Somewhere in Palawan...
"THEN afterwards we drop into a quiet little place and have a drink or two... And then I go and spoil it all. By saying something stupid ... like I love you..."
Halos umalingawngaw ang tinig na iyon ni Felipe sa kagubatan na kinaroroonan. Kumakanta siya ng version ni Frank Sinatra ng Somethin' Stupid habang nag-uukit ng pangalan sa puno.
Natatawang pinanonood siya ng kaibigan. "Kailan ka pa nahilig sa mga lumang love songs, ha? At bakit napakahilig mong kantahan ang mga halaman?"
Nilingon niya si Carlos. "Simula nang ako ay matutong magsalita," sagot niya at ipinagpatuloy ang pag-ukit sa puno ng Almaciga. "Gusto ng mga halaman na kinakantahan sila. Parang mga sanggol, nakatutulong ang pag-awit sa kanilang paglaki."
Napakunot ang noo ng kaibigan. "That's a myth," sabi nito, pagkatapos ay tiningnan ang puno na inuukitan ni Felipe. "Kung totoo man iyon, eh, hindi na lalaki 'yang punong kinakantahan mo. Ilang daang taon na 'yan." Nilingon siya nitong muli. "Bakit hindi mo pinasok ang pagiging singer? Iyong crooner ba 'yon?"
Hindi pinansin ni Felipe ang sinabi ni Carlos. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Marami na ang nagsabi na maganda ang tinig niya. Minsan ay may nag-alok sa kanya na igagawa siya ng album ngunit tinanggihan niya. Hindi siya nagyayabang pero kung papatulan iyon, baka mas sikat pa siya sa mga naglilitawang singer ngayon na hindi mo mawari kung may tinig nga ba o sadyang idinadaan lang sa hitsura. Kaya lang ay hindi niya gusto ng ganoong buhay. Hindi niya pinangarap na maging sikat, ni ang mamuhay nang marangya. Masaya na siya sa piling ni Inang Kalikasan.
Sinilip ng kaibigan ang ginagawa niya at napapalatak. "Naku, 'ayan ka na naman sa pag-ukit ng pangalang 'yan. Lahat na yata ng punong pinag-aaralan natin ay naukitan mo na ng pangalang iyan. Hanggang dito ba naman sa Palawan."
Hindi kinibo ni Felipe ang kaibigan, bagkus ay nagpatuloy sa pag-ukit. Sa kasalukuyan, nasa isla sila ng Palawan at pinag-aaralan ang mga puno roon. Isa na roon ay ang punong Almaciga na malapit nang mawala sa Pilipinas kung hindi iingatan.
"Kailan mo ba ipapakilala sa akin ang may-ari ng pangalang inuukit mo sa mga puno, ha, Felipe?" tanong ni Carlos.
He chuckled. Nilingon niya ang kaibigan. "Tapos mo na ba 'yang ginagawa mo? Nakakuha ka na ng mga sample?"
"Yes, boss."
Hinipan ni Felipe ang mga pinag-ukitan at marahang dinama ang inukit, pagkatapos ay napangiti. Tama ang kaibigan. Ilang taon na rin niyang ginagawa ang pag-ukit sa pangalang iyon sa bawat punong pinag-aaralan nila. He already lost count of the number of trees he had carved with it. Kung nakakapagsalita lang ang mga puno, malamang ay iisa ang sasabihin ng mga ito.
Cheesy.
Pinagpag ni Felipe ang mga kamay, pagkatapos ay hinugot mula sa bulsa ang tumutunog na cell phone. Numero ng landline ang nag-flash sa screen.
Kaagad naman niyang nakilala ang tinig sa kabilang linya nang sagutin ang tawag. "Hello, Inang. Apay ngay nga nagayab kayo?"
"Felipe, umuwi ka muna rito sa atin. May sakit ang tatang mo. Heto nga't nasa Bangui kami ngayon at siya ay kasalukuyang nasa ospital. Walang mag-aasikaso sa mga taniman," sabi ng inang niya mula sa kabilang linya. "Anihan na sa susunod na linggo at kailangan ng mga trabahador ng magmamando sa kanila."
"Tatapusin ko lang itong project namin sa Palawan, Inang. Uuwi ako sa lalong madaling panahon."
"Salamat, hijo. Mag-iingat ka."
"Opo."
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...