"WHEN I look into your eyes I see sunshine... The clouds are blown away... I hope you're here to stay. 'Cause you've got me needing more of you... Guess I'm falling for you. I think I'm falling for you..."
Pakiramdam ni Elleana ay muli siyang idinuduyan pabalik sa pagtulog ng tinig ng kanyang naririnig. Alam niyang umaga na ngunit bakit tila gusto niyang bumalik sa pagtulog habang naririnig ang napakagandang boses ng kumakanta?
Si Felipe.
His version of Michael Buble's I Guess I'm Falling for You was beyond gorgeous. Walang sinabi ang mga huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon ng puno sa naririnig niya.
"You walk away... My eyes caress you. Then you turn and smile. You've caught me thinkin' of love with you. Guess I'm falling, I may be falling for you..."
Elleana smiled. How she wished, those lines were for her. Inabot niya ang isang unan at niyakap.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Felipe. Kinakantahan mo pa rin ang mga halaman."
Agad na napamulat ang mga mata ni Elleana nang marinig ang tinig ng isang babae. Biglang naglaho lahat ng naiisip niyang mala-romantic scene nang marinig ang tinig na iyon. Napatayo siya at tinungo ang bintana.
"Morning ruined..." she whispered.
Nilingon siya ni Felipe na para bang narinig ang bulong niya. Kumaway ito sa kanya at ngumiti. "Magandang umaga, mahal na prinsesa."
She smiled dryly.
"Hi, Elleana," masayang bati sa kanya ni Maria.
"Si Maria nga pala, Elleana. Pumanaog ka na rito at nagdala siya ng napakasarap na agahan," sabi ni Felipe.
I hope it's not tuyo and sinangag again.
"Siyanga pala, si Maria, Elleana. Bunsong anak ni Mayor Ted," pakilala ni Felipe nang makababa siya.
Ngumiti si Elleana kay Maria. "Hi. Nice to meet you."
"Napakaganda mo, Elleana," nakangiting wika ni Maria. "Nagdala ako ng agahan. Kumain ka."
Inalis niya ang tingin sa dalawa at pinagtuunan ng pansin ang dalang pagkain ni Maria. She sighed in relief. Hindi tuyo at sinangag ang nasa harap niya.
"This looks delicious," sabi niya at naupo. Kumuha siya ng plato at kumuha ng pritong itlog at longganisa. Tinikman niya ang longganisa. "Masarap."
"Longganisang Vigan 'yan, Elleana. Isawsaw mo sa suka ng Ilocos," sabi ni Maria at iniabot sa kanya ang platito na may suka.
"Oh, yes. I know the taste of this vinegar. It is indeed delicious. I've tried this one with tuyo." Nilingon ni Elleana si Felipe nang makahulugan. "Right?" she said sarcastically.
Felipe chuckled. Inabot nito ang empanada. "Empanada ng Ilocos. Hindi pinalalampas ang pagkaing ito."
Maria indulged her. "Subukan mo. Ang mama ko ang gumawa niyan. Isa siya sa mga pinakamasasarap na gumagawa ng empanadang Ilocos. Kainin mo habang mainit-init pa."
Inabot ni Elleana ang empanada, pagkatapos ay tumingin kay Felipe. "Where's Aunt May?" tanong niya.
"Sinundo na si Tatang Ben," sagot ni Felipe at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Taga-Bangui talaga ako. Dumadalaw ako kapag nandito si Felipe." Saglit siyang tinitigan ni Maria. "Teka, hindi ba boyfriend mo 'yong model na Italian? Si Niccolo Antolini?"
Akala ni Elleana ay wala nang sisira pa sa kanyang umaga. Tumango siya. "Ex. Bakit mo siya kilala?"
"Sa Internet. Iyong kapatid ko kasi crush niya si Niccolo. She's a fan, Elleana. Follower ang kapatid ko ni Niccolo sa Facebook, Instagram, at Twitter!" Tumawa si Maria. "Stalking fan lang. Kahapon ay nag-browse kami ng update tungkol sa kanya. Pero nagulat kami ng kapatid ko nang malaman naming nakakulong si Niccolo ngayon at gay pala—" Kaagad na natutop ni Maria ang bibig nang mapagtantong nagiging matabil na ang dila. "Ay... sorry." Napatingin ang babae kay Felipe at hindi malaman kung itutuloy pa ba ang sasabihin. Tinapik ni Maria ang balikat ni Felipe na nagpapahiwatig ng paghingi ng tulong.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...