CHAPTER SEVENTEEN

32.4K 937 74
                                    


PAGLABAS nila ng mansiyon ay naghihintay na sa kanila ang mga tauhan sa hacienda. Binati ni Felipe ang mga ito.

"Mga kasama, siya nga pala si Elleana Syquia, ang unica hija nina Don at Doña Syquia. Kasama natin siyang magbubungkal ng lupa ngayon."

Sabay-sabay na binati ng mga magsasaka si Elleana. Ang mga mata ng lahat ay halatang humahanga sa anak ng don. Sabay-sabay ring nagbulungan ang mga ito. Tila ba isang malaking biro ang sinabi ni Felipe na kasama si Elleana na magtatanim.

"Sigurado ho kayo?" tanong ng isang lalaki.

"Mukha lang siyang prinsesa, pero magbubungkal 'yan ng lupa," tugon ni Felipe, pagkatapos ay nilingon si Elleana. "Magpalit ka na ng costume, mahal na prinsesa."

"Pardon?" tanong ni Elleana at narinig ang pagsinghap ng kalalakihan sa harap niya nang marinig siya ng mga ito.

"Inang May, pakisamahan si Elleana. Magpapalit siya ng damit," sabi ni Felipe sa matanda na pinanlakihan naman siya ng mga mata. "Sige na, Inang May," sabi niya, pagkatapos ay kumindat dito.

"Felipe, sigurado ka ba sa ginagawa mo, ha?" tanong ni Inang May pagbalik. "Kapag napagalitan tayo ni Don Artemio."

Hinawakan ni Felipe ang magkabilang balikat nito. "Inang, kumalma ka. Paano mapangangasiwaan ni Elleana ang hacienda kung hindi niya mararamdaman kung paano magbungkal man lang ng lupa?"

"Ay, ewan ko sa 'yo, bata ka! Sinasabi ko lang sa 'yo..." Nilingon nito si Elleana na kasalukuyang sinisipat ang mga botang pansaka.

Marahang tinapik-tapik ni Felipe ang balikat ni Inang May. "Magsaing ka ng marami. Pihong gutom na gutom ang prinsesa ng unos pag-uwi!"

"Bagtit!" Isang irap ang isinagot sa kanya ni Inang bago ito tumalikod.

HALOS magkatumba-tumba si Elleana habang naglalakad sa maputik na lupaing tataniman nila. Doble na ang bigat ng suot niyang bota dahil sa dami ng putik na nakadikit doon.

"Ayos ka lang, mahal na prinsesa?" tanong ni Felipe.

She imposed an iron clad control on herself. "Yes," hinihingal niyang sagot. Saglit siyang huminto at binitiwan ang hawak na hand tiller. Hinubad niya ang suot na sombrero at pinahid ang pawis sa noo at mukha.

Tinanaw ni Elleana ang mga bahaging nabungkal na nila. Malawak na pala ang nagagawa nila. Kaninang ipinahawak sa kanya ni Felipe ang hand tiller ay halos hatakin siya niyon. Ngunit sa kalaunan, nagamit niya iyon nang maayos. Ang totoo, bagaman nahihirapan dahil hindi sanay sa ganoong gawain ay nag-e-enjoy siya.

"Mabilis kang matuto," sabi ni Felipe na hindi itinago ang paghanga sa tinig. "Mahusay."

Ngumiti si Elleana. "Thank you. I cannot believe my mom did this. She's awesome."

"Parang ikaw rin."

"I'm nowhere near a quarter of what she did. I haven't tried planting seeds."

"Balang-araw, mahal na prinsesa." The huskiness lingered in his tone. "Doon tayo," sabi ni Felipe at itinuro ang punong nakatanim di-kalayuan sa kanilang kinatatayuan. "Magpahinga ka muna."

"Alam mo bang ang kahulugan ng pangalan mo ay puno?" sabi ng binata kay Elleana nang makaupo sila sa lilim ng puno.

Tinanggal ni Elleana ang suot na guwantes. "I didn't know that," sagot niya, pagkatapos ay nilingon ang puno na nasa likuran nila.

"Hebrew word ang 'Elleana' na ang ibig sabihin ay oak tree. At alam mo ba na kapag ang isang tao ay nalulungkot, puwede niyang yakapin ang puno?"

"That's rubbish!" natatawa niyang tugon.

He studied her thoughtfully for a moment. "Kaya 'pag nalungkot ako..." He smiled at her boyishly. "Yayakapin kita!"

"Don't be daft! It's a myth."

"Alin? Ang yakapin ka? Totoo 'yon!"

Hindi naitago ni Elleana ang pamumula ng mga pisngi sa sinabing iyon ni Felipe. "I mean the tree hugging!"

Kumpiyansang tumugon ang binata. "Tingnan mo ang mga bata kapag nakakakita ng puno, niyayakap. Sumasaya sila pagkatapos. May healing benefit ang puno. Nagiging maayos ang kalusugan ng isang tao. Para bang ina-absorb ng puno ang negatibong nararamdaman ng tao."

Hinubad ni Elleana ang suot na bota, pagkatapos ay niyakap ang mga binti. Nilingon niya si Felipe. "What's with you and plants and trees? It seems like you are more intimate with them than women. Kinakantahan, kinakausap, at niyayakap mo. That's quite strange..." There was a slight tinge of wonder in her voice.

Tumawa si Felipe. "Lalaki po ako." Humiga ito at pinagsalikop ang mga kamay sa likod ng ulo, emphasizing the breadth and width of his shoulders and chest. "Gusto mong patunayan ko?" panunukso nito.

Umangat ang isang kilay ni Elleana. "How come you don't have a girlfriend?"

He gave her a smile that sent her pulse racing. "Si Maria Makiling ang aking ehemplo ng mahusay at kaaya-ayang babae," sabi niya na ang mga mata ay nakatuon sa kalangitan.

Napakurap si Elleana nang marinig ang sinabi ni Felipe. "Who is Maria Makiling?"

Sumulyap si Felipe sa kanya. "Taglay niya ang makapigil-hiningang kagandahan—" Napahinto ito nang makitang nakakunot na naman ang noo ni Elleana. "She's breathtakingly beautiful."

"Oh... okay. And then?"

"Ang kanyang balat ay gaya ng sa olibo—olive skin. Taglay niya ang itim na itim at napakakintab na mahabang buhok. Ang ningning ng kanyang mga mata ay gaya ng mga bituin sa langit."

Wala sa loob na napahawak si Elleana sa sariling buhok. Kulot at kulay-pula ang kanyang buhok. Nahaplos din niya ang kutis na nagniningning sa puti.

Am I not breathtakingly beautiful enough?

"Matulungin din si Maria. At mahilig sa mga hayop, lalo na sa halaman," pagpapatuloy ni Felipe.

Hindi na pinakinggan ni Elleana ang iba pang sinasabi ng binata. Parang ipinararamdam nitong tamad at pangit siya. At para bang walang-wala siyang alam sa mga bagay-bagay sa mundo. Na wala siyang kakayahang maging gaya ng kanyang mummy. Nakaramdam siya ng di-maipaliwanag na inis habang nagkukuwento si Felipe tungkol kay Maria. Tumayo siya at pinagmasdan ang puno sa likuran nila. Malapad ang katawan niyon at mataas.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Elleana nang mabasa ang pangalang Ilana na nakaukit sa puno. "Who did this?" tanong niya at agad na nilingon si Felipe. "You called me Ilana the first time we met!"

Umupo ang binata at tiningnan ang itinuro niya. "Some guy... or a kid..." His voice trailed off.

"Oh." Marahang dinama ng mga daliri ni Elleana ang pangalang nakaukit sa puno. "Why would some guy or a kid do this?"

Nagkibit-balikat si Felipe at tinanaw ang malawak na bukirin. "Tara na at mukhang uulan. Isuot mo na si Boots," pabirong wika nito, saka tumayo.

Inabot ni Elleana ang mga bota at isinuot. Sumunod siya kay Felipe. Napahinto siya sa paglalakad nang mapansin ang ilang bulaklak sa gilid ng bukid. Yumuko siya at pumitas ng ilan. Tiningnan niya ang mga bulaklak. Again, flashes of memories came rushing through her mind.

Nostalgia. Iyon ang nararamdaman ni Elleana habang nakatitig sa ilang bulaklak na pinitas. Nilingon niya si Felipe na nakakailang hakbang na. Kumurap siya.

Lumingon ito sa kanya. "Faster, Dora!"

"Stop calling me Dora!"

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon