CHAPTER ELEVEN

37.2K 969 108
                                    


MULA sa gilid ng mga mata, kita ni Felipe kung paanong hindi malaman ni Elleana kung saan kakapit habang binabagtas nila ang daan papunta sa hacienda. Rough road ang binabagtas nila kaya halos umalog ang buong katawan nito.

Nilingon siya ng dalaga, saka nanggigigil na nagsalita. "Will you slow down?" she snapped at him, matalim ang mga mata at namumula sa inis ang mga pisngi.

Nilingon ni Felipe si Elleana at itinuro ang gauge. "Mahal na Señorita, hindi mo ba nakikita na nasa apatnapu lang ang takbo ko?" sagot nito at muling ibinalik ang atensiyon sa daan.

Sinilip ni Elleana ang gauge at tama ang lalaki. Napabuga siya ng hangin at mahigpit na kumapit sa handle na nakakabit malapit sa bintana ng pickup. Sinikap niyang kunin ang cell phone sa bag sa kabila ng umaalog ang buong katawan.

"This is torture, Daddy!" mahina ngunit paimpit na bulong ni Elleana.

Hindi napigilan ni Felipe ang mapangisi. Sanay ang prinsesa sa malapad at patag na daan ng Inglatera.

Welcome to Ilocos!

Nilingon niya si Elleana na kulang na lang ay lumambitin sa bintana ng pickup sa paghahanap ng signal. "Don't you have any phone service here?" tanong nito sa kanilang mag-ina.

Si Inang May na nasa backseat ay lumingon kay Felipe. "Ano raw ang sabi ni Señorita, Felipe?"

"Phone service daw," tugon ni Felipe na ang mga mata ay nakatuon sa mabatong daan.

"Ah, linya ng telepono ba?" Napakamot ng ulo si Inang May at nagpalipat-lipat ang tingin kina Elleana at Felipe.

"Hindi mo 'yan magagamit dito," sabi ni Felipe.

Narinig niya ang isang eksaheradong pagsinghap ng dalaga.

"What do you mean? There's no electricity here?"

Umiling siya at bahagyang nilingon si Elleana. "Ipagpaumanhin mo ngunit walang linya ng telepono sa bahaging ito ng Ilocos, Binibining Elleana. Kung gusto mo, eh, doon ka sa bayan ng Bangui tumuloy o 'di kaya sa Kapitolyo para matugunan ang mga pangangailangan mo."

"Pepe!" saway ng inang niya. "Hindi ganyan ang pakikitungo sa Señorita!"

"Naka ar-arte ngamin. Kunan nu asinno nga napintas," natatawang sagot ni Felipe kay Inang. Napakaarte kasi. Akala mo kung sinong maganda.

Nilingon siya ni Inang May at tinitigan nang makahulugan. "Ket haan kadi nga napintas met nga umno isuna?" Eh, hindi ba't maganda naman talaga siya?

Ngumiti si Felipe at nilingon si Elleana na nakasimangot at panay ang pindot sa cell phone. "Wen met. Kapipintasan nga balasang nga innak nakita..." Oo naman. Pinakamagandang binibining nasilayan ko.

Nilingon siya ni Elleana. "What did you say?" matalim nitong tanong.

Hindi pa man nasasagot ni Felipe ang tanong, agad nang natawag ang pansin niya ng masasalubong na babae. Nagpreno siya at binati si Manang Ising, isa sa mga kaibigan ng kanyang Inang. Bahagyang nagulat pa ang matandang babae sa paghinto ng sasakyan sa gilid nito.

"Felipe, hijo. Kaano ka pay nga simmang pet?" tanong ng matandang babae na gustong malaman kung kailan pa siya dumating.

Sumungaw si Felipe sa bintana. "Tattay lang, Manang." Tinanong niya kung saan ito patungo. "Manang, pagturungan yo?"

"Idiyay banger nga talon. Aggapas nak." Papunta ito sa kabilang bukid para maggapas.

Mula sa likuran, tinapik siya ni Inang May sa balikat. "Mauna na kayo sa hacienda, anak. Sasamahan ko lang si Manang Ising, ha?"

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon