CHAPTER TWENTY - THREE

31.7K 913 12
                                    


"I HATE him! I hate him!" nanggagalaiting wika ni Elleana habang pabalik-balik sa sariling silid. Hindi niya mapaniwalaan ang mga pinagsasabi ni Felipe sa kanya. Nasobrahan yata ito sa exposure sa fertilizer kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.

Ngunit aaminin niya, hindi maipaliwanag ang kasiyahang dulot ng mga sinabi ni Felipe tungkol sa kanya.

"At tulad ng isang halaman, kailangan n'on ng atensiyon at pag-aalaga, arugain sa panahon ng unos. Mananatili kang pinakamagandang babae sa buhay niya. Hindi niya hahayaan na kunin ka ng iba. At handa kang ipagtanggol at ipaglaban, hamunin man siya ng sandosenang tabak!"

Hindi niya mapigilang mapangiti sa alaalang iyon. He had a point.

Damn that man. Hindi ba ito kailanman magkakamali?

Napapitlag si Elleana nang may kumatok sa pinto. She didn't bother to turn around from her place sa may bintana. Alam niya kung sino iyon.

"Pakawanennak," seryosong wika ni Felipe na tumabi sa kanya.

Hindi malaman ni Elleana kung ano ang ipoproseso ng kanyang isipan—ang narinig niyang sinabi ni Felipe o ang nakikitang hawak nitong paso ng mga rosas na may putik-putik pa.

"S-sorry?" tanong niya, gustong makatiyak sa sinabi ni Felipe. Pagkatapos ay tiningnan niya ang hawak nitong paso. "What is that?"

"Ang husay mo nang mag-Ilokano," may paghangang wika nito na hindi pa rin naiintindihan na may ibang kahulugan ang sorry sa Britanya. Itinaas ni Felipe ang mga braso para iabot ang paso. "Para sa 'yo. Peace offering. Ako ang nagtanim nito."

"You are the most unpredictable guy I've ever met," nasambit na lang ni Elleana at inabot ang paso ng mga rosas. Inilapag niya iyon sa pasamano ng bintana. Gaya ng kahit sinong babae, sinamyo niya ang mga rosas. Hindi niya alam kung ang halimuyak ng bulaklak o ang lalaking nagbigay niyon ang nagpapangiti sa kanya nang lubos.

"Iyong kanina..." He cleared his throat. "Ipagpaumanhin mo kung naiinis ka sa akin."

Binalingan ni Elleana si Felipe. "This is a first," she quipped. "Forget it. You are forgiven." She met his eyes. Wala pang ilang sandali, nakalapit na si Felipe sa kanya. Gusto niyang umatras ngunit hindi magawang ihakbang ang mga paa.

"Hindi ko naman intensiyon na inisin ka." Umangat ang kamay nito patungo sa naligaw na hair strands sa kanyang mukha. "Oh well, kanina lang. Pero mas malimit ay sinasadya kitang inisin. Mas maganda ka kasi kapag naiinis," at nagbalik ang kilala niyang Felipe.

Elleana knew a good comeback for that, ngunit tila siya napipi sa ginagawa ni Felipe. Nasa buhok pa niya ang kamay nito, sinusubukang ipunin ang mga hibla sa likod ng kanyang tainga. And she was helplessly caught in his heated gaze.

"Sweetheart..." he whispered.

"W-what are we doing?" sa wakas ay nagawang magsalita ni Elleana. Ang kaninang nanghihinang mga tuhod ay nakabawi at kaagad siyang kumalas kay Felipe.

"Something we can't deny anymore..."

Nang tawirin ng binata ang ilang pulgada sa pagitan nila, hindi niya nagawang magprotesta, lalo na nang bumaba ang kamay nito sa kanyang leeg at hinaplos iyon. He gently rubbed her jawline with his thumb, then caressed her throat. Anumang katapangan at katarayan ay naglahong lahat sa sandaling iyon. Just like all the other times this man with the amber eyes kissed her.

Napasinghap si Elleana, followed by a moan of pleasure when his kiss deepened and grew more urgent. Pakiramdam niya, unti-unti siyang umaalimbuyo paibaba sa hindi maipaliwanag na kalaliman. His tongue explored her mouth in a slow, languorous, and delicious manner. Itinaas niya ang kamay at lumapat iyon sa malapad na dibdib ni Felipe. Gusto sana niyang itulak palayo ang binata, ngunit ang mga bisig nito, ang mga labing nagdadala ng init sa buong katawan niya were relentless inciting fire and desire from her. Naramdaman na lang ni Elleana ang kusang pagsuko ng kanyang katawan, tila siya natutunaw na yelo sa mga bisig ni Felipe. And when his hand drifted tenderly up her ribcage to her breast, she almost lost her breath.

"I want you, sweetheart," he groaned in her ear, biting it tenderly causing her to shiver. "Itanggi mo ang lahat, huwag lang 'tong atraksiyon sa ating dalawa."

"F-Felipe... I... I..." Any protest she may have left died when his mouth traced a sensual path to her breast. She clutched his shoulders when he mouthed and sucked her breast through her thin shirt. "Elleana..." He raised his head and looked down at her, binabasa ang mukha ng dalaga. And all he saw was innocent desire that mirrored his own.

"Please..." She surrendered to the all-consuming passion neither of them could cage anymore.

And while the dying sun set, they made love with unbridled passion. Two bodies undulating in the shadows of twilight, two hearts beat as one.

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon