CHAPTER TWENTY - TWO

30.9K 862 33
                                    


"MAGANDANG umaga, Señorita Elle," bati ni Inang May kay Elleana.

Kasalukuyan siyang nasa veranda at tinatanaw ang malawak na kapatagan di-kalayuan sa mansiyon nila. Nilingon niya si Inang May at ngumiti. "Good morning po, Aunt May," bati niya at naupo. "Hindi ko na po nakita si Uncle Ben kagabi. Nasaan po siya?"

"Magkasama sila ni Felipe sa taniman, Señorita. Sandali at ikukuha ko kayo ng kape," sabi ni Inang May at iniabot sa kanya ang broadsheet. "Magbasa ka muna. Dala iyan ni Ben mula sa Bangui kagabi."

Naglakad si Elleana palapit sa antique stone at Victorian cast iron garden table at naupo. Binuklat-buklat niya ang peryodiko. Napigil ang paglipat niya ng pahina nang marating ang society pages at mukha niya ang bumungad, side by side with Niccolo's in handcuff sa NAIA airport. The headline was "tell-all expose" about her and how she was the beard to a thief ad model.

Humigpit ang hawak ni Elleana sa peryodiko. Binasa niya ang buong article. Heto't hindi pa rin siya mawala-wala sa balita. At hindi man lang naging kanlungan ang pagiging nasa probinsiya niya. "I apparently am still famous here in the Philippines," she bitterly whispered.

"Sino ang famous?"

Napapitlag si Elleana nang pag-angat ng mukha, nasa harap niya si Felipe. "You scared me!"

"Sino ang famous?" pag-uulit nito at ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya.

Agad niyang isinara ang peryodiko. "Wala."

Napatiim-bagang si Felipe bago muling nagsalita. "Talaga? Bakit namumula ang mga mata mo? Kailan pa naging nakakaiyak na bagay ang pagiging famous?"

Umiwas siya ng tingin. "Allergies."

Inabot ni Felipe ang peryodiko at binuklat iyon. Nagsalubong ang mga kilay nito, pagkatapos ay iniharap kay Elleana ang larawan ni Niccolo. "Hangin ba talaga o hindi mo pa rin malimutan itong silahis na ito?"

Matalim na tumingin siya kay Felipe. "Stop rubbing salt on my wound. You're not helping. Oh, Felipe, when will this die down?" Ikinulong niya ang mukha sa mga palad.

"As the song says, let's give them something to talk about."

There was an almost hopeful glint in his eyes. Sinikap ni Elleana na ibaling ang tingin sa ibang bagay. Napasinghap siya nang iangat ni Felipe ang isang kamay and he touched her chin, kifting her face towards him. Her mind was spinning with bewilderment. She just couldn't seem to stand solidly whenever she was near this man.

The smile in his eyes contained a sensuous flame. "Pakasalan mo ako. Iyan ang solusyon sa problema ng puso mong namimihagti," he said in a deep whisper. "At upang ipakita sa mundo na hindi ka apektado ng mga nangyari."

She was dumbfounded. Hindi niya alam kung saan na siya nabibigla sa mga lumalabas sa bibig ni Felipe mula pa kanina. Hindi na nga niya malaman kung paano pakitunguhan ang pinakamalaking eskandalo ng buhay niya, dumadagdag pa sa gulo ng isip niya ang lalaking ito!

"I-I beg your pardon?"

Umayos ito ng pagkakatayo at inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa. "Marry me and let's announce it to the world. I now someone from the media."

"Are you nuts?" she said in a choked voice.

Humalukipkip si Felipe at tumitig kay Elleana. "Again let's give them something else to talk about."

She stood up and her voice rose in surprise. "Are you even listening to yourself?" manghang tanong niya kay Felipe. "And why are you speaking in English? Are you drunk?"

His left eyebrow rose a fraction. "Kapag magsasaka, hindi na puwedeng mag-Ingles?

She eyed him for a moment in silence, then said, "No. I will not marry you to get even or to stop this scandal. Getting married is not the solution. Mamamatay din ang eskandalong ito."

Naglakad si Felipe palapit sa kanya, hinawakan siya sa mga braso, at marahang kinabig palapit. He took a deep sigh and gazed at her. And in a low, composed voice he said, "Trese pa lang ako, gusto na kitang pakasalan. Simula nang makita kita sa hardin na 'yon." Nilingon nito ang hardin kung saan namimitas noon ang batang si Elleana. "Namimitas ka ng mga bulaklak."

"You doughnut!" Inalis niya ang mga kamay ni Felipe sa kanyang mga balikat. Dinampot niya ang peryodiko at inihampas iyon sa dibdib ni Felipe. "Kahit kailan puro ka biro!"

Ngunit hindi man lang natinag ang lalaki sa kanyang ginawa. "Kalimutan mo na ang silahis na 'yon." He leaned forward and said in a lower, huskier tone, "Ako ang lalaking nakalaan lamang sa iyo. Pakasa—"

"Are you serious? We hardly know each other, Felipe. At mas madalas ay nag-aaway tayo. Most of the time, I want to wring your neck! And you still believe we should get married? And what about l-love? Don't you think we should be in love to get married?" namamanghang tanong ni Elleana, napagtantong hindi nagbibiro si Felipe sa pagkakataong iyon.

Umiling ito. "Ang pag-ibig ay gaya ng isang maliit na buto, Elleana. May mga bagay na kailangan ang isang buto para tumubo. Hangin, araw, tubig..."

Umirap si Elleana sa mga sinasabi ni Felipe. Kailangan ba talaga, lahat ng lalabas sa bibig nito ay may kaugnayan sa mga halaman, kalikasan, at kung ano-ano pang may kinalaman sa kapaligiran? "And where is this going?" mataray niyang tanong. "Hindi ko kailangan ng lecture about plants!"

Tumikhim si Felipe at bahagyang tumingala sa langit, pagkatapos ay muling ibinalik ang atensiyon sa kanya. "Hindi tumutubo ang pag-ibig sa isang gabi lang, sweetheart. Panahon ang kailangan, kung paanong tumutubo ang isang halaman. Kung ang kahulugan mo ng pag-ibig ay hindi nakabase sa pagpapahalaga sa sarili, panahon at katinuan ng pag-iisip, asahan mong talo ka. At tulad ng isang halaman, kailangan n'on ng atensiyon at pag-aalaga. Arugain sa panahon ng unos." Tiningnan siya ni Felipe sa mga mata. His eyes brimmed with tenderness and passion. "Mananatili kang pinakamagandang babae sa buhay niya. Hindi niya hahayaan na kunin ka ng iba. At handa kang ipagtanggol at ipaglaban, hamunin man siya ng sandosenang tabak!"

"Marry your plants!" asik ni Elleana at padabog na naglakad papasok sa loob ng mansiyon. "I will never marry a farmer like you!"

Nasapo ni Felipe ang sariling noo at napabuga ng hangin. "Hindi ka pa rin nagbabago, Elleana. Same old brat I've met years ago."

Huminto si Elleana at nilingon ang binata. "Bagtit!" sabi niya bago tuluyang pumasok sa loob.

Sandaling natigilan si Felipe, saka hindi napigil ang mapahalakhak nang marinig ang sinabi ni Elleana. Mukhang natututo na itong mag-Ilokano.

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon