CHAPTER TWENTY - FOUR

31K 831 6
                                    


PANG-ALAS-DIYES na araw ang gumising kay Elleana, gayundin ang iniwang amoy ng cologne ni Felipe sa unan. Inabot niya iyon at niyakap, breathing in his scent. Mula sa sulok ng mga mata, nahagip niya ng tingin ang isang bungkos ng wildflowers. Hindi niya napigilan ang mapangiti.

Umupo siya, saka inabot ang mga bulaklak upang samyuin.

Felipe made her a woman last night. And the aches in her body told of unrelenting desire that lasted until dawn. And she could still feel the tingling aftermath of last night's passion.

Muling ibinagsak ni Elleana ang katawan sa higaan, still clutching the flowers. Felipe's gentle passion the first time brought tears to her eyes. He held back, mustering control of himself to bring her to climax first before letting himself go. She couldn't have wished for a more wonderful first. And second, and...

Napaungol si Elleana, throwing her arm over her eyes. One night and she became a wanton.

Feeling energized despite last night's rigorous activities, bumangon si Elleana at naligo. Lumabas siya ng silid at nagtuloy sa kusina. Naawat siya sa paghakbang nang marinig na may nag-uusap sa kusina.

"Inalok na ba ng kasal ni Felipe si Elleana?" Tinig iyon ni Uncle Ben.

"Hindi ko alam. Pero mukhang nagkakaigihan naman na ang dalawa," sagot ni Inang May. "Madali nang matutupad ang nakasaad sa testamento ni Doña Veronica."

Nagsalubong ang mga kilay ni Elleana nang banggitin ni Inang May ang testamento ng mummy niya. Bakit tinanong ni Uncle Ben kung inalok na siya ng kasal ni Felipe? Ano ang nasa testamento ng mummy niya?

"Mukha kasing walang balak mag-asawa 'yang si Pepe. Aba, kung hindi pa napunta dine si Señorita ay hindi pa kikilos ang mga plano niya."

"May sariling pag-iisip si Felipe, Ben. Huwag na nating pakialaman ang mga desisyon ng batang 'yon. Alam natin pareho kung ano ang priyoridad ni Pepe. "

Hindi na tumuloy si Elleana sa kusina. Bumalik siya sa sariling silid. Hindi niya gusto ang nagiging takbo ng usapan ng mag-asawa. Bakit wala siyang alam sa mga pinag-uusapan ng mga ito? Ano ba ang sinasabi ng dalawa na nasa testamento ng mummy niya? Dahil ba roon kaya siya pinabalik ng daddy niya? Ang ikasal kay Felipe?

Agad ang pagdaluyong ng magkakahalong damdamin kay Elleana. Galit, betrayal, hurt.

That bastard.

Nagmamadaling bumalik si Elleana sa kanyang silid at kinuha ang testamento ng kanyang mummy. Noong ipinabasa iyon sa kanya ng daddy niya ay hindi niya tinapos dahil reluctant siyang sumunod sa iniuutos nito. Bukod sa alam naman niya na ang dahilan lang kung bakit siya naroroon ay upang turuan siya ng leksiyon.

Elleana Syquia, thus my sole heir, must marry Felipe Salvador before the age of thirty to inherit her share in Hacienda Elleana...

"This is unbelievable..." At ang sumunod na statement ang parang nagbaon ng patalim sa kanyang puso.

Felipe Salvador, upon marriage to Elleana Syquia, my daughter, shall take controlling shares and authority over the management of Hacienda Elleana...

Nanginginig ang kamay na tinitigan ni Elleana ang testamento. Anumang ligayang nadama kaninang paggising ay napalitan na ng pamamanhid ng kanyang buong pagkatao. Ang mga patak ng luha sa testamento ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Marahas niyang pinahid ang mga luha, saka tumayo at hinanap ang kanyang maleta. Kinuha niya ang mga gamit at ibinalik lahat sa loob niyon. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa katotohanang sinasampal siya ngayon.

The Farmer And The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon