CHAPTER TWENTY - SIX

31.3K 968 153
                                    


London, England

DON ARTEMIO had a lot of questions when Elleana arrived home unexpectedly three days ago, ngunit isinantabi muna nang pagkakita sa kanya ng unica hija ay naglandas agad ang mapapait nitong luha. He listened as Elleana sobbingly told him what happened. Hinayaan lang niyang maglabas ng sama ng loob ang anak. And after three days ng pagkukulong sa kuwarto, natuwa siya nang pumasok ito sa kanyang office at kinausap siya to find out the truth.

"Hindi alam ni Felipe ang tungkol sa testamento ng mummy mo, Elleana. Hindi mo man lang pinakinggan si Felipe," Don Artemio lovingly admonished his daughter.

"Why would Mummy do that?" tanong ni Elleana habang nakatanaw sa labas ng bintana, tinutukoy ang kondisyon sa testamento ng mummy niya. "Why would she want me to marry someone I barely knew?"

Hinaplos ni Don Artemio ang buhok ng anak. "Your mother has good intuition when it comes to people's character, hija. Nang araw na nakita niya si Felipe na nagdidilig ng halaman niya, alam na niyang magiging mahusay na lalaki si Felipe. Nag-iisa ka naming anak. Natatakot kami na walang magtutuloy ng pinaghirapan namin ng mummy mo. Nang araw na umalis kami ng Ilocos, binigyan ng mummy mo ang mag-asawa ng pera para makapagtapos si Felipe sa pag-aaral. Your mother died nang hindi na alam kung nakapagtapos nga ba o hindi si Felipe."

"Did he, Daddy?"

"Hindi mo alam kung ano ang trabaho ni Felipe hija?" di-makapaniwalang tanong ng don.

"He's a farmer, right? Sabi niya, edukadong magsasaka siya. Isn't it the same? Edukado man o hindi, parehas lang. Magsasaka pa rin," kibit-balikat na tugon ni Elleana.

Hindi naitago ni Don Artemio ang amusement sa sinabi ng anak. Masyado yata niyang napalayaw ang kanyang unica hija. Kaysa iba pa ang gumawa, he decided to take his daughter down a peg or two. "Oh, Elleana! You're right. He is an educated farmer. Nakapagtapos ng summa cum laude sa kursong Agriculture sa state university. Then earned a master's degree in Botany sa UP Los Baños. Nakatanggap din si Felipe ng grant na mag-aral for one year sa Hawaii Pacific University." Don Artemio had a lot of fun seeing her daughter's eyes widened and heard her choke out habang nakikinig. "And oh, si Felipe lang din naman pala ang pinakabatang napili bilang magiging susunod na secretary ng Department of Agriculture. Tinanggihan lang niya dahil mas gusto niyang nasa field kaysa sa opisina. So yes, he's an educated farmer."

Nanlaki ang mga mata ni Elleana sa mga narinig. All throughout, ang alam niya ay simpleng magsasaka si Felipe at hindi naman binabanggit ng binata kung ano talaga ito. Para bang sinasakyan lang nito ang mga panlalait niya. Nasapo niya ang ulo.

Oh, kainin na siya ng lupa ngayon! Bakit nga ba hindi masasabing edukado si Felipe gayong simula pa lang na magkakilala sila ay naiintindihan nito ang pag-i-Ingles niya? No ordinary farmer could understand a British accent and language. Stupid of her.

"Malaki ang naitulong ni Felipe sa plantasyon natin sa Ilocos. Si Felipe halos ang nagpalago ng mga maisan at tubuhan natin. Ginawa niya iyon hindi para ariin ang hacienda. Ni hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Gusto niyang tumanaw ng utang-na-loob sa mummy mo, hija. Your mother gave Felipe a future that his own parents couldn't give to him. A good education." Huminga nang malalim si Don Artemio bago nagpatuloy. "In fact I offered him a piece of land in Ilocos. Tinanggihan niya iyon. Mas nanaisin pa raw niyang ibigay ko na lang daw ang lupa sa mga tatang niya. Pero sa kagustuhan kong siya ang mamahala sa hacienda, I sold half of my shares to him. Halos sa kanya na ang kalahating bahagi ng hacienda. Nakita mo ba iyong nursery area?"

Tumango si Elleana.

"Iyong bahaging iyon hanggang sa matatanaw mo ay pag-aari ni Felipe. And beyond that, ang malawak na lupain na pag-aari ng ama ni Felipe. Si Miguel Salvador ang pinakamatalik kong kaibigan—ang una at huling pag-ibig ng mummy mo."

Nagulat si Elleana sa sinabi ng ama. "Miguel? Hindi mo yata naikuwento sa akin 'yan. Paanong una at huling pag-ibig? Hindi ba't ikaw ang pinakasalan ni Mummy?"

Sandaling hindi nagsalita si Don Artemio, pagkatapos ay tuwid na tumingin sa mga mata ng anak. "Nagmamahalan ang mummy mo at si Miguel..."

Lumipas ang ilang oras na matamang nakikinig si Elleana sa ama. Her heart went out to Miguel and her mom. Kasabay niyon ay ang paghanga sa kanyang ama.

"Kaya gusto kang ipagkasundo ng iyong mummy kay Felipe, alam niyang mabuting tao ang ama ni Felipe. Agad siyang pinatawad ng mummy mo dahil alam niyang hindi iyon talaga sinasadya ni Miguel," pagpapatuloy ni Don Artemio. "May prinsipyo ang mummy mo at hindi niya gustong masira ang pangalan ng mga Razon at Salvador. Kaya kahit napakasakit para sa kanya ay nagpaubaya siya. Nagmahal, nagpaubaya, at nagpatawad ang mummy mo, Elleana."

"Why did you agree to marry Mummy, Dad?"

Hindi naitago ni Artemio na mangilid ang kanyang mga luha, but was tempered by a wistful smile. "Dahil mahal na mahal ko ang mummy mo, hija. Hindi man niya ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya kay Miguel, kaya ko namang tumbasan ang pagmamahal na hindi nagawang ituloy ng ama ni Felipe. Natitiyak kong higit pa ang nagawa ko. I have loved Veronica despite the fact that her heart belonged to someone else throughout our marriage. Her whole heart was never mine, Elleana. Hindi kailanman nabura ng mummy mo ang uri at antas ng pag-ibig na iyon kay Miguel. Pero alam kong minahal ako ng mummy mo—sa paraang kaya niya. Nakontento ako sa pagmamahal na iyon at hindi naghangad ng higit pa pa roon." Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng anak. "Ibinigay ka niya sa akin, anak. Wala na akong mahihiling pa."

Pinahid ni Elleana ang mga luhang unti-unting naglalandas sa kanyang mga pisngi. "Nasaan na si Miguel?"

"He died a year ago. Isang taon pagkamatay ng mummy mo, kinausap ako ni Miguel sa pamamagitan ni May. Bago siya mamatay, ipinamana niya kay Felipe ang lahat ng ari-arian niya. Nanatili kaming tahimik nina May at Ben. Hindi namin ipinaalam kay Felipe ang bagay na iyon. Sa tuwing may ihaharap akong ari-arian sa kanya, palagi na ay sinasabi niyang ipangalan sa akin o 'di kaya ay kina May at Ben."

"He's very generous."

Tumango si Artemio. "Nakahimlay si Miguel sa puntod na katabi ng sa mummy mo."

"Bakit?"

Tila nahirinan siya habang inaalala ang sinabi ng kabiyak bago ito mamatay. Maaari namang sa London ilibing si Veronica ngunit nagpumilit itong umuwi sa Pilipinas, sa Ilocos, sa kabila ng malubhang kalagayan.

"Ilibing mo ako sa Ilocos, Artemio. Nangako ako kay Miguel na magkatabi kami hanggang kamatayan. Kahit man lang sa kamatayan ay magkasama kami. Ipangako mo sa akin 'yan, Artemio. Mangako ka..."

"Lahat ng hiniling ng mummy mo ay tinupad ko, Elleana. Bagaman masakit para sa akin na mahal na mahal ni Veronica si Miguel, ginawa ko iyon dahil sa walang katumbas na pagmamahal ko sa iyong mama. Gusto ko na maging masaya siya hanggang sa huli niyang hininga. Nang mangako ako sa kanya na sa Ilocos siya ililibing, hindi ko mabigyang-kahulugan ang kaligayahang nakita ko sa mga mata ng mummy mo. Noon ko lang uli siya nakitang sumaya nang lubos."

Niyakap ni Elleana ang ama. "Oh, Daddy! I'm sorry if I caused you so much pain. I didn't know."

"Ayos lang 'yon, anak. Walang kasalanan si Felipe sa lahat ng ito. Wala siyang alam. He's a good man. Tama ang mummy mo. Kaya huwag mong isipin na niloko ka niya o kung anuman. Alam mo bang noong ipinagbubuntis ka ng mummy mo, si Felipe ang nagsabi na 'Elleana' ang ipangalan sa iyo?"

Umiling si Elleana. "Ang sabi lang niya sa akin, ang kahulugan ng pangalan ko ay puno."

"In a way ay para kang puno. Masyadong kang mataas, matayog. Nahihirapan kang yumuko o maging mapagpakumbaba." Pabuntong-hiningang hinagkan siya ng ama sa buhok. "And I guess it was too much to hope na yumuko ang puno nang kaunti."

Pagkatapos ng ilang sandali, iniwan ni Artemio ang unica hija who was deep in her thoughts. Huminga siya nang malalim, saka tumingin sa larawan ng yumaong mahal. "Oh, Veronica, a little help would go a long way, my love..."   

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon