"KUMUSTA na ang Tatang?" tanong ni Felipe.
"Mabuti-buti naman na. Nandoon muna siya sa Bangui pansamantala para malapit sa ospital. At gusto rin niyang makita ang mga kapatid niya roon."
"Bangui?" Si Elleana.
Nilingon siya ni Inang May. "Alam mo kung saan 'yon, Señorita Elleana?"
"I've heard of it. My dad told me lovely things about Ilocos. And Bangui is one of those. He showed me the pictures of the windmills by the ocean. I was fascinated by just looking at the pictures."
Napanganga si Inang May habang nagsasalita si Elleana. Naiwan pa sa ere ang hawak nitong sandok at nakatitig lang sa kanya.
"Inang, baka pasukan ng langaw ang bibig mo," tudyo ni Felipe. Hinawakan nito ang baba ni Inang May at isinara ang bibig.
Tinapik ni Inang May ang kamay ni Felipe, pagkatapos ay lumingon kay Elleana. "Hindi ko masyadong naintindihan. Pero ang sarap pakinggan ng tinig mo, Señorita Elleana. Para kang bumibigkas ng isang akda."
Tumingin si Elleana kay Felipe na nakakunot ang noo.
Ngumisi ang binata. "Gutom lang 'yan. Kumain na tayo."
Pagkakain, inilibot ni Inang May si Elleana sa kabuuan ng mansiyon. Naiwan si Felipe sa komedor dahil hindi pa tapos kumain.
Binuksan ni Inang May ang isang silid. "Ito ang silid ng mga magulang mo, Señorita." Pumasok sila sa napakalawak na silid. Isang lumang kama ang naroon, kagaya ng kama ng daddy niya sa London. Four-poster bed na may mga ukit sa bawat poste.
Inilibot ni Elleana ang mga mata sa kabuuan ng silid. Gawa sa kahoy ang lahat ng gamit na naroroon. Maging ang sahig ay kahoy rin. Lumapit siya sa isang may-kahabaang mesa na may mga lumang larawan ng mummy at daddy niya. Dinampot niya ang isang picture frame.
"Iyan si Doña Veronica. Napakaganda ng mummy mo noong dalaga siya. Kamukhang-kamukha mo," wika ni Inang May na tila gusto pang maluha.
Napangiti si Elleana sa narinig at marahang hinaplos ang glass frame. Kamukha nga niya ang kanyang mummy.
"Ito naman ay noong huling buwan nila rito. Buntis na sa 'yo ang mummy mo sa kuhang ito. Hindi nga niya gustong umalis sa lugar na ito."
"Bakit po?"
"Mahal na mahal ni Doña Veronica ang mga tao dito, hija. At mahal na mahal din siya ng mga tagarito. Mahal niya ang lugar na ito."
"She left because of me." Nakita ni Elleana sa mga mata ni Inang May ang pagkalito sa sinabi niya. Napangiti siya. Mukhang simula ngayon ay kailangan na niyang magsalita ng wikang naiintindihan nito.
"Iniwan ni Mummy ang lugar na ito dahil sa akin. I'm sorry for that." May bahid ng lungkot sa kanyang tinig habang sinasabi iyon.
"Naku, Señorita, hindi sa gano'n. Mahal na mahal ka rin ng mummy mo kaya siya umalis. Para sa kabutihan ninyong mag-ina ang desisyon ng mga magulang mo."
She smiled. "Nasabi sa akin ni Daddy 'yon, Aunt May."
"Nang bumalik kayo rito makalipas ang anim na taon ay nagalak ang buong Ilocos. Ngunit agad ding napalitan iyon ng matinding lungkot." Sandaling nahirinan ang matandang babae, pagkatapos ay marahang hinaplos ang likod ni Elleana. "Tara at ipapakita ko sa iyo ang silid mo."
Namangha si Elleana sa laki ng kanyang silid. Katulad ng kama sa silid ng mga magulang, ganoon din ang kamang naroroon. Puti nga lang ang kulay ng kanyang four-poster bed. In fact, everything inside her room was white—from crown moldings around the ceiling and walls to its bay windows. Except for the floor. The warm red brown hue of hardwood floor accentuated the color of her room.
Parang hinihintay si Elleana ng kanyang silid na dumating. Lahat ay nakaayos at nakahanda para sa kanya. Nilingon niya si Inang May. "Ganito na ba talaga ang kuwarto ko?"
"Opo, Señorita Elleana. Matagal ka nang hinihintay ng silid na ito."
Lumapit si Elleana sa baul na nasa paanan ng kanyang kama. May isang photo album doon. Dinampot niya iyon. Naupo siya sa storage chest at saka binuklat ang album.
Gayon na lang ang ngiti sa kanyang mga labi habang tinitingnan ang mga larawang naroroon. It was her mom's photo album. May mga pictures siya ng mummy niya sa London pero mangilan-ngilan lang iyon. Hawak niya ngayon ang kabuuan ng buhay ng kanyang mummy bago siya isilang. Tila time machine iyon na ibinabalik siya sa panahon ng kanyang mga magulang.
Nakita ni Elleana ang mga sinabi sa kanya ni Felipe na nagtatanim at nag-aani ang mummy niya ng mga mais at tubo. Hindi siya makapaniwala na ginagawa iyon ng kanyang ina. Samantalang siya, putik lang ay naghihisterya na.
"Ang totoo, talagang hinihintay namin ang muling pagbabalik mo, Señorita Elleana. Umalis si Doña Veronica nang ipinagdadalang-tao ka pa lamang niya. At nang makita ka namin noon ay halos hindi ka namin nakasama nang matagal." Nabahiran ng lungkot ang tinig nito. "Umalis din kayo ni Don Artemio pagkalibing kay Doña Veronica. Hindi namin alam na tinupad lang ninyo ang kahilingan ng Doña na mailibing dito." Tumikhim si Inang May. "Maiwan ko muna kayo para makapagpahinga na po kayo, Señorita Elleana."
Nilingon ito ni Elleana, pagkatapos ay ngumiti. "Thank you, Aunt May."
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...