Domestic airport, Philippines
BINAYBAY ni Elleana ang aisle ng eroplano at hinanap ang seat number niya. Naiinis siya dahil maaari naman sanang kumuha ang daddy niya ng chartered flight going to Laoag. Kaso hindi ito pumayag. He could, actually. He just wouldn't do it. Gusto niyang mainis dahil para siyang makapangyarihang prinsesa na unti-unti nang nawawalan ng powers. Unti-unti nang hinihindian ng daddy niya ang lahat ng kanyang mga hinihiling. Hindi siya sanay na hinihindian ng daddy niya ang mga whims and caprices niya. Oh, nahihirapan na siya!
Mabigat sa loob na sinunod ni Elleana ang daddy niya na pumunta siya sa middle of nowhere, Ilocos upang pansamantalang tumira sa hacienda ng mga magulang. At kung ang pagbabasehan ay ang huling pag-uusap nila ng ama, hindi lang mga araw ang ilalagi at pagtitiisan niya sa Ilocos.
Ilang oras bago ang flight sa London, nagmakaawa pa si Elleana sa daddy niya na huwag muna siyang umalis.
Habang naglalakad, hiling niya na sana ay window seat ang reservation niya dahil hindi niya gustong nasasagi ng mga taong dumaraan. Nang makita ang seat number, agad siyang napabuga ng hangin. Sa haba ng nilakad, akala niya ay sa dulo na siya ng eroplano makakaupo kasama ng mga stewardess. Pagharap sa upuan, gayon na lang ang simangot niya nang makitang may nakaupo na malapit sa bintana.
This is not happening! I hate aisle seats.
She cleared her throat. "Excuse me, Mister..." tawag niya sa lalaking nakatanaw sa labas. Ngunit parang hindi siya nito narinig kaya tinawag uli niya. "Excuse me."
Lumingon ang lalaki. "Bakit?"
"Hello! Would you be my hero right now and be kind enough to exchange seats with me?" Bees had nothing on the sweetness she was lathering on her voice. Paired that with her puppy eyes at wala nang takas pa ang lalaking ito sa charm niya.
Tinitigan lang siya ng lalaki na para bang lengguwahe sa ibang planeta ang sinabi niya. Saka lang niya naisip na Filipino ito at baka hindi naintindihan ang kanyang Queen's English.
She again cleared her throat at ngumiti. "Oh, pasensiya ka na. Puwede bang makipagpalit ng upuan sa 'yo?"
Kumurap ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Mababanaag sa mukha nito ang paghanga. Isang bagay na sanay na sanay na siya. The rewards of being beautiful, smart, and confident was you could get whatever you with just a snap. Alam niyang effortless lang sa kanya ang anumang hilingin dahil sa hitsura pa lang ng lalaki, akala mo ay nakakita ng artista o napakagandang prinsesa.
"Ipagpaumanhin mo, Binibini. Ngunit hindi ko maaaring pagbigyan ang iyong munting hiling," sabi ng lalaki at muling lumingon sa labas ng bintana.
Napanganga si Elleana sa narinig. Una ay sa pagtanggi ng lalaki sa kahilingan niya. Pangalawa ay sa uri ng pananalita nitong akala mo ay nanggaling sa probinsiya ng Katagalugan. Nagta-Tagalog siya pero ibang level ito. Mayroon pa bang taong ganoon magsalita sa panahon ngayon?
Sinubukan ni Elleana na ibalik ang composure. Ilang segundo rin siyang tulala sa harap ng lalaki. "I beg your pardon?" sabi niya at pilit na inaawat ang sarili na makaramdam ng inis. Kaagad niyang inulit ang tanong. "Ano ang sinabi mo?" Nakangiti siya ngunit hindi naitago ang iritasyon sa tinig.
Muli siyang nilingon ng lalaki. "Hindi ako makikipagpalit." Iyon lang at muli itong tumingin sa bintana.
Nag-three hundred sixty degrees ang eyeballs ni Elleana bago inirapan ang lalaking nuknukan ng antipako. That was it. It was official. Wala pa siyang dalawang oras sa Pilipinas pero may nabuo na siyang kongklusyon: The Philippines is bad for her health, beauty, and wellness. Sa kauna-unahang pagkakataon, may lalaking tumanggi sa kahilingan niya. Nahahati ang nararamdaman ni Elleana sa inis at pagkahabag sa sarili. Kasabay yata ng unti-unting pagkawala ng kanyang powers, unti-unti na rin yatang nawawala ang charm niya sa mga lalaki. Gusto niyang magdabog at magpapadyak.
BINABASA MO ANG
The Farmer And The Heiress
RomanceElleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos...