." Tila isang makata si Felipe habang binibigkas ang mga iyon.
"Finally, I can hear beautiful things coming out in your mouth," wika ni Elleana na nakangiti. "That sounds poetic."
"Dapat palagi kang nakangiti. Sayang ang likas mong ganda kung lagi kang nagagalit. Pero maganda ka pa rin naman kahit galit. Magandang galit," pabirong wika ni Felipe.
"My daddy always say that. He told me that my smile brings sunshine to his day. Just like my mummy."
"Nakuha mo ang ngiti ng mama mo. Para nga kayong pinagbiyak na bunga."
Nagsalubong ang mga kilay ni Elleana. "What?"
"Carbon copy ka ni Doña Veronica," paglilinaw ni Felipe.
"Have you met my mom?"
Tumango ang binata, saka tinabihan si Elleana sa bangko. "Isa si Doña Veronica sa pinakamabait na babaeng nakilala ko. Ang kuwento nina Tatang at Inang ay kasama siya noong nagtatanim, nag-aani, at nagsasaka," pagkukuwento nito.
Binalingan niya si Felipe, hindi makapaniwala sa narinig. "My mom's a farmer?"
Tumango ito. "Hindi mayaman si Doña Veronica nang makilala siya ng papa mo. Isa siya sa mga magsasaka noon ng mga Salvador. Ang kuwento ni Inang, kamuntikan nang malugi ang negosyo ng mga Syquia. Ilang ektarya rin ng hacienda ang naipagbenta at nawala sa kanila. Nang pumanaw ang mga magulang ni Don Artemio, halos palubog na ang mga negosyo nila. Sadyang masipag at madiskarte lang ang papa mo.
"Noong nagsisimula pa lang sila bilang mag-asawa ay pinagsikapan nilang palaguin ang hacienda. At isa ang mama mo sa nagtanim ng mga nakikita mong mais at tubo na 'yon. Kahit pa hindi naman na kailangan dahil unti-unti na silang nakakabangon." Itinuro ni Felipe ang malawak na kapatagan na natatamnan ng mga tubo at mais. "Sanay at maalam ang mama mo sa pagtatanim habang ang papa mo naman ay mahusay sa negosyo. Pefect match, 'ika nga."
Matagal bago muling nakapagsalita si Elleana. "Ngayon ko lang nalaman 'yan. Dad never told me that..." Pinagmasdan niya ang maisan sa labas, saka isang malalim na hininga ang pinakawalan.
"Bakit ka nga pala nagpunta rito?" tanong ni Felipe.
"My dad wants me to manage the plantation."
He had the shock of the century. "Seryoso ka ba d'yan? Pagkatapos ng nasaksihan ko kanina kung gaano mo kamuhian ang putik?"
"Kamuhian? Hate?"
Tumango si Felipe. "Tama. Paano mo pangangasiwaan ang isang bagay na hindi mo pa kailanman nasusubukan?"
"I'll learn," buong kumpiyansang tugon ni Elleana, straightening her spine. "Kung kaya ni Mummy, kaya ko rin." Niyakap niya ang mga binti at ipinatong ang ulo sa mga tuhod.
Sinamantala ni Felipe na matitigan si Elleana. Lumaki itong maganda gaya ng sinabi niya noon kay Doña Veronica. The girl he promised to marry was right in front of him. Biglang lumitaw sa isip niya ang batang mukha ni Elleana na nanggagalaiti habang sinasabi sa kanya na: "I will not marry you!"
Naalala pa kaya iyon ni Elleana?
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...