PAGKABALIK sa bahay-hacienda, agad na sinalubong si Felipe ng mag-asawang May at Ben.
"Hijo, ano ang nangyari?" si Inang May na punong-puno ng pag-aalala ang mukha. "Talaga bang umalis na si Señorita?"
Tumango si Felipe. Kinuha niya ang mga testamento. "Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Paanong hindi ko alam ang bagay na ito?"
Si Tatang Ben ang nagsalita. "Testamento 'yan ni Doña Veronica, hijo. Gusto niyang ikaw ang mapangasawa ni Elleana. Bata ka pa lang, alam na ni Doña Veronica na ikaw ang para sa anak niya."
Gustong mangiti ni Felipe sa kaalamang iyon. Itinago niya ang kasiyahan sa mukha. Tiningnan niya si Inang May. "Wala akong alam sa testamento. Dapat ay sinabi n'yo sa akin. Lumabas tuloy na naghahabol ako sa kayamanan ng pamilya ni Elleana."
"Alam mong hindi gano'n iyon, Felipe," malumanay na tugon ni Inang May.
"Alam ko ho. Pero iyon ang takbo ng isip ni Elleana."
Tumikhim si Tatang Ben bago nagsalita. "Marahil ay hindi na naasikaso ni Don Artemio ang testamento, hijo. Marami nang nangyari at mga pagbabago.
"Baka nais lang talaga ni Don Artemio na magtagpo kayo ni Elleana. At tuparin ang pangako kay Doña Veronica na pababalikin niya rito ang anak," pagpapatuloy nito. "Natitiyak ko naman na hindi pipilitin ni Don Artemio ang anak niya sa mga bagay na hindi nito gusto. At mukhang si Elleana ay hindi iyong tipo na basta napipilit."
"Ano na ang gagawin natin, hijo?" tanong ni Inang May.
Huminga nang malalim si Felipe at naupo sa sofa. Hindi rin niya alam ang dapat gawin. Ngunit kanina habang binabagtas nila ni Elleana ang daan pabalik sa airport ay puno ng kaguluhan ang isip niya. Isang bahagi ng kanyang pagkatao ay hindi gustong ihatid si Elleana sa airport. Nais niyang ipakipag-usap dito ang mga nangyayari. He had been waiting for her for years. Ngunit si Elleana ang tipo ng babae na kung ano ang ipinasya ay iyon ang masusunod.
Hinagod ni Felipe ang kanyang buhok at tumingin sa mag-asawa. "Hindi ko pa alam ang dapat gawin, Inang. Mag-iisip muna ako," sabi niya, pagkatapos ay tumayo at tinungo ang sariling silid.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Tumayo si Inang May at sinundan si Felipe. Inawat siya ng matanda bago pa siya tuluyang makapasok sa silid. "Sandali lang, Pepe."
"Bakit ho?"
"Kanina nang hinatid mo si Elleana sa paliparan ay may matandang lalaki na naghanap sa iyo. Kaibigan ng iyong... ama." Huminga nang malalim si Inang May. "Matagal naming inilihim sa 'yo ang katauhan ng iyong ama—ng mga magulang mo. 'Dagdag pa na hindi ka naman nagkaroon talaga ng interes na malaman kung sino ang ama mo, eh, hindi namin ipinaalam sa iyo ang totoo. Pasensiya ka na at matagal kaming nanahimik ni Ben."
Nakangiting hinawakan ni Felipe ang magkabilang pisngi ng Inang. "Alam ko na ang lahat, Inang. Wala kayong dapat ihingi ng tawad. Ipinaliwanag na sa akin."
NANATILI si Felipe sa labas ng paliparan. Pinanood niya ang bawat eroplanong umaalis. Gusto niyang makatiyak kung nakaalis nga si Elleana. He clutched at his chest; the pain in his heart was almost physical. Para bang may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang kasama ni Elleana na umalis. His soul, probably.
Or his heart. Or his mind.
Pakiramdam ni Felipe ay may humugot ng pag-ibig sa kanyang pagkatao at kahit ano ang gawin niya ay hindi na iyon maibalik. Pag-ibig na kay tagal niyang hinintay at agad ding nawala. He never felt so powerless until this moment.
Ipinasya niyang lisanin na ang paliparan at umuwi. Habang nagmamaneho, napansin niya ang isang matandang lalaki sa gilid ng daan. Walang gaanong dumaraang pampasaherong sasakyan sa bahaging iyon. Kung taal na tagaroon ang matanda, dapat na alam na wala itong masasakyan sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...