CHAPTER SIXTEEN

32.9K 885 57
                                    


KASALUKUYANG pinapatuyo ni Elleana ang buhok sa loob ng kanyang silid nang may marinig siyang musika na nanggagaling sa labas. Maaga siyang nagising at pakiramdam pa niya ay hindi talaga siya nakatulog. Naninibago siya sa sariling silid.

Orchestra ng kantang "O Sole Mio" ni Luciano Pavarotti. Napangiti si Elleana dahil kay sarap pakinggan ng mga classical music sa ganitong lugar. Pakiramdam niya, nasa romantic places siya gaya Paris at Rome. Sumasabay pa ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa labas. Hindi niya alam na mahilig pala sa classic song sina Inang May at Felipe. Ikinamangha niya ang bagay na iyon. Lalo na kay Felipe. Mula nang makilala niya ang lalaki kahapon, hindi niya iisiping mahilig ito sa ganoong genre ng musika.

Napangiti si Elleana. "Ilocos isn't that bad after all," she whispered to herself.

Ipinagpatuloy niya ang pagsusuklay habang siyang-siya sa pinakikinggan. Bigla niyang naalala ang mga panahong nagpupunta siya sa Roma. Hiling niyang sana ay tea at toast ang breakfast niya.

Napahinto si Elleana sa ginagawang pagsuklay nang marinig na may tinig na sumasabay sa tugtog. Ikiniling niya ang ulo at pinakinggan ang kumakanta. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at napangiti sa naririnig. Hindi naman boses ni Luciano Pavarotti ang naririnig niya. The voice was husky, close to Bryan Adams' voice.

"Che bella cosa na jurnata 'e sole n'aria serena doppo na tempesta! Pe' ll'aria fresca pare già na festa...Che bella cosa na jurnata 'e sole..."

Umahon ang kuryusidad kay Elleana nang mapagtanto na parang sa labas lang nanggagaling ang boses ng kumakanta. "Sino iyon?" tanong niya sa sarili.

Tumayo siya at dumungaw sa may bintana. Natanaw niya si Felipe na nagdidilig ng mga halaman sa ibaba. Naka-maong ito, mid-sleeved camiso chino, at suot ang leather na tsinelas. Nakasuot pa ito ng sombrero na ipinagtataka niya gayong maaga pa at hindi pa tirik ang araw.

Habang nakamasid kay Felipe, parang gusto na ni Elleana na sang-ayunan ang sinabi ng lalaki na ito ang pinakamakisig at pinakaguwapong lalaking nasilayan niya. Tipikal na magsasaka ang hitsura ni Felipe pero effortless ang kaguwapuhan. Tila ba lalong nagpadagdag sa kaguwapuhan nito ang suot na camiso na yumayakap sa katawan. She never in her life na isiping macho ang isang magsasaka.

Nice bum.

Agad na tinapik ni Elleana ang kanyang pisngi. Bakit nagkakaroon siya ng ganoong kaisipan sa lalaking personipikasyon ng salitang "irritating"? Hindi niya maintindihan kung bakit kahapon pa siya nahuhumaling sa lalaking kinaiinisan.

Muling ibinaling ni Elleana ang pansin sa naririnig na tinig. Hindi naman siguro si Felipe ang kumakanta kanina. Baka talagang may ibang version ang kumanta ng kantang iyon ni Pavarotti. Napigil ang akma niyang pagtalikod nang marinig ang tinig ni Felipe. Kaagad siyang lumingon at nadala sa dibdib ang hawak na hairbrush nang marinig ang tinig nito.

"Ma n'atu sole... cchiù bello, oje ne'. O sole mio! sta 'nfronte a te! O sole. O sole mio! sta 'nfronte a te... sta 'nfronte a te!" Patuloy si Felipe sa pagkanta. Nakataas pa ang isang kamay nitong ikinukumpas habang ang isa pa ay nakahawak sa hose at dinidiligan ang mga halaman. "Quanno fa notte e 'o sole se ne scenne, me vene quase 'na malincunia...sotto 'a fenesta toia restarria...quanno fa notte e 'o sole se ne scenne."

Napasinghap si Elleana habang pinapanood at pinapakinggan si Felipe na kumakanta.

He does sound like Bryan Adams!

Kuhang-kuha ni Felipe ang tono at accent ng lyrics ng kinakanta nito na para bang alam na alam ang kahulugan niyon. Bahagyang umangat ang isang kilay ni Elleana. May maipupuri naman pala sa magsasakang ito kahit paano. Napakaganda ng tinig. At kung gagawa ito ng album, natitiyak niyang kahuhumalingan ito ng lahat ng babae.

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon