HINDI napigilan ni Felipe na mahinang tumawa sa bubulong-bulong na katabi. She had her stiff back turned away from him but he could feel the anger radiating from her. Kanina pa lang sa airport ay napansin na niya ang babae. Kahit naman sino ay pagtutuunan ito ng pansin. Maliban pa sa sopistikadang kumilos ang babae habang hatak-hatak ang trolly, agaw-pansin ang kulay ng buhok nito.
Auburn.
Reddish brown hair. Kulay ng buhok na hindi lahat ay binabagayan. Nakadagdag pa ang buhok nitong may kahabaan at malalaking kulot. Kung hindi nakasuot ang babae ng tight jeans, loose long-sleeved blouse, at high heels, sa height nito ay iisipin niyang isang flight stewardess. Ngunit nang magsimulang maglakad ang babae na nakataas ang noo at deretso ang tingin, inisip na niyang isa itong modelo. Halatang galing sa buena familia ang babae, hindi lang dahil sa taglay na kasuotan at mga bagahe. Kung kumilos ito, tila isang reyna na may kahariang pinamumunuan. Nang magsalita ang babae ay halatang may pinag-aralan. May pagkamayabang nga lang at mukhang may ipagmamayabang naman.
Felipe gave her one last lingering look before gazing outside the plane. Sa kabila ng pabali-balik na siya sa Norte, hindi pa rin nawawala ang pagkamangha sa mga nakikita sa ibaba. Mula sa eroplano, tanaw niya ang bulubundukin ng Cordillera. Sagana pa rin naman pala kahit paano ang Pilipinas sa mga puno at halaman. Pagkagaling mula sa Palawan, kaagad siyang nag-empake pabalik sa Ilocos. Matatanda na ang kanyang mga magulang para sa ganoon kabigat na mga gawain. Kung tutuusin, hindi na dapat nagtatrabaho ang mga ito. Ngunit sadyang ayaw lang nina Inang May at Tatang Ben na tumigil at magpahinga. Kahit ilang ulit nang sinabi ni Felipe na ipaubaya na lamang sa iba ang trabaho sa hacienda ay mapilit pa rin ang mga ito na magtrabaho. Mas magkakasakit daw sila kung hihinto sa trabaho.
Nang tumuntong ng high school, tumutulong na si Felipe sa Tatang Ben niya sa pagtatanim at pag-aani. Dahil lumaki sa taniman ng mga tubo at mais, hindi na isang palaisipan na Agriculture ang napili niyang kurso. Biglang sumagi sa kanyang isip si Doña Veronica.
"Mag-aral ka. Para naman hindi ka lang isang magsasaka kundi isang mahusay at maalam na magsasaka..."
Ang mabait na ginang na nagbigay kay Felipe ng regalo na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Nakapanghihinayang lang na hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa Doña ang kanyang mga diploma. Mga katibayang hindi niya ito binigo sa kanyang pangako na mag-aaral nang mabuti at magiging mahusay na magsasaka.
Nang nakapagtrabaho na ay muling nag-aral si Felipe. Nagtapos siya ng ikalawang kurso at naging ganap na Botanist. Mahilig siya sa mga halaman kahit noong bata pa. Dahil sa pinag-aralan kaya mas malimit ay nasa mga bundok siya at pinag-aaralan ang mga puno at ilang endangered species na mga halaman doon. Ang huling project nila ay sa isla ng Palawan at ilang buwan din ang inilagi niya roon.
Hindi kailanman tinatanggihan ni Felipe ang hacienda kapag hinihilingan siyang tumulong doon. Utang niya iyon sa mag-asawang Syquia. Lalong-lalo na kay Doña Veronica.
Hindi na namalayan ni Felipe na mahaba na pala ang itinatakbo ng kanyang isip. Naramdaman na lang niya na parang may dumagan sa kanyang balikat. Paglingon ay ang babaeng kasinsungit ng signal number 4 na bagyo ang nakaunan sa kanyang balikat. Tulog na tulog ito. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Ang buhok nitong kanina ay nakapusod ay may ilang hiblang nakawala, curling around her jaw and to her long swan-like neck. Walang makeup ang babae ngunit napakaganda pa rin. Matangos ang maliit nitong ilong na sa wari ni Felipe ay palaging nakaangat. Ang mga labi nito ay mamula-mula na tila maliliit na kamatis. Tila napakalambot niyon kung tingnan. Hindi niya napigilan ang sariling isipin kung ano ang pakiramdam na mahalikan ang mga labing iyon.
Umangat ang kanang kamay ni Felipe at buong ingat na idinampi ang mga daliri sa mga labi ng babae. Hindi niya napigilang mapasinghap sa pakiramdam na iyon. Iyon na ang pinakamalambot na bagay na nahawakan niya, animo kutis ng sanggol. Bahagyang nakaawang pa ang mga labi ng babae, tila nag-aanyayang mahalikan.
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Felipe. Napakahimbing ng tulog ng magandang binibini, anupa't hindi man lang naramdaman na inaayos niya ang pagkakasandal nito. In-adjust niya ang upuan at ni-recline iyon, saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa mukha ng babae.
Amoy-bagong usbong na dahon ng Eucalyptus ang kanyang hininga, wika ni Felipe sa sarili.
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Elleana nang maramdamang parang may kung anong bagay na nakaharang sa kanyang mukha. Pagmulat niya, sandalan ng upuan sa eroplano ang nakita niya.
Was she dreaming? Why does it feel like someone kissed her?
Napaupo siya nang tuwid nang mapagtantong sa balikat ng lalaking katabi siya nakadantay. Nilingon niya ang lalaki na nakatingin sa bintana.
"Did you kiss me?" mataray niyang tanong.
Nilingon siya ng lalaki at umangat ang kilay. "Hindi kita kasintahan para hagkan ko ang iyong mga labi," tugon nito lalaki na ikinasalubong na naman ng mga kilay niya.
Lumalim ang pagsasalubong ng mga kilay ni Elleana nang maramdamang bahagyang naka-recline ang kanyang upuan. Nilingon niyang muli ang lalaki. Disimuladong dinama ang kanyang mga labi. Nananaginip lamang ba siya? But she was so sure that someone kissed her!
Pagkalabas ng airport, kaagad na tinawagan ni Elleana ang ama. Hindi naman niya alam kung paano pumunta sa hacienda. Ano ba ang malay niya sa mga lugar sa Pilipinas?
"Dad, thank goodness I got here alive!" eksaheradong wika niya sa ama. "My head now is terribly aching, Daddy. I told you I wanted a chartered flight."
"Hija, hindi lahat ng panahon ay nasusunod ang gusto mo. Saka hindi praktikal na kumuha ng pribadong eroplano sa mga panahong ito. Stop being a brat, Elleana." May himig ng panenermon ang kanyang ama sa kabilang linya.
"Dad, you have connections. Next time, I want first class," sabi pa rin niya. "And it's sweltering here, Daddy. Wala pa akong ten minutes dito pero I feel like I'm about to melt."
Narinig ni Elleana ang pagbuntong-hininga ng ama. "May susundo sa iyo mayamaya lang. Tinawagan ko na sila kanina at ang sabi ay hinihintay ka na nila. Kaya sige na, lakad na. Tama na ang reklamo."
"You owe me one, Daddy," wika niya.
"Isa pa pala, huwag kang masyadong magsalita ng Ingles d'yan. Managalog ka. Sanay ka naman at kinalakihan mo kaya hindi 'yan mahirap para sa 'yo. Makibagay ka sa kanila," pahabol na bilin ng Don.
"I'll try," sabi niya bago ibaba ang cell phone.
Isinuot ni Elleana ang oversized sunglasses, saka hinawakan ang LV Pégase Légerè at naglakad na nakataas ang noo. Ni hindi man lang niya tinapunan ng pansin ang mga lumilingon sa kanya. Nang makarating sa labas, hinanap ng mga mata niya ang sinasabi ng daddy niya na susundo sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...