CHAPTER TWENTY - SEVEN

32.5K 939 88
                                    


KASALUKUYANG nagre-rehearse si Elleana at ang iba pang kasamang model para sa susunod na fashion week. She was back in her old, familiar territory. Huwag nang idagdag that she was also back to being the center attention, with everybody complementing her in her acquired tan.

"Goodness, Elle! With your tan and your cheekbones, who needs contouring?" may paghangang bulalas ng makeup artist sa kanya.

"Thank you," she demurred. Ngunit wala na sa tinig ang dating kaligayahan. Everything seemed shallow and pointless with the days passing in a blur. At kung tunay niyang aaminin sa sarili, she missed the wide open land, the sun on her face, and the earth between her fingers. The runway that she used to rule like a queen now felt like a prison.

She was awakened in her musings nang bahagyang may pinagkaguluhan ang mga tao sa studio.

"Oh, my gawd!"

"Which agency does he belong?"

"Those amber eyes... yum!"

Amber eyes...

"May I speak with Elleana Syquia, please. I was told she's here," puno ng authority na wika ng bagong dating sa tinig na kilalang-kilala ni Elleana.

She gasped. Tumayo siya at sinundan ang sentro ng atensiyon ng lahat sa sandaling iyon.

"Felipe...?" bulong niya, takot na baka kapag nilakasan ay maglaho itong tulad ng kanyang mga panaginip.

But he was here. In London. He was really here. Wala na yata talagang imposible sa lalaking ito.

Felipe was wearing the simplest outfit she had seen in her life. Iba ang sinasabi ng mga bulungan sa paligid. Basic white V-neck shirt, straining to contain all those muscles and abs she now knew intimately. Nakapantalong maong ito na hinulma sa mga binti at leather na tsinelas na ipinasuot sa kanya noong unang araw silang magkita. Ang buhok nito ay nakatali kagaya ng dati, with a few unruly strands escaping to softly frame his sculpted jaw. Dinig na dinig niya ang singhap ng paghanga mula sa mga kapwa modelo at designers.

Lumapit sa kanya si Gigi. "Who. Is. He?"

Siniko siya ng manager. "He's tall, dark, and expensive, Elleana." Hindi nito naitago ang paghanga habang hindi maalis-alis ang tingin kay Felipe. "Does he have a name?"

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Elleana. Ni hindi niya maihakbang ang mga paa para lumapit man lang sa lalaki. Umatras na lahat ng mga salitang nais niyang sabihin dito. She wanted to say that she missed him so much. Gusto niyang takbuhin ang distansiya sa pagitan nilang dalawa at yakapin ito nang mahigpit.

May mangilan-ngilang stubbles na tumutubo sa mukha ni Felipe. Malaki ang inihulog ng katawan nito. Did he miss her just as much as she missed him?

Bumaba ang tingin ni Elleana sa hawak nito. Her Manolo Blahnik boots!

She gasped. And that was all she could do. Gasped in disbelief at what she was seeing.

Lumapit si Felipe sa kinatatayuan niya. "Nakalimutan mo ito," sabi nito at iniabot sa kanya ang pares ng boots.

"K-kinuha mo?"

He smiled, naughty dimples and all showing. At sa background, dinig niya ang mga singhap at pigil na tili ng mga naroon. "Hindi ko malimutan ang mukha mo habang tinitingnan mo ang mga ito nang palayo tayo. Kahit si Da Vinci ay hindi maipipinta ang pighati ng iyong mukha."

Inabot ni Elleana ang boots at tumingin kay Felipe. "Thank you."

He ruffled his hair and smiled. Tiningnan nito ang mga nakapaligid sa kanila. Tinalo pa ng mga iyon ang nakakita ng isang Hollywood actor kung makatitig kay Felipe.

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon